Natalie Mendoza replaces Rachelle Ann Go in Miss Saigon

Natalie Mendoza (left), a performer with a Filipino father, replaces Rachelle Ann Go (right) in Miss Saigon.



Ang Australian-Filipino stage actress na si Natalie Mendoza ang papalit kay Rachelle Ann Go bilang Gigi sa Miss Saigon in London.

Kinumpirma ng Official London Theatre website na napili si Natalie na gumanap bilang Vietnamese bar girl na si Gigi Van Trahn sa West End production ng Miss Saigon.

Nagpahayag na si Rachelle na hindi na siya magpapa-extend ng kanyang kontrata bilang Gigi sa Miss Saigon kapag natapos ito on May 9, 2015.

Sa May 9 din ang magiging huling performance ni Rachelle bilang si Gigi sa Miss Saigon.

(Read: Rachelle Ann Go on Miss Saigon stint: ??I??m not gonna extend anymore as Gigi.??)


Makakasama ni Natalie ang same cast members ng Miss Saigon na sina Eva Noblezada as Kim and Jon Jon Briones as The Engineer.

Maidadagdag sa Miss Saigon sina Chris Peluso, Siobhan Dillon at Sangwoong Jo sa major cast change ng musical starting May 11.

Huling napanood si Natalie sa National Theater bilang ang former Philippine First Lady Imelda Marcos sa musical na Here Lies Love. Nakasama niya roon ay ang Filipino singer-actor na si Mark Bautista na gumanap bilang si President Ferdinand Marcos.

On Broadway, nakasali si Natalie sa preview performance ng musical na Spider-man: Turn Off The Dark. Ngunit na-injure siya on stage kung kaya't hindi na siya tumuloy sa production na ito.

Hindi lang sa entablado lumalabas si Natalie dahil nakagawa na siya ng ilang TV shows at movies. Kabilang na rito ay ang British TV series na Hotel Babylon at ang acclaimed horror-thriller na The Descent.

Isang English/German dancer ang mother ni Natalie at Filipino jazz pianist arranger ang kanyang ama. She was raised in Melbourne & Sydney, Australia and in Hong Kong.

Sa London and New York naman siya nag-aral at nag-train para maging isang stage actress.

Lumabas na siya sa ilang mga musicals tulad ng Cats, Les Miserables at Sweet Charity.

Isa sa best-loved musicals ng London ang Miss Saigon at nakakuha ito ng maraming nominations sa 2015 Laurence Olivier Awards.

Naka-book ang Miss Saigon sa Prince Edward Theater hanggang December 19, 2015.

Hindi naging madali ang desisyon ni Rachelle na iwan na ang Miss Saigon, pero gusto raw kasi niyang subukan ang ibang roles sa iba??t ibang musicals sa London tulad ng Wicked at Les Miserables.

Pinuri ng mga critics ang performance ni Rachelle as Gigi sa Miss Saigon at natamo nito ang ilang parangal mula sa iba't ibang award-giving bodies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN