Rachelle Ann Go named Best Actress in a Musical at Theater Fans' Choice Awards

Rachelle Ann Go named Best Actress in a Musical at the 2017 Theater Fans' Choice Awards.


Umani na naman ulit ng karangalan ang singer at ngayo'y Pinay Broadway star na si Rachelle Ann Go dahil sa pagkapanalo niya sa 2017 Theater Fans’ Choice Awards.

Napanalunan ni Rachelle ang award bilang Best Featured Actress in a Musical para sa Miss Saigon.

Ginagampanan ni Rachelle ang role bilang si Gigi Van Tranh.

Ito rin ang same role na kanyang ginampanan sa London noong muling ma-revive ang Miss Saigon sa West End noong 2014.

Ito ang ikatlong parangal na natanggap na ni Rachelle para sa Miss Saigon.

Noong 2014, napanalunan niya mula sa BroadwayWorld UK/West End Awards ang Best Featured Actress in a New Production of a Musical.

In 2015, nakuha ni Rachelle ang Best Supporting Actress in a Musical award mula sa 15th Annual WhatsOnStage Awards.

Nagpaabot ng congratulations ang Miss Saigon kay Rachelle sa pamamagitan ng official Twitter account.

"Congratulations to @gorachelleann for winning "Best Featured Actress in a Musical” from the 2017 Theater Fans’ Choice Awards!"

Sa nalalapit na 2017 Tony Awards, nominated in two categories ang Miss Saigon.

Nominated ito for Best Revival of a Musical at Best Actress in a Musical for Eva Noblezada na gumaganap na Kim sa Broadway.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN