Watch Now

Painter Elito Circa, sariling dugo ang gamit sa mga obra

by KC Cordero
Jan 13, 2023
Elito Circa paints using his blood
Nagsimula ang fascination ni Elito Circa sa paggamit sa kanyang dugo bilang pintura nang aksidente niyang masugatan ang sarili noong bata pa siya. "Every time I got scraped, I would use my own blood since bloodstains are also hard to remove." (Photos courtesy of Elito Circa/Amangpintor)

Kakaiba ang estilo ng Filipino artist na si Elito Circa, 52, sa pagpipinta.

Sarili niyang dugo ang ginagamit sa mga obra.

Tubong Pantabangan, Nueva Ecija, si Elito, na mas kilala sa kanyang bansag na "Amangpintor."

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Central Luzon State University.

Elito Circa with one of his paintings

Siya ang kauna-unahang Pilipinong pintor na gumamit ng buhok at dugo sa kanyang mga obra na may temang mythologism at mythicalism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala rin siya bilang ama ng “indigenouism” na sining na nag-aangat ng antas ng paggamit ng mga kakaibang media.

Elito Circa cover photo

Kaya niyang tapusin ang pagpipinta sa loob ng lima hanggang 10 minuto sa canvas na may sukat na 432 square inches gamit ang three primary colors.

Si Amangpintor ay walang formal art training. Nagsimula siyang magpinta gamit ang uling sa kalan, katas ng mga gulay at halaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ten years old siya nagsimulang magpinta.

Ginagamit niyang brush noon ang mga hibla ng kanyang buhok na iniipit niya sa tubo mula sa antenna ng TV.

Tinatayang nasa 600 piraso na ang kanyang obra mula 1980 hanggang 2000.

One of Elito Circa's artworks

Ang iba rito ay nasa pangangalaga ng kanyang mga guro, kapitbahay, kamag-anak at kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon siyang series na Alamat ni Minggan tampok si Mariang Sinukuan, na ayon sa Pinoy folklore, ay isang diwata o diyosa na nakatira sa Mount Arayat sa Pampanga.

Ang mga obrang ito ni Elito ay nag-uugnay sa kasaysayan ng bayan ng Pantabangan bago ito palubugin upang gawing malaking tinggalan ng tubig o dam.

In general, ang tema ni Amangpintor ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at kasaysayan, kasama ang tradisyon, kaugalian, at mga paniniwala.

One of Elito Circa's artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula naman ang kanyang fascination sa paggamit sa kanyang dugo bilang pintura nang aksidente niyang masugatan ang sarili noong bata pa siya.

"Every time I got scraped, I would use my own blood since bloodstains are also hard to remove," pagbabahagi niya sa isang article.

Ngayon, kada tatlong buwan ay nagpupunta siya sa health clinic sa kanilang bayan para magpa-extract ng dugo.

Kadalasan ay nasa 500 ml (17 oz) ang sukat, na iniimbak niya sa cooler sa kanyang studio para kanyang future projects.

Kuwento niya, "My artwork is very important to me because they come from me, it is from my own blood, my DNA is part of it.

“My philosophy is that life is circular and everything is a cycle, so [my blood] is a tool that serves as a reminder of where I came from."

Ngayong 2023 ay target ni Amangpintor na likhain ang pinakamalaking blood painting na may sukat na 328 square feet, at makapag-set ng world record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula ang fascination ni Elito Circa sa paggamit sa kanyang dugo bilang pintura nang aksidente niyang masugatan ang sarili noong bata pa siya. "Every time I got scraped, I would use my own blood since bloodstains are also hard to remove." (Photos courtesy of Elito Circa/Amangpintor)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results