Rita Avila's inspirational book will be turned into a musical

IMAGE Noel Orsal

Rita Avila is an author with a mission. She shares, "Whatever I earn from the books, ibinibigay ko sa orphanages. Kaya sabi ko na, dun pa lang parang blessed na ako."



Hindi mapigilan ni Rita Avila ang sobrang katuwaan sa panibagong development sa buhay niya bilang successful book author.

Bestselling ang libro niya na Ang Hindi Nakikitang Pakpak.

Pahayag ng aktres, "It's really beyond my imagination.

"I really believe that God wanted this, para marami pang maging anghel sa lupa.

"May kanya-kanyang problema kasi yung tatlong bata, yung isa sobrang conscious sa sarili.

“Kasi ang mga bata ngayon, they all want to look like models.

’Tapos yung isa na-bully, yung isa may sakit na parang itinuturo niya na, ‘It's okay lang na magkasakit ako.

“‘Basta, sana matupad ang mga pangarap ng mga kapatid ko.’”

"Ang misyon kasi ng book is to inspire children to good every day for the love of God.

"Yun ang ano ko ngayon, na ang mga bata ay gagawa ng mabuti.

“Para magkaroon din sila ng mga hindi nakikitang pakpak."

Hindi rin makapaniwala si Rita na ang kanyang bestselling book ay isa na ring musicale ngayon.

Ito ay may titulong Ang Hindi Nakikitang Pakpak:The Musicale na tatakbo mula October 20-29 sa Saint Scholastica Manila sa direksiyon ni Joey Ting.

Nakapanayam si Rita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon para sa musicale na ito na ginanap sa Salu Restaurant noong August 11.


AUTHOR WITH A MISSION. Lumalabas na bukod sa pag-arte, natagpuan na raw ni Rita ang kanyang misyon din sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ng inspiring books.

Una niyang subok sa pagsusulat ng libro ay ang best-selling din na 8 Ways To Comfort With Grace kasama ang part one ng librong Ang Hindi Nakikitang Pakpak.

Balitang pinadalhan niya ng kopya nito si Pope Francis, at pinasalamatan siya nito at pinuri sa kanyang libro.

Aniya, "I think so, baka nga, kasi hindi ko plano ito, e, now, it's happening.

"Unang-una yung paga-artista, hindi ko naman talaga naplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging artista ako 'tapos ngayon, naging author ako.

“Nag-venture na rin ako sa love stories, lalabas yung short stories this year.

“And then, I have other children’s books na tatapusin.

“Whatever I earn from the books, ibinibigay ko sa orphanages.

"Kaya sabi ko na, dun pa lang parang blessed na ako."


INSPIRED. Ngayong isa na ngang musical ang latest book niya, ano ang naging reaksiyon niya?

Kuwento ng 48-year-old actress-author, "Nung nabanggit ito sa akin, siyempre nagulat ako.

“Wow, isang musical, lalo akong naging happy when I read the script.

“Yung rendition nila ng songs, grabe, unbelievable.

"Iikot ang mga character kina Mimay, Popoy at Pony.

"Happy rin ako sa pagiging faithful nila sa libro ko, kahit may ilang idinagdag na characters which is understandable naman.

"Si Cardinal Tagle rin, when he learned about the musicale, sabi niya, 'Oy, sana lahat ng schools manood nito."

Dito na ba siya naka-focus ngayon? Paano na ang kanyang pagiging artista?

Ani Rita, “I’m still acting naman, tama lang naman yung schedule.

“Kapag may free time and I'm inspired to write, nagsusulat ako, kasi minsan naman, wala, e.

"Alam niyo naman yun… kapag blangko, blangko talaga pero once ma-inspire ka, tuluy-tuloy."

Ang musical na ito ay ang ang part two ng kanyang unang libro, na kung saan ay tinapos na rin niya ang part three nito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN