Security beefed up at JaDine Team Real book launch after receiving warning

An estimated 11,000 JaDine fans trooped to Market! Market!'s activity center today, Sunday, June 19, for the much-awaited launch of Team Real, the book that chronicles all the activities and exploits of the powerhouse loveteam of James Reid and Nadine Lustre.



Mahigpit ang security sa book launch ng Team Real nina Nadine Lustre at James Reid na ginanap ngayong June 19 ng hapon sa activity center ng Market! Market! sa Taguig.

Nakatanggap daw kasi ng babala ang mga empleyado ng Viva Entertainment mula sa isang concerned fan, kaya sinigurado nilang bantayan ng husto ang mga aktibidades mula sa book launch proper hanggang sa book signing ng dalawang sikat na artista.

“Be careful because someone is trying out of desperation to do something that is so sick and crazy.

“Tell the two to be very careful and observant sa paligid nila,” bahagi ng warning na natanggap ng mga tauhan ng Viva Entertainment kaya naging mahigpit ang security sa Team Real book launch.

Sa estimate ng Market! Market! management, tinatayang 11,000 ang bilang ng fans na dumalo sa launch ng JaDine book para bumili ng Team Real at makita nang personal ang JaDine loveteam.

Hindi pa raw nababasa nina Nadine at James ang kabuuan ng libro na kahapon lamang nila nahawakan, pero nagpapasalamat sila sa lahat ng mga bumili

“Lahat—nandito from our house, mga bahay po namin, mga hilig po namin, music, movies, arts, as well as yung glam team namin, family… ang mababasa sa Team Real.

“I’m super excited for the JaDines.

“I know na super excited sila na mabasa yung book. Lahat ng mga nag-pre-order, excited na excited sila,” pahayag ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“It’s got untold stories, unseen photos from all our travels from Paris to Milan, Dubai…Unseen photos that we took ourselves.

“If you are a JaDine fan, it’s got our top picks, our style tips, beauty tips, even from me,” ang follow-up statement naman ni James sa sinabi ng kanyang girlfriend.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN