Here's why Carlo Orosa replaced Michael Williams in Dirty Old Musical

(L-R) John Arcilla, Carlo Orosa, and Robert Sena are some of the stars who topbill the play Dirty Old Musical.





Ang singer at talent manager na si Carlo Orosa ang ipinalit ng Spotlight Artists Center kay Michael Williams sa gay character nito sa Dirty Old Musical o mas kilala bilang D.O.M.

Makakasama ni Carlo sina Nonie Buencamino, Robert Sena, at John Arcilla sa hit musical na muling mapapanood sa Music Museum simula January 19, 2017.

Sina Tricia Jimenez at ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Sena ang mga producer ng D.O.M.

Si Tricia ang nakipag-usap kay Carlo tungkol sa alok nila para maging replacement ni Michael ang singer-talent manager na dalawang araw na nag-isip bago tinanggap ang challenging role.

“Michael had to do the 50th anniversary show ng Repertory Philippines so Tricia asked me to fill in, to replace Michael.

“Nag-isip muna ako, two days. Kasi yung time ko as talent manager, nagpaalam pa ako sa artists ko, pwede ko ba gawin 'to?

“Mahirap yung role.Ang direktor namin, bata. Ang choreographer namin, bata rin. So kung bata ang choreographer mo, ang itinuturo niyang sayaw, medyo energetic.

“Siyempre, 51 na ako. DOM na talaga ako. Sabi ko, nakatulong yung pagpunta ko sa gym, hindi naman araw-araw,” ang kuwento ni Carlo tungkol sa pagkakasali niya sa cast ng D.O.M.

“This is my first gay role [in a musical play]. Si Michael played it very sophisticated. I played very flamboyant. Not extreme, flamboyant lang.

“Yung mga kasama ko, sina Nonie Buencamino, Robert and John Arcilla are all in teleseryes. They can only rehearse thrice a week.

“Nung una ako lang ang nagre-rehearse, inaral ko muna tapos unti-unti na silang pumapasok.

“Basta never kaming nabubuo kasi they’re all busy. Ako lang ang bago and I really gave myself time. Sanay ako na nagre-rehearse ng everyday for a musical.

“Hindi ako sanay ng thrice a week pero lahat sila, nakatrabaho ko na at one point, since the '90s.

“Si Nonie, una kong nakasama sa Tanghalan when it was just starting. I was also starting as a theater actor. And then we’re all together sa Rama at Sita so meron na kaming common ground with each other."

Ang Dirty Old Musical ay tungkol sa five members ng all-male ‘80s singing group. Magkakasama pa rin sila at balak nilang balikan ang kanilang nakaraang pag-ibig at ang kanilang mga passion sa buhay.

Pagpapatuloy ni Carlo, “Ni hindi ko nga nakita yung video ng DOM. Hindi ko rin napanood ang play.

“I’ve never seen it. Papanoorin ko sana kasi I was so curious with the poster, sabi ko, interesting ha pero I got so busy. I missed it then noong November 2016, tinawagan ako ni Tricia. She asked me if I can replace Michael."

Ang rerun ng Dirty Old Musical ay gagawin sa Music Museum from January 19-21 and January 26-28, 8:00 p.m., at may 3 pm matinee on January 28.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN