Jerald Napoles reveals he will be part of The Good Teacher starring Marian Rivera

IMAGE Rose Garcia

Jerald Napoles says he has gotten good shopping for high heels. It's his way of showing he does not care whether people see him as gay. "Kung ano ang gusto niyong isipin, okay yun. Yung mga barkada ko sa GMA, sina Alden Richards, Mark Herras, mga tuwid na tuwid ang mga 'yan. At saka hindi, e."



Balik-teatro ang GMA-7 actor na si Jerald Napoles bilang isa sa mga orihinal cast member ng musical play ng PETA na Care Divas.

Una niya itong ginawa taong 2011.

Bading ang karakter ni Jerald dito bilang isang OFW na si Kayla.
 
Wala daw sa kanya kung pag-isipan man siya na bading sa totoong buhay.
 
Ayon kay Jerald, “Actually, para sa akin compliment yun, hindi ko na binago.

“Hindi ko na pinoretektahan ang sarili ko, kung ano ang gusto niyong isipin, okay yun.

“Ibig sabihin yun ang nasagap niyo noong nanood kayo, which is okay lang naman.
 
“Ang galing kong mamili ng high heels, kapag may nakita kong high heels sa mall, may hinto factor ako.
 
“Minsan, tinitingnan ko, meron ng ganun… ang galing kong mag-shopping,” natawang sabi pa niya.
 
Wala talaga siyang pangamba na baka sa kalaunan ay hindi na mabago ang tingin sa kanya at paniniwala na bakla siya?
 
“Hindi naman, hindi naman ako nagwu-worry—yung mga barkada ko sa GMA, sina Alden Richards, Mark Herras...

“Alam mo naman ang mga ‘yan, mga tuwid na tuwid ang mga ‘yan, e.”
 
Dugtong pa niya, “At saka hindi, e, bilat [babae] talaga ang gusto ko.”
 
 
LOVE OF THEATER. Sa dami ng mga proyekto niya mapa-telebisyon o pelikula man, kaya pa rin niyang i-accommodate ang teatro?
 
“Kaya naman, since rerun na ito, we only have 15 rehearsals ‘tapos weekend lang ang shows,” saad niya.
 
Aminado si Jerald na kahit nasa mainstream na, talagang hinahanap-hanap pa rin niya ang teatro.
 
“Lahat ng theater actors sa industriya ngayon—JC Santos kapag binigyan mo ng bakanteng oras, aarte ng teatro ‘yan.

“Automatic aarte sa play ‘yan, si Pepe Herrera, pagkamatay niya sa Ang Probinsyano, ano kaagad siya?

“Nag-Sa Wakas musical agad siya.”
 
Namimiss niya talaga?
 
“Oo, namimiss, kung kailangan naman itawid.

“Although may darating na teleserye, pero weekdays naman yun.”
 
Ang tinutukoy na teleserye ni Jerald ay ang The Good Teacher na pagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, magsisimulang mapanood muli ang Care Divas simula June 24 hanggang July 30.

FAMILY FIRST. Malaki na rin ang nabago sa buhay ni Jerald. 

Bukod sa sariling condo unit at sasakyan, masaya itong naipapasyal at naiti-treat niya ang pamilya niya sa ibang lugar.
 
Pero ang isang wala sa kanya ngayon ay love life, tatlong taon na raw siyang walang karelasyon.
 
“Ayoko kasi,” saad ni Jerald, “kapag nagkaroon ng girlfriend, ‘tapos break.

“Ilang months lang, may girlfriend na agad ako, pero ngayon, may trabaho, e.

“Dati tambay, mapo-focus ang energy mo sa love life.

“Ang importante kasi sa relasyon, ang pinaka-investment mo, hindi effort, hindi pakikisama… oras.
 
“Gusto mong kumuha ng kumuha ng projects, magte-taping ka ng limang beses sa isang linggo.

“Dalawang araw na lang ang para sa dyowa, medyo hindi magwu-work din.

“So sa akin, mas importante ang oras sa sarili ko at sa pamilya ko.

“Kasi ngayon ko lang naibibigay ang gusto nila. Ngayon lang ako nagka-datung.”

Noong kaarawan nga niya ay nag-Hongkong siya kasama ang mga kaibigan.

Pero noong Pasko, dinala naman daw niya sa Dumaguete ang pamilya niya.
 
Sa ngayon, hindi pa raw niya matutukan ang magpundar ng sariling negosyo dahil sa mga trabaho niya sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN