Baron Geisler considers stage play his own personal rehab; admits, "Hindi naman tago na minsan umiinom ako"

IMAGE Allan Sancon

Baron Geisler ventures into theater acting with the stage play Aurelio Sedisyoso, which he considers as his own "rehab." He considers the discipline and challenges of this stage play as something helpful for both his personal and career growth.



Aminado si Baron Geisler na ibang klaseng proyekto ang kaniyang pinasok sa Aurelio Sedisyoso: A Rock Sarswela, isang stage play kung saan ay gagampanan niya ang papel ni Tikbalang.

Si Tikbalang ay isang Amerikanong mananakop na lalabanan ng mga Katipunero.

Ang Aurelio Sedisyoso ay proyekto ng Tanghalang Pilipino Foundation, Inc.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa press conference ng naturang stage play.

Naging mahirap ba ang paghahanda para sa pagtatanghal na ito?

“A liitle bit of pressure kasi they just give us only a month to prepare for these musicals,” kuwento ni Baron.

“I’m not a professional theater actor, I’m just merely an actor, so it’s very challenging for me, but I will give my one hundred percent—walang bola. I’ll just enjoy the play.”

Paano ba siya naging bahagi ng play na ito?

“I did audition twice. I don’t know why they get me?

“Tanghalang Pilipino is crazy enough to get me, pero nakita naman nila yung dedication ko sa project na ito.

“Hindi ako nale-late. Minsan two hours before the rehearsal ay nandito na ako.

“Kasi nagsisilbing disiplina ito sa akin 'to, e.”

Inimin ng aktor na ang disiplinang ito ay para na ring rehab sa kaniya.

Matatandaang noong 2011 ay pumasok si Baron sa isang 90-day rehabilitation program upang matugunan ang kaniyang issue sa pag-inom ng alak.  

Patuloy ni Baron, “Alam naman nating lahat, at hindi naman tago na minsan umiinom ako.

“Hindi naman ako perpekto. Dahil dito [sa play], baka makatulong ito sa buhay ko, para maging malinis.

“Ito yung pinaka rehab ko, e.”

Ibig sabihin ba nito na hindi na matutuloy ang laban nila ni Kiko Matos sa Unniversal Reality Combat Championship (URCC) dahil busy na siya sa Aurelio?

“Mas pinili ko po ito rather than earning money, kasi I think mas masarap mag contribute or matuto or mag-aral at makasama yung mga legends sa teatro kesa sa laban sa ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That was 2016, tapos na yun, I’m moving forward.

Ayon kay Baron, tila isang “dark horse” raw ang role niya sa play.

“Mukha akong tatanga-tanga, pero abangan nalang natin sa play mismo at panuorin na lang nila, gugulatin ko nalang sila,” dagdag niya.



Stories We Are Tracking

Baron-Kiko fight revealed to be part of docu film
Baron-Kiko fight revealed to be part of docu film



NEW GROUNDS. Naging emosyonal si Baron sa naturang press con. Ito raw ay dahil sa hindi niya naisip na karapat-dapat siyang makasama ang mga actor sa teatro.

“To tell you the truth, what’s running in my mind is I’m not worthy to be among with these people,” pahayag ng aktor.

Inilahad din ni Baron na may pagkakaiba ang pag-arte sa telebisyon or pelikula kumpara sa isang play.

“Acting in television or in a movie is like that you are walking the path. In this stage play, it’s like a 'war.'”

Patuloy pa niya, “I play the role of the antagonist, the shape-shifter kumbaga.

“We were the oppressors, e, kami yung nagkukulong sa kanila, e, ayaw namin yung pamamalakad nila.

“Ako bale yung nag re-represent sa Estados Unidos, parang ganun. I try to control everything.

“Silently, parang coming from pananakop ng Spain. Tapos siyempre nagalit yung mga Katipuneros na parang dahan-dahan silang ino-occupy ng Amerikano."

Naging mahirap ba ang theater acting para sa kaniya?

“You know in the lines, I don’t have any problem, but in  the singing, it’s crazy kasi I don’t have that classical voice like these amazing actors.

“It’s really nerve-racking na medyo ma pu-push ako to test my limit, see where I go, kung gaano ka deep ang mapuntahan ko,” sagot ni Baron.

Bukod sa Aurelio Sedisyoso ay may katatapos lang na shoot ng bagong pelikula si Baron. Ito ay ang The Right To Kill na dinirehe ni Direk Brillante Mendoza.

“Kaabang-abang na pelikula yan, pang entry  na naman 'yan sa ibang bansa,” pagmamalaki ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN