Yeng Constantino on having her songs featured in musical just like Aegis: "Sobrang karangalan po sa akin."

IMAGE Allan Sancon

Ako Si Josephine the Musical will feature songs of Yeng Constantino to mark her 10th anniversary in showbiz.


Sampung taon na ang nakalipas mula nang itanghal si Yeng Constantino bilang grand champion ng Pinoy Dream Academy kunsaan nakilala siya hindi lang bilang isang magaling na singer kundi isang magaling din na composer.

Bilang bahagi ng 10th anniversary ni Yeng sa music industry, magkakaroon ng musical stage play titled Ako Si Josephine kunsaan gagawan ng istorya ang mga pinasikat niyang mga kanta.

Sa script reading ng Ako Si Josephine na ginanap sa Sikat Studios sa Quezon City, nagkuwento si Yeng tungkol sa musical stage play na itatanghal sa PETA (Philippine Educational Theater Association).

Tell us something about Ako Si Josephine the Musical.

Yeng:Ako si Josephine the Musical ay isang musical play na gagamitin ang mga hit at hindi nag hit na kanta ko and it’s so exciting, mga sinulat ko po to at mga pinasikat ko. May mga kanta din po kasi ako na hindi naipalabas sa radyo, na mga paborito ko, so they will hear some of it and of course yung mga favorites din nila, and more or less nasa mga 20 songs ang gagamitin.”

Kaninong ideya ito na gawing musical ang mga kanta mo?

Yeng: “Yung manager ko po, si Kuya Erickson Raymundo, siya po talaga nakaisip nito. Three years ago pa, sinasabi na po nila sa akin na magandang pang ten-year anniversary in showbiz project for me since 10 years na po ako sa industriya. Kasi ang daming series na ang naganap, pero ito po talaga yung original, hindi nga po ito concert. Kaya sabi ng manager ko na kailangan magawan ng musical itong mga kanta ko at medyo hindi pa rin ako makapaniwala kasi yung feeling na ang layu-layo pa nang lalakbayin ko, ganoon na ba karami naisulat ko? Ganun na ba ako ka-influential bilang isang songwriter? Pero siyempre pag maraming tao ang naniniwala at nagmamahal sa ‘yo, hindi mo talaga maiiwasan na kahit minsan yun din ang nagiging aspeto ko sa buhay na palaging maniwala sa sarili, at heto na, mangyayari na nga siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling na sa dinami-rami ng singer/composer na tulad mo, ikaw at ang kanta mo ang napili para gawing musical play?

Yeng: “Hindi ko po ma-explain yung feeling, e. I’m just so blessed lang talaga at ako ang napili for this big event at biniyayaan po ako ni God at ‘di naman po lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na ganito. Bilang fan din po ng Rak of Aegis, napanood po namin twice ng asawa ko, at tawa lang kami ng tawa, sobrang funny at cute ng story, and I’m very excited kasi yung makers po ng Rak of Aegis, sila din po gagawa ng Ako si Josephine.

What are these not-so-hit-song na kanta mong gagamitin?

Yeng: May mga favorite albums po kasi ako like yung ‘Lapid’ at ‘Metamorphosis,’ may mga songs dun na hiniling ko sa kanila na sana ilagay nila kasi favorite songs ko yun, e, na ginawa ko lang sa bahay at may relevance talaga. Yun yung mga memories ko while writing the song at umiiyak talaga ako, then nung sinulat na nila yung stories may napaglagyan naman yung mga favorite songs ko.”

Tell us something about the story of the play?

Yeng: “Definitely romantic-comedy siya, pero may kakaibang twist at kakaibang plot, kasi yung Rak of Aegis ay Pinoy style, itong Ako si Josephine ay makulay at parang fantasy siya. May mga part din na itatanong mo sa sarili mo, paano kung ang buhay mo ay walang love song? Kung iisipin mo, ano kaya biglang tatanggalin ang mga love songs sa radyo at TV, ano kaya ang kulay ng mundo?”

Sa audition ba ng mga cast members ng musical play ay isa ka sa mga pumili ng mga gaganap, lalo na yung gaganap na Josephine?

Yeng: Actually ang bait nga ng production, kasi yung mga napupusuan ko, mukhang nakuha nila. Hahaha! May isa akong pinaka-gusto para maging Josephine at pinili talaga nila at kinuha nila yun, ito ay si Ms. Via Antonio, kasi sobrang na-in-love lang talaga ako sa kanya during the auditions, sobrang shy lang niya. Pasok siya sa criteria ko bilang si Josephine. Actually, first time ko siya nakita noong audition, so, from then on, alam ko na talaga na siya na si Josephine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na ka level mo na ang Aegis dahil gagawan na rin ng musical stage play ang mga kanta mo?

Yeng: “Idol ko talaga sila. Noong naging icon sila sa We Love OPM, sobrang starstruck kaming lahat kasi nakalakihan na natin sila lalong lalo na mga kanta nila at sobrang karangalan po sa akin at yung feeling na nakaka-level up ay kasiyahan ng puso ko.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN