Watch Now

Alexa Ilacad, KD Estrada reveal struggles playing lead roles in PETA's Walang Aray

by Khryzztine Joy Baylon
Dec 3, 2022
KD Estrada, Alexa Ilacad "Walang Aray"
Philippine Educational Theater Association (PETA) is all geared up to start another year with Walang Aray, an original musical by Rody Vera based on Severino Reyes's classic zarzuela Walang Sugat. It will feature Kapamilya on-screen partners Alexa Ilacad and KD Estrada playing the lead roles.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Sa kolaborasyon ng Star Magic at Philippine Educational Theater Association (PETA), bida ang Kapamilya on-screen partners na sina Alexa Ilacad at KD Estrada sa kanilang kauna-unahang musical stage play na Walang Aray.

Ang Walang Aray ay adaptation ng classic zarzuela na Walang Sugat na isinulat ni Severino Reyes noong 1898.

Pag-amin nina KD at Alexa sa media launch and preview ng Walang Aray noong November 28, 2022, nakakapanibago ang project dahil ibang-iba raw ito sa kanilang pag-arte sa telebisyon.

Pagbabahagi ni KD, "The biggest challenge po dito [Walang Aray] kasi pag nagta-taping po kami, wala pong take two, walang cut.

“Kapag nagkamali ka sa stage, madidiretso lang iyon, and you can’t stop it."

Nakadagdag pa rito ang hindi fluent na pagsasalita niya ng wikang Filipino.

Ani KD, "That’s the one biggest here and especially sa akin, I was born and raised speaking English kahit dito po ako pinalaki [sa Pilipinas].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayon po yung biggest struggle for me, kahit nasa taping, ako hindi ako magaling mag-Tagalog.

"Hindi madaling makabisado yung mga lines ko kasi ang hirap o sobrang haba ng Tagalog.

"Ma-slang ako, kahit ngayon may slang pa rin.

"Pero I'm really practising Tagalog every day kahit sa bahay, sa mga parents ko."

At kahit na magaling siyang kumanta, kelangan raw niyang i-adjust ang istilo ng pagkanta sa musical.

"Sa singing din, singing is one of the struggles. I love singing but here, it's a bit different.

"I am the RNB singer, I don't really have vocal singing. Kasi when I sing, it's very nasal, but dito [sa Walang Aray], dapat buo talaga."

"I HAD NO FAITH IN MYSELF"

Katulad ni KD, bago rin para kay Alexa ang musical play kahit na matagal na siya sa industriya ng pag-arte.

Aminado siyang hindi niya ito genre kaya noong una ay hesitant pa siyang tanggapin ang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Alexa, "Honestly, when we were in New York last August, we watched a lot of musicals, thanks to Direk Lauren [Dyogi]. He introduced us to musicals.

"While we were watching, we were so inspired, so amazed. So we said parang ang saya. It looked really hard, but I think we would like to try.

"And then when we were offered Walang Aray, I just wanted to say no, not because I didn’t want to do it, but because I was terrified.

"I still am terrified, horrified, because I’m not used to this. It’s totally different from acting.

"We have take twos. We don’t have to memorize 100 pages. We only have to memorize the scene that’s going to be taken.

"We don’t sing live and we have prompters if we need them. Pero this, ibang klase."

Napanghinaan man siya ng loob sa una, sa huli ay nanaig pa rin ang kumpiyansa niya sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Alexa, “I had no faith in myself. I was just fully doubting. I said I can’t do that, I can’t. Mapapahiya ako. Hindi ko kaya.

"But everyone from Star Magic really believed in me and said, ‘Kaya mo iyan. Kayanin mo iyan.’

"And then I prayed and asked God for a sign. Because I want to do this, but I’m scared to say yes because it’s a big responsibility.

“So sabi ko kay Lord, ‘Lord, please give me a sign para makasagot na ako ng confirmation that I will join.’

"And then I saw an Instagram post saying na, ‘If the only thing stopping you is fear, why don’t you get to know it?’

"So I said okay, I think this is the sign. It’s time to challenge myself."

Unti-unti raw na napamahal at nagustuhan ni Alexa ang pag-arte at pagkanta sa entablado ng theatro.

Aniya, "On my first day, I remember I was scared to sing the songs again kasi I kept complaining, ‘Ang taas po, hindi ko po kaya! Please change it.’ I kept complaining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then after the first day, when I went home, sabi ni mommy, ‘Kumusta kayo? Puwede ka pa humindi.’ Sabi ko, ‘I loved it! I loved it so much.’ It was so fun. I loved it.

"Ngayon, kapag wala nang practice, I get sad. I got sick recently and everyday I was texting my handler that I’m so sad, I’m not there. I felt so bad I’m not there.

"So it’s great. I love it. The learnings, hindi mapapantayan ng ibang experience."

Dagdag pa niya, "This is the best decision that I made I think this year. I’m so happy."

Sa direksiyon ni Ian Segarra, gaganap bilang magkasintahang Tenyong at Julia sina KD at Alexa.

Mapapanood ang musical sa February 17 hanggang May 14, 2023 sa PETA Theater Center.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine Educational Theater Association (PETA) is all geared up to start another year with Walang Aray, an original musical by Rody Vera based on Severino Reyes's classic zarzuela Walang Sugat. It will feature Kapamilya on-screen partners Alexa Ilacad and KD Estrada playing the lead roles.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results