100-year-old style Hanok house sa South Korea, ginawang Starbucks

by Mavell Macaranas-Dojillo
Oct 28, 2022
Starbucks Hanok Daegu
Maraming netizens ang namangha sa Starbucks Daegu sa South Korea dahil sa istilo nitong inspired by a Hanok house. Makikita sa photos ang exterior (left) at interior (right) ng kilalang brand ng coffee shop.
PHOTO/S: Starbucks Korea

Old meets new ang disenyo ng pinakabagong attraction sa Daegu, South Korea.

Hango sa isang traditional "Hanok" house ang design ng bagong Starbucks branch na nagbukas sa publiko nitong October 20, 2022.

May higit 1,600 branches ang international coffee shop brand sa tinaguriang Land of the Morning Calm.

Ang “Hanok” ay mga lumang istilo ng bahay na naging popular noon pang 14th Century.

Madalas na tampok ang mga ito sa mga Korean dramas, tulad ng Lovers in Paris, Jewel in the Palace, Reply 1988, at True Beauty.

Starbucks Hanok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaangkop ang disenyo ng pinakabagong Starbucks shop sa image ng Daegu, na kinikilala bilang artistic and cultural hub for the region.

Ito ang third largest city sa South Korea.

Ito rin ay recognized ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) bilang City of Music.

COFFEE WITH MUSIC AND a VIEW

Tradisyon nang maituturing sa South Korea ang pagbubukas ng pinakamagagandang café ng sikat na international brand.

Ilan sa mga must-visit at itinuturing na ring tourist attractions ay ang mga branches sa Yangpyeong in Gyeonggido, Jongro Tower near Jonggak Station, Hwangudan in Seoul, Seoul Wave Art Center, at sa sikat na Jeju Island.

Starbucks Hanok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nakakagulat kung ang branch sa Daegu ang siya namang susunod na pagkaguluhan.

Umani nga ito ng labis na atensiyon dahil sa blend ng traditional at modern coffee experience.

Imagine, na-transform ang century-old hanok at na-elevate ito sa 21st century standards.

Layon ng Starbucks at partner nitong Bang & Olufsen, isang Danish electronics company, na i-showcase ang past and present culture sa pamamagitan ng music at architecture.

At sa pagtaya ng marami sa ganda ng coffee shop na intricately designed mula sa exterior hanggang sa interior, mukhang na-achieve naman ang kanilang goals.

Tampok sa Starbucks Daegu branch ang exposed wooden framework, tiled gable roof, at ornamental detailing.

Ang buong space ay may laking 7,000 square feet o mahigit 650 square meters at kayang mag-entertain ng hanggang 120 customers.

Kasama sa coffee experience ang music sa pamamagitan ng Bang & Olufsen sound system na idinisenyo para lamang dito.

starbucks hanok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming netizens ang namangha sa Starbucks Daegu sa South Korea dahil sa istilo nitong inspired by a Hanok house. Makikita sa photos ang exterior (left) at interior (right) ng kilalang brand ng coffee shop.
PHOTO/S: Starbucks Korea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results