"The Vagina Monologues" at the RCBC Theater, June 1

by Ruel J. Mendoza
May 31, 2008
Monique Wilson (right, third row) joins Hollywood celebrities like Doris Roberts, Jennifer Beals, Christine Lahti, Jennifer Hudson, among others, for the 10th anniversary special of Eve Ensler's The Vagina Monologues.

Pinadalhan ng theater actress na si Monique Wilson ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang mga litrato nang maimbitahan siya sa 10th anniversary ng The Vagina Monologues na V to the Tenth sa New Orleans Arena sa Louisiana last April 19.

Si Monique ang nag-iisang Filipino na inimbitahan ng sumulat ng The Vagina Monologues na si Eve Ensler to be part of the 10th anniversary. Binigkas ni Monique ang kanyang monologue sa wikang Tagalog at binasa naman ng ibang aktres sa sarili nilang wika ang kani-kanilang mga linya.

Ang mga nakasama ni Monique sa event na ito ay ang mga sikat na Hollywood stars and singers, na gaya niya ay naniniwala sa magandang mensahe na hatid ng The Vagina Monologues sa mga kababaihan.

Kabilang sa nakasama ni Monique sa V To The Tenth ang sikat na country singer na si Faith Hill; American Idol finalist and Oscar winner Jennifer Hudson; two-time Oscar best actress winner Jane Fonda; Everybody Loves Raymond star Doris Roberts; Shirley Knight; Rosario Dawson; Kerry Washington; Christine Lahti; Ali Larter; Jennifer Beals; Amber Tamblyn; at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Ang pagtitipon na ito na kung tawagin ay V-Dayay para matigil ang karahasang ginagawa sa mga kababaihan sa buong mundo. Ang Vagina Monologues ay naging instrumento sa pagmulat ng maraming tao sa buong mundo sa karapatan ng mga kababaihan saan mang bansa sila naroon.

Sa June 1 ay muling ihu-host ng New Voice Company ang Vagina Monologues dito sa Pilipinas via V-Day Manila 2008: A Benefit Performance of Eve Ensler's The Vagina Monologues. Kasama na rin dito ang bagong handog ng V-Day na A Memory, A Monologue, A Rant, and A Prayer.

Magaganap ito sa RCBC Theater (7:00 PM) to raise funds for LILA Filipino Comfort Women. Uuwi rito si Monique para sa special V-Day event na ito.

May special role si Monique sa pelikulang Caregiver ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Monique Wilson (right, third row) joins Hollywood celebrities like Doris Roberts, Jennifer Beals, Christine Lahti, Jennifer Hudson, among others, for the 10th anniversary special of Eve Ensler's The Vagina Monologues.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results