Rita Daniela opens up about musical version of Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag

IMAGE Noel Orsal

GMA-7 star Rita Daniela will be part of the upcoming musical Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag.



Masaya ang GMA-7 singer-actress na si Rita Daniela dahil natupad ang isang dream niya na makasama sa isang malaking musical.

Kasama si Rita sa musical na Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag.

Base ito sa nobela ni Edgardo Reyes na ginawang pelikula noong 1975 na pinagbidahan nila Bembol Roco bilang Julio Madiaga at Hilda Koronel bilang Ligaya Paraiso.

“It's originally a film by Lino Brocka, so tribute ito for him. Gagawin siyang musical.

“It's nice because it's originally Filipino. It's all-new. Walang covers of songs or something like that. It's all-new kaya exciting,” kuwento pa ni Rita sa panayam sa kanya sa 24 Oras.

Kasama rin sa musical ang Kapuso singer na si Aicelle Santos na ka-alternate niya sa role na Perla.

Pinost pa ni Rita ang photo nila ni Aicelle sa kanyang Instagram account noong nakaraang August 30.

Heto ang kanyang nilagay na caption: “We are your PERLA for #MSKNLTheMusical | I am alternating with this beautiful woman.? | You can get tickets now! Link is on my bio.”

Pinost din ni Rita sa Instagram account niya ang ilang photos ng rehearsals nila at pati na ang poster ng naturang musical na ididirek ni Joel Lamangan.

“’Yung role ko si Perla, kapatid siya ni Atong. She's the usual na sobrang malambing, mapagmahal na kapatid.

“Later on, namatay yung father niya na inaalagaan niya na may sakit so pumunta siya sa Maynila,” kuwento ng aktres na napapanood bilang Maureen sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Impostora.

Ang orihinal na gumanap na Perla sa movie version ay ang aktres na si Lily Gamboa-Mendoza.

Ang buong cast ng Maynila, Sa Kuko Ng Liwanag ay binubuo nila
Arman Ferrer bilang Julio Madiaga at Shiela Valderrama-Martinez and Lara Maigue na mag-alternate bilang si Ligaya Paraiso.

Kasama rin sina Floyd Tena (Pol), Noel Rayos (Atong), Rafa Seguion-Reyna and Joseph Puducay (Imo), Jim Pebanco/ Joseph Billezar (Mr. Balajadia), Khalil Kaimo (Gido), Jeffrey Camanag (Omeng), Romcel Binquis (Benny), Randy Rey (Frank), Dulce, at Ima Castro alternating as Mrs. Cruz.

Sa September 30 hanggang October 6 mapapanood ang musical na Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag sa Kia Theater Cubao.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN