Aicelle Santos happy for Gerald Santos's big break in Miss Saigon

IMAGE Instagram accounts of Aicelle and Gerald Santos

Aicelle Santos is happy for fellow Pinoy Pop Superstar colleague Gerald Santos's inclusion in the latest cast of Miss Saigon: "Yung tungkol sa Miss Saigon, naikuwento na niya sa akin 'yan months before they made an official release about it."



Masayang-masaya ang GMA-7 singer-actress na si Aicelle Santos dahil sa pagkakasama ng kasabayan niya noon sa Pinoy Pop Superstar na si Gerald Santos sa cast ng internationally acclaimed musical na Miss Saigon.

Si Gerald Santos ang naging grand champion sa Pinoy Pop Superstar Season 2 noong 2006, samantalang naging first runner-up naman si Aicelle.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aicelle sa press launch ng teleserye na Impostora sa GMA Network Center, nabanggit nito na matagal na niyang alam na nakuha si Gerald bilang Thuy sa Miss Saigon bago pa man ito naibalita sa media.

“Since Pinoy Pop Superstar, naging very close kami ni Gerald.

“Parati naman po kaming nagkakausap niyan.

“Every time we have the time, nagkikita kami, and we update each another sa mga nangyayari sa careers namin.

“Yung tungkol sa Miss Saigon, naikuwento na niya sa akin ‘yan months before they made an official release about it.

“Siyempre, sobra po akong natuwa for Gerald kasi dumating na yung break na matagal niyang hinihintay.

“Gerald is such a good singer at sayang lang na hindi niya masyadong naipakita iyon noong nandito pa siya sa GMA-7.

“Sabi ko nga sa kanya, good things happen for people who wait.

“Kaya bago siya umalis, sinabi ko na galingan niya and make us all proud of him,” pagmamalaki ni Aicelle.

Tulad ni Gerald, nag-audition din noon si Aicelle para sa Miss Saigon noong 2013 kunsaan nakasabay pa niya ang namamayagpag na ngayon sa Broadway at West End na si Rachelle Ann Go.

MEANT FOR OTHER THINGS. Napasama sa unang call back si Aicelle, pero hindi na raw niya ito tinuloy dahil committed na raw siya sa isang trabaho noong mga panahong iyon.

“Prior to my audition sa Miss Saigon, I was doing Katy! The Musical that time.

“Nakakontrata po ako sa project na iyon kaya hindi ko magawang i-career ang Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inisip ko na lang po na baka nga hindi para sa akin ang Miss Saigon.

“It was really meant for someone like Rachelle Ann Go.

“Kita niyo naman, she’s been winning awards sa pagganap niya as Gigi.

“Naniniwala po ako na I was meant for other things.

“Tulad nang pagkakasama ko sa Eat Bulaga, that was a big blessing for me noong gawin nila akong Traffic Diva at makapag-host sa show nila.

“And now, napasama pa ako sa isang teleserye like Impostora.

“Masaya po ako with what’s happening sa career ko with GMA-7 and I just renewed my contract with them kelan lang.

“Maraming magagandang plano ang Kapuso network sa akin and I am praying na magawa ko ang lahat para sa ikakasaya ng mga taong naniniwala sa akin,” panalangin ni Aicelle.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN