Mayor Herbert Bautista spearheads musical play about Manuel L. Quezon

Mayor Herbert Bautista is treating public elementary and high school students in Quezon City to the musicale depicting the life and times of the country's second President, Manuel L. Quezon.


Pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang premiere night at pagpapalabas ng MLQ, Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon: The Musical, noong Agosto 19, sa bagong bukas na KIA Theater sa Araneta Center, Cubao.

Bahagi ito ng mga aktibidad ng Quezon City government noong araw na iyon bilang paggunita sa 137th birth anniversary ng bayani at dating Pangulong Manuel Quezon, gayundin sa 75th anniversary ng lungsod.

Dumalo rin sa premiere night ang iba pang opisyal ng Quezon City na kinabibilangan nina Vice Mayor Joy Belmonte, Councilor Anjo Yllana, Councilor Lala Sotto, at iba pang konsehal; gayundin ang mga barangay officials.

Naging special guests din ang mga kamag-anak ni Pangulong Quezon, na ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas at unang Pangulo naman ng Commonwealth of the Philippines.

Makasaysayan din para kay Mayor Herbert ang pagbubukas ng KIA Theater sa dating kinakatayuan ng New Frontier Theater, ang sikat na sinehan noon kung saan ginaganap ang premiere night ng mga pelikulang Pinoy at iba pang events.

Malapit din sa puso ng alkalde ang naturang lugar.

Inihayag nga ni Mayor Herbert ang kanyang kasiyahan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media bago nagsimula ang musical.

“Well, wow, very historical, taga-Cubao kami, e, diyan kami nakatira sa New York St.

“Nilalakad lang namin ng pamilya ito at manonood kami ng sine.

"Tapos kakain kami sa Bamboo restaurant, masarap na Chinese restaurant.

"So, noong bumukas ulit ito, e, ang objective nila rito is parang sa Broadway o parang sa West End na mga play.

“Mayroong dalawa o tatlong hotels na itatayo rito, yung isa nandiyan na.

“We’re also very thankful na yung Araneta Center, pumayag na yung kauna-unahang activity dito, e, itinanghal sa kaarawan ni President Manuel Luis Quezon ngayon.

“Ang kuwento ay tungkol sa buhay niya, so maraming salamat dahil Araneta is the place to be at one point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it will be in the future, and it is here in Quezon City,” sabi ni Mayor Herbert.


INSPIRED BY QUEZON. Aminado si Mayor Herbert na malaking inspirasyon sa kanyang panunungkulan ngayon ang leadership na ipinakita noon ni Pangulong Quezon, na nailathala rin sa mga history books.

Sa pamamagitan ng dulang MLQ, ano ang nais ng Quezon City government na ibahagi sa mga kabataan ng lungsod tungkol sa dating Pangulo?

“Well, yung leadership niya… tandaan natin na si Manuel L. Quezon noong nakipaglaban sa kalayaan at independence ng Pilipinas.

“Sa panahon niya noong naging republika tayo, very historical iyon.

“Of course, maraming segments like yung young Quezon.

"Yung Quezon na leader, yung Quezon na nasa Amerika noong nagkasakit siya, at saka yung love life ni Quezon.

“Etong play na ito will refresh [history].

“Ang market nito ang mga estudyante ng public high school and elementary schools ng Quezon City, so this will refresh them.

“Sagot ng Quezon City government ito, so it’s for free.”

Sa ilalim ng produksyon ng Fullhouse Asia, ang MLQ, Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon: The Musical ay nakatakdang itanghal sa Agosto 20, 21, 26, 27, at 28 (10:30 A.M. at 3 P.M.) sa KIA Theater.

Pinagbibidahan ito ni Arnold Reyes bilang Manuel Quezon, with Gian Magdangal as alternate.


A MOVIE ON QUEZON. Ayon naman kay Councilor Anjo, isa raw sa gusto niyang gawin proyekto in the future ay isapelikula ang buhay ni Pangulong Quezon for educational purposes.

Ano ang masasabi ni Mayor Herbert dito?

Aniya, “Maganda, puwede.

"Si Congressman Alfred Vargas gumawa ng Bonifacio for educational purposes, so eto, dapat ganun din.

"And what better place to do that and to lead but the people of Quezon City, the leadership of Quezon City, na bahagi si Konsehal Anjo Yllana.”

Susuportahan ba niya ito?

“Oo naman, mayroon tayong Quezon City Film Development Commission, so maaaring eto yung isa mga puwedeng gawing proyekto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayag ba siya kung sino ang kukuning gaganap bilang Quezon?

“Mas mukhang kalaban ako ni Quezon, panahon ng Hapon iyon.

"Mukha akong Hapon, e,” biro ng alkalde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN