Markki Stroem goes topless for musical play about superheroes

Markki Stroem is cast as the Leading Man in Kung Paano Ako Naging Leading Lady The Musical. This play is being staged at PETA Theater Center until June 7, 2015. For tickets, visit



Puno ng kasiyahan si Markki Stroem sa magandang pagtanggap ng mga nanood ng kinabibilangan niyang musical, ang Kung Paano Ako Naging Leading Lady The Musical. Ginanap ang press preview noong May 6 sa PETA Theater Center sa New Manila, Quezon City.

Ginagampanan ni Markki ang role ni Leading Man, isa sa mga bidang superhero sa musical na nilikha ni Carlo Vergara, mula sa musika ni Vincent de Jesus, at sa ilalim ng direksyon ni Chris Martinez.

Sa naturang musical play, makikita si Markki na topless sa isang eksena.

“Nakakatuwa lang na nagustuhan ng mga tao lalo na ng mga press na nanood ngayon itong pinaghirapan namin. It’s really a great feeling. I hope that we can entertain more people and send them the message especially about the importance of family and relationships,” sabi ni Markki nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng press preview.

Malaking oportunidad ito para kay Markki na makasama sa cast ng Kung Paano Ako Naging Leading Lady, na kinabibilangan din nina Bituin Escalante, Frenchie Dy, Hans Eckstein, Menchu Lauchengco-Yulo, Natasha Cabrera, Kim Molina, May Bayot-de Castro, Astarte Abraham, Caisa Borromeo, Nar Cabico, Domi Espejo, Elliot Eustacio, Jeff Flores, Vince Lim, Mikoy Morales, Red Nuestro, Red Concepcion, Giannina Ocampo, Chesko Rodriguez, at marami pang iba.

“Thankful ako na si Direk Chris Martinez gave me an opportunity to be part of such a production with such big names para din mahasa ako sa craft ko.”



THE AUDITION. Nag-audition ba siya sa musical na ito?

“Yes. All of us auditioned. We were all choosen to come to a parang audition hall and ang daming artists, mga 200 artists. So, para makasama ka sa shortlist and mapili ka sa cast is really a big blessing.”

Ano ang ginawa niya sa audition?

“Kumanta lang ako ng jazz song. Kasi crooner ako sa corporate world, kumakanta ako ng mga [Michael] Buble, so kumanta ako ng ganun. So, sabi nila, perfect yun, perfect yun for Leading Man.”

May kissing scene si Leading Man sa kanyang kaparehang si Mely sa musical. Audition pa lang daw ay napasabak na sa kissing scene si Markki.

“Yung first day nakita ko yung tatlong nag-audition for Mely, sina Bituin, Frenchie at saka isa pang babae. So, hinalikan ko sila one at a time kasi kailangan nilang makita yung chemistry namin.”

Hindi naman daw ito naging problema kay Markki.

“Actually, wala akong arte sa katawan kasi in my mind gusto kong mag-excel in different areas, and I really like to learn different characters.”



LESSONS FROM MUSICAL. Ano ang mga natutunan niyang lessons sa pagsabak niya sa musical na ito?

“Madaming learnings dito especially sa family bonding. You need to have a strong relationship with your family kasi at the end of the day they’re the only ones you can trust and they’re the only ones you can go back to with all of your problems. Hindi lang sa mag-nanay, sa magkapatid, sa superheroes din may family din sila. Sa super villains din nakita mo mayroon din silang pamilya. I guess isa sa big things sa play na ito is family. And I’m excited for my mom to see it kasi I’m very close with my mom.”



HIS LEADING LADIES. Si Bituin Escalanteang naging leading lady ni Markki sa press preview. Puring-puri nga niya ang kapareha.

“Bito is such a beautiful person through and through. Tuwing kinakausap ko siya, she’s always there listening and she’s always there helping. Unlike sometime when go through teleseryes, walang time, e, walang time sa characterization, walang time sa pagtulong ng ibang artista.

"Pero sa teatro madaming time kasi puro rehearsals. So, dito tinutulungan ako ni Menchu, tinutulungan ako ni Bituin, na experienced actresses who have been in theater for a long period of time.”

Ka-alternate ni Bituin si Frenchie. Ano naman ang masasabi niya kay Frenchie, na makakapareha niya rin sa ibang playdates?

“Si Frenchie naman she is naturally cute sa stage. So, it’s very easy to fall for her on stage, ‘O, ang cute-cute mo.’ Parang tumitingin ka lang sa mata niya, sobrang cute niya. Iba yung chemistry ko kay Bito, at ang chemistry ko kay Frenchie.”



THEATER IS HIS PASSION. Mas nadadalas ngayon ang pagsabak ni Markki sa teatro kaysa sa telebisyon at pelikula. Mas gusto niya ba ito?

“Actually, ang theater para sa akin is more of my passion. Since I was eight years old pa lang nagre-Repertory [Philippines] na ako. So, bumabalik at bumabalik ako sa teatro. Siya talaga ang passion ko dahil nagsama-sama lahat, acting, dancing, singing, lahat-lahat. At parang training din para sa akin yun.

"Sa showbiz kasi kailangan din ng training kasi minsan tatawagan ka for MMK [Maalaala Mo Kaya], pupunta ka sa Batangas, marami kang kukunang eksena for one day. Minsan walang training yung ibang artista. Different people get training from different places. Ako kinukuha ko ang training ko sa teatro especially musical theater dahil singer din ako.”

Produced by Dalanghita Productions, ang Kung Paano Ako Naging Leading Lady The Musical ay mapapanood sa PETA Theater Center sa No. 5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City hanggang June 7 (tuwing Huwebes hanggang Linggo).

Para sa tickets pwedeng bumisita sa
TicketWorld Online o tumawag sa Tel. No. 891-9999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN