Yeng Constantino writes original music for stage musical, Ako Si Josephine

Yeng Constantino is excited about her new songs which will be featured in the new stage musical, Ako Si Josephine: "From the makers of Rak of Aegis, susunod na po yung Ako Si Josephine. May mga awitin po ako na gagamitin dito. Ang aakting dito ay mga theatre actors, nagpa-audition na so magra-run siya September to October, so sana suportahan ninyo."



Bukod sa kanyang kauna-unahang digital concert na may titulong Salamat Sa Sampung Taon, isang musical play na ipi-feature ang mga pinasikat na kanta ng singer ang ihahandog ng producers ng Rak of Aegis para sa ika-sampung taong selebrasyon ni Yeng Constantino sa industiya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Yeng sa set ng It’s Showtime, aminado ang singer/songwriter na sobra niyang pinagpapasalamat ang musical play kunsaan mapapanood niya ang mga nilikhang kanta.

Pagpapasalamat niya, “Sobrang blessed, siyempre sampung taon na ako sa industriya and di mo naman madidikta kung gaano ka katagal.

“The fact na nandito pa ako for ten years at mayroong mga ganitong klaseng proyekto lalo na ngayong taon, sobrang blessed talaga ako.”

Masayang nagbigay-detalye naman si Yeng sa nalalapit na musical play.

Kuwento niya, “Yung makers po ng Rak of Aegis, gagawa kami ng musical, music by Yeng Constantino.

“From the makers of Rak of Aegis, susunod na po yung Ako Si Josephine.

“May mga awitin po ako na gagamitin dito.

“Ang aakting dito ay mga theatre actors, nagpa-audition na so magra-run siya September to October, so sana suportahan ninyo.

“Project siya nila Kuya Erickson [Raymundo], yung manager ko, katulong din yata niya ang ABS-CBN.

“Yun talaga ang plan ni Kuya Erickson ever since for my 10th year anniversary, bukod sa concert.

“Celebration ng music ko since songwriter din ako, mas kilala ako ng mga tao bilang songwriter so magandang awitin ang mga kanta ko sa musical.

“'Hawak Kamay,' 'Salamat'—all Yeng Constantino’s songs. Romcom siya.”


MUM ON VICE GANDA'S NEGATIVE COMMENT. Sa ngayon, si Yeng ay isa sa mga mentors ng talent search show ng Kapamilya network na We Love OPM: The Celebrity Sings Off.

Kamakailan ay naglabas ng sama ng loob si Lala Aunor, ang butihing ina ni Marion Aunor, dahil sa naging komento ni Vice Ganda na feauture artist/judge ng naturang show noong araw na iyon kung kailan may sinabi nito na may nagsintunado sa grupo nila Marion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Ms. Lala ay naging laughing stock ang grupong Power Chords na kinabibilangan ni Marion, Kaye Cal at Marlo Mortel.

Sinubukan naming hingan si Yeng ng kanyang reaksyon dito, pero inamin niyang wala siyang alam tungkol sa isyu.

“Una sa lahat, wala akong alam dun, sa iyo ko lang narining ang tungkol diyan. Ayokong magsalita sa mga bagay na hindi ko alam, wala talaga akong alam,” paglinaw niya.


MENTORS. Nagkuwento sa amin kung ano ang nature ng trabaho nila bilang mentors sa We Love OPM kung saan minsan pala ang mga negatibong komento ay bahagi lang ng kanilang playtime.

“Mentors kami, nagbibigay kami comments sa alaga namin.

“Ako. si Ylona, si Alexa saka si Trisha. Sila Nyoy, sila Erik, iba-iba, ganun. Kami mga mentors nila, kumabaga inaalagaan namin sila.”

“Pag grupo nila sinisira-siraan namin, 'Hindi, pangit! Mas maganda ang group namin,' pero playtime lang.”

Ayon din kay Yeng ay masaya siya at proud na naging parte siya ng show na ito ng ABS-CBN.

“Masaya ang I Love OPM. Masaya.

“Kami nila Erik Santos, di namin talaga inexpect na magiging mentors kami.

“Medyo nakakatanda yung feeling, pero at the same time honor din, dahil nagagamit ka ng Diyos to train other performers.

“Sobrang fun talaga ng show.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN