Fil-Am actress Eva Noblezada to compete against Bette Midler, 3 others for Tony Award

Fil-Am actress Eva Noblezada earned her first Tony Award nomination at age 21 for her portrayal of Kim in Miss Saigon.



Ang Fil-American theater actress na si Eva Noblezada ay nakatanggap ng nomination mula sa prestigious Tony Awards.

The Antoinette Perry Award for Excellence in Broadway Theatre, more commonly known as the Tony Awards, recognizes excellence in live Broadway theatre.

Nilabas ang official list ng 71st Tony Awards noong May 2. Magaganap ang awarding ceremony on June 11 sa Radio City Music Hall in Manhattan, New York.

Nominated si Eva for Best Performance by an Actress in a Musical para sa pagganap niya bilang si Kim sa revival ng Miss Saigon on Broadway in New York City.

Ang 21-year-old theater actress rin ang gumanap na Kim sa West End London revival ng Miss Saigon in 2014 kunsaan kasama sa cast si Rachelle Ann Go bilang Gigi.

Ang makakalaban ni Eva sa naturang category ay ang mga stage veterans na sina Denée Benton (Natasha, Pierre & The Great Comet of 1812), Christine Ebersole (War Paint), Patti LuPone (War Paint), at Bette Midler (Hello, Dolly!).

Si Lea Salonga ang kauna-unahang Pinoy Tony winner. Nanalo siya para sa pagganap niya bilang Kim sa 1991 Broadway production ng Miss Saigon.

Nag-tweet si Lea ng kanyang pagbati para sa fifth Pinoy na nakakuha ng nomination mula sa Tony Awards: "Congratulations, Tony Nominees! Special nods to @EvaNoblezada, @Howellbink, @MissSaigonUS, and @StephanieJBlock!"




Bukod kay Lea, ang tatlo pang Pinoy na na-nominate at nanalo sa Tony Awards ay sina Robert Lopez (Best Musical, Best Book and Best Original Score for Avenue Q in 2004 and The Book of Mormon in 2011); Jhett Tolentino (Best Musical, Best Revival of a Play and Best Play for A Gentleman's Guide To Love and Murder and A Raisin In The Sun in 2014; Vanya and Marsha and Sonia and Spike in 2013); at Clint Ramos (Best Costume Design for Eclipsed in 2016).

Si Eva Noblezada ay ipinanganak sa San Diego, California noong March 18, 1996. May dugo siyang Filipino and Mexican.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga Pinoy na grandparents ni Eva ang nag-encourage sa kanya na kumanta noong bata pa lang siya.

Bukod sa Miss Saigon, lumabas din si Eva bilang Eponine sa revival ng musical na Les Miserables in London noong 2016.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN