Celebrity couple Isay Alvarez and Robert Seña handpick cast of Dirty Old Musical

IMAGE Jojo Gabinete

Real-life couple Robert Seña and Isay Alvarez are the producers of the OPM musical play Dirty Old Musical, which stars Robert, John Arcilla, Nonie Buencamino, Michael Williams, and Ricky Davao. But they had to replace Ricky with Bimbo Cerrudo because of the former's illness.


Si Bimbo Cerrudo ang ipinalit nina Isay Alvarez at Robert Sena kay Ricky Davao sa Dirty Old Musical (DOM), ang OPM musical play na itatanghal sa Music Museum sa September 1 hanggang September 10.

Ang Spotlight Artists Center nina Isay at Robert ang producer ng DOM.

Sila ang personal na pumili kina Ricky, Michael Williams, Nonie Buencamino, at John Arcilla para magbida sa musical play tungkol sa limang miyembro ng The Bench Boys, ang all-male ‘80s group na nabuwag pero muling nagsama-sama sa isang fundraising show para sa isang kasamahan na may karamdaman.


Memoryado na ni Ricky ang lahat ng mga kanta at nag-rehearse na para sa mga eksena ng DOM, pero nagkasakit siya kaya hiniling niya kina Isay at Robert na maghanap ng understudy.

Sabi ni Isay tungkol sa desisyon nila ni Robert na ipalit si Bimbo kay Ricky, “He has been sick for more than two weeks na.

“He asked for alternate. Hoping he could catch up sa second week [ng show].”

Excited na excited pa naman si Isay sa DOM dahil handpicked nila ang lead stars ng musical play na tiniyak niyang magugustuhan ng mga Pilipino.

“Dapat last year pa ito, pero because of their schedule, handpicked nga sila, hindi namin ma-imagine na somebody else doing it.

“Kami ni Robert ang pumili.

“Hopefully, kapag naging successful, just like Rak of Aegis, magkakaroon ng Version 2, Version 3.”

Dagdag pa ni Isay, “Actually, nauna yung casting, walang nag-audition, handpicked lahat.

“We know that if we put them together, it will be great, kasi iba-iba silang genre at lahat sila, mga istariray ‘yan.

“Nung umpisa, mahirap silang i-convince. Ang background nila theatre, but they’ve gone mainstream.

“Nung una hirap ako mag-schedule and then, when they started hearing the music, they started learning the harmony, forced to learn talaga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m quite proud sa challenge kasi it’s more challenging to produce an original Pilipino music play than English.

“Mas mahirap siyang ibigay sa mga kababayan natin.

“But listening to the songs we chose in the musical, kahit na mahirap at mahal because we have to pay for the licensing, the publishers for using the songs, ‘80s hits ito, OPM songs, so lahat familiar songs.

“Ang ‘80s ang Golden Age of OPM.

“It’s an idea of Robert Sena and Myke Salomon. Ibinato ni Myke kay Robert yung idea.”

Hindi rin nawawalan ng pag-asa si Isay na makakasama nila si Ricky sa second week run ng DOM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN