Manny Pacquiao's niece enters showbiz via stage play

Kristine Pacquiao, the niece of of boxing champion and Sarangani Rep. Manny Pacquiao, is determined to make it in showbiz on her own: "Ayokong masabi ng iba na, ‘Ah, kasi pamangkin siya ni Manny kaya ganun-ganun.’ Gusto ko gumawa ng sariling pangalan ko, iyon lang po.”



Artista na ang pamangkin ng Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na si Kristine Pacquiao.

Pero hindi sa telebisyon o sa pelikula mapapanood si Kristine kundi sa isang stage play na may pamagat na Kulay Abo Ang Madaling Araw.

Bakit teatro ang pinili ni Kristine na unang pagsabak sa pag-arte?

“Actually very unexpected po ito. Gusto ko lang talagang maging commercial model tapos television actress.

"Tapos iyon, tinext ako ng manager ko [Regie Picayo]. Ganun daw, audition for a stage play.

“Kaya na-surprise ako… siyempre parang opportunity ko na rin po. Chance, ganun. So tinanggap ko po.

“And, actually, I’m starting to love it.”

Open si Kristine sa posibilidad na gumanap ng role sa mga teleserye.

Ani niya, “Siyempre po, of course!”


FAMILY TREE. Ang bunsong kapatid ng Pambansang Kamao na si Ruel Pacquiao ang ama ni Kristine.

Kasali rin ang ina ni Kristine na si Gzhelle Pacquiao sa Kulay Abo Ang Madaling Araw.

Halos anim na taon nang hiwalay sina Ruel at Gzhelle.

Magsa-sampung taong gulang pa lang ang 15 years old na si Kristine nang naghiwalay ang kanyang mga magulang.

May galit ba si Kristine sa ama?

"Hindi naman po,” saad niya.

Walong taong gulang ang sister ni Kristine.

Ayon kay Kristine, mga babae din ang dalawa niyang kapatid sa pangalawang asawa ng kanyang tatay.

Close ba si Kristine sa half-sisters niya?

Sagot niya, “Hindi po masyado.”

Close ba siya sa kasalukuyang asawa ng ama?

“Hindi po,” muling tugon ni Kristine.

Nakatira sila Kristine at Gzhelle sa Maynila mula pa noong 2013, samantalang naka-base sa General Santos City si Ruel.

“Months ago” pa raw huling nakita ni Kristine ang ama nang bumisita ito sa Maynila.

Panonoorin ba ng kanyang ama ang Kulay Abo Ang Madaling Araw?

Sabi ni Kristine, “Hindi niya po alam na nagte-theater po ako.”


ON HER OWN. Hindi rin daw alam ni Manny na pumasok sa teatro si Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ni hindi raw humingi ng tulong si Kristine sa tiyuhin para mas bumilis ang pagpasok niya sa showbiz.

Paliwanag ni Kristine, “I want to make my own name. Ayokong masabi ng iba na, ‘Ah, kasi pamangkin siya ni Manny kaya ganun-ganun.’

“Gusto ko gumawa ng sariling pangalan ko. Iyon lang po.”

Kapag nalaman raw ni Manny na isa na siyang theater actress, “Masu-surprise po, tapos masaya for me” ang kanyang tiyuhin.

Kailan lamang raw ay nagkita sila ni Manny.

“Months ago, this year lang sa bahay niya po sa Forbes… For allowance,” sabi ni Kristine.

Binigyan ba ni Manny ng allowance si Kristine?

“Opo, and si Papa, silang dalawa,” sagot ni Kristine.


SHOWBIZ CRUSH. Si Angelica Panganban ang paboritong aktres ni Kristine.

Paliwanag niya, “Ang galing niya po kasi sa Pangako sa ‘Yo.”

Fan din si Kristine ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Showbiz crush naman ni Kristine ang ABS-CBN Teen King na si Daniel Padilla.

Hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Daniel.

“Pero nakita ko na po siya, sa mall show sa GenSan [General Santos City].”

Kahit abala sa teatro ay nag-aaral pa rin si Kristine. Grade nine siya sa Aguinaldo International School sa Ermita, Manila.

Plano niyang kumuha ng kursong Tourism sa college.

“I’ve always wanted to be a flight attendant,” ani Kristine.

Ang Kulay Abo Ang Madaling Araw, sa ilalim ng direksyon ni Marlon Mente, na siya ring may konsepto nito, ay mapapanood sa November 28 at 29 at December 2, 3, 4, 8, 9, 10, 11 sa Rajah Sulayman Theater sa Fort Santiago, Intramuros, Manila.

Itatanghal ito hanggang Enero 2016.

Kasama rin sa play ang komedyanang si Mosang, Raymond Rances, Kathy Arguelles, Erwin Ignacio, Dennis Obispo, Jay Balleza, Delyn Rose Buiza, Angelica Mercado, Iris Borgonia, King Sesuca, Marlo Salazar, Joyce Baclili, Mae Joy Catucod, Jenalyn Ombrog, at Krista Miller.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN