Isang painting ni Cy Twombly ang tinatayang mabebenta sa halagang US$35 milyon (PHP2.05 bilyon) hanggang US$45 milyon (PHP2.63 bilyon).
Ang large-scale painting na tinawag na “Untitled” ay kasama sa Evening Sale ng 20th Century & Contemporary Art sa New York, kung saan kabilang din ang mga gawa ng old masters gaya nina Pablo Picasso, Willem de Kooning, at René Magritte.
Si Edwin Parker Twombly Jr., mas kilala bilang Cy Twombly, ay isang American painter, sculptor and photographer.
Ipinanganak siya noong April 25, 1928, at pumanaw noong July 5, 2011.
Isa siya sa kinikilalang pinakamahusay na artist ng 20th century. Ang kanyang mga obra ay nagtataglay ng kanyang signature energetic scribbles.
Gumagamit din siya ng wild and spare canvases.
Tinatayang nakagawa siya ng 125 paintings.
Bagaman at marami na ang nag-a-appreciate sa kanyang art ngayon, hindi ito popular sa mainstream art scene noong nabubuhay pa siya.
Para sa iba, mahirap unawain ang mga paintings ni Cy.
Matagal siyang nanirahan sa Italy, at doon ginagawa ang kanyang mga obra.
Ang 16 feet wide na Untitled ay ginawa ni Cy noong 2005. Puno ito ng circular applications ng red paint na kung susundan ng tingin ay para kang nanonood ng cycle ng violent spirals.
May mga kasama pa ang Untitled, na tinapos ni Cy mula 2003 hanggang 2008. Ginamit niyang inspirasyon sa series ang ancient Greco-Roman deity na si Bacchus, ang god of wine.
Ang series of paintings, na tinawag ding Bacchus, ay repleksiyon ng kasiyahan na inihahatid ng alak, habang ipinakikita rin ang posibleng karahasan na resulta ng alcohol addiction.
Gaya noong nabubuhay pa si Cy na hirap ang mga tao na unawain ang kanyang sining, komento ng netizens, ang mga obra ni Cy ay parang gawa lang ng bata.
May mga nagsasabing kaya rin nilang gawin ito. Ganito raw ang kanilang scribbles sa kanilang bedroom noong bata pa sila.
Hindi umano nila bibilhin ang ganitong painting kung meron man silang pera.
Mga bata lang daw ang makakaunawa sa mga likha ni Cy.
Hirit ng isang Pinoy na nagkomento, “Maraming ganito sa mga bookstore. Punta ka sa ballpen section, merong papel na dun tini-testing ang mga ballpen kung nasulat ba o hindi. Ganitung-ganito ang itsura.”
Pero ayon sa legendary filmmaker na si John Waters, “I think that if you look at any Cy Twombly painting if you really start to see it, you can imagine what those scribbles and what those words mean, and make them speak to you and translate to yourself.
“I think that’s part of the enjoyment of his work.”
Tumaas ang presyo ng paintings ni Cy nang bilhin ng Museum of Modern Art (MoMA) ang dalawa sa kanyang painting at pitong sculptures noong 1994 sa halagang US$75 milyon (PHP4.4 bilyon).
“It is imperative that we make this kind of historic mid-20th-century acquisitions because they transform the way we tell the history of modern art,” ayon kay Ann Temkin, ang chief curator ng painting and sculpture ng MoMA.
Samantala, ang viewing ng mga paintings sa 20th Century & Contemporary Art ay tatagal hanggang November 15. Sa araw ring iyon malalaman kung magkano talaga mabebenta ang Untitled ni Cy.