Sam Concepcion, Michael Pangilinan get replaced by Arman Ferrer in musical

IMAGE Glen Sibonga

Arman Ferrer (in photo), the lead star of Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical, will reprise the role played by Bembol Roco in the 1975 movie.


Aminado ang musical theater actor na si Arman Ferrer na nasorpresa siya sa pagkakapili sa kanya para gumanap bilang lead star sa Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Una kasing kukunin para sa role sina Michael Pangilinan at Sam Concepcion. Pero sa huli ay napunta nga ito kay Arman. 

Ang kanyang karakter ay si Julio Madiaga, na siyang ginanap noon ni Bembol Roco sa 1975 film ni Lino Brocka.

“Hindi ko nga in-expect na ako yung makakakuha ng role," ani Arman. 

"Kasi nga alam ko sila [Michael at Sam] na ang gagawa. It’s just that nung tinawagan ako, ‘Kakausapin ka raw ni Sir Joel. He would like to hear you.’ And then sabi ko, ‘Sige, pupunta ako.’ Pero I didn’t know that I was auditioning for the lead.

"And then they said na, ‘O, you’re gonna be the lead.’ So, nagulat ako, sabi ko, ‘Talaga ba?’ Malaking surprise para sa akin. Pero yung audition pinaghirapan ko talaga. Actually, lahat kami na nandito sa cast pinaghirapan yung audition."

Hindi na raw tinanong ni Arman sa production team kung bakit hindi natuloy sina Michael at Sam sa musical.

“As an artist, mayroon dapat confidentiality kung bakit hindi sila natuloy. Siguro baka may personal reasons sila. You just have to respect that. I’m just thankful na I was considered to play this role.”

Mas may pressure ba sa kanya ngayon dahil mga sikat na singers ang pinalitan niya?

“Well, there’s always pressure naman. Pero sabi ko nga, ang motto ko sa sarili ko is if it’s for you, it’s for you. Tapos I don’t compare myself usually sa ibang tao. I would focus more on how I would do it and how to improve myself, rather than i-compare ko yung sarili ko sa iba, di ba?

"You can never please everybody naman, e. You just have to enjoy what you have and perform at your best. If magustuhan ng mga tao, thank you. If hindi, it would be a challenge for yourself maybe para to improve yourself more. Pero ang point ko lagi is you have to do your best and be happy with your work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical ay base sa nobela ni Edgardo Reyes at inspired ng pelikulang idinirihe ng National Artist for Film na si Lino Brocka, na pinagbidahan nina Bembol Roco at Hilda Koronel.

Ayon kay Direk Joel, ang musical na ito ay mas magiging faithful sa nobela kaya may mga eksena sa pelikula na hindi na isinama sa musical gaya ng pagiging callboy ni Julio.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arman sa presscon ng Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical na ginanap kamakailan sa KIA Theater sa Cubao, Quezon City.

 

BIGGEST BREAK. Bukod sa pagiging musical theater actor, si Arman ay isang classical singer at choral conductor. Nakaganap na siya ng lead roles sa Tanghalang Pilipino, Tanghalang Ateneo, at Dulaang U.P.

Pinarangalan siya ng award na Best Featured Male in a Musical sa PHILSTAGE GAWAD BUHAY noong 2015 sa pagganap niya bilang Emilio Aguinaldo sa steampunk musical na Mabining Mandirigma.

Naging soloist na rin siya sa Philippine Philharmonic Orchestra at ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Nakatrabaho na niya ang top conductors sa bansa gaya nina Gerard Salonga, Josefino Chino Toledo, Jonathan Velasco, at Mark Anthony Carpio.

Ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical ang biggest break ni Arman at aniya, ito ang pinakamahirap niyang role dahil bukod sa pagkanta at pag-arte ay kailangan niya rin daw karirin ang pagsayaw sa ilalim ng choreography ni Douglas Nierras.

“Ito ang pinakamahirap kong role ever kasi nga award-winning yung lahat. Tapos sobrang laki ng production. And then eto parang coming from a novel tapos movie, walang music doon, e.

"Siyempre singer ako first, ibig kong sabihin mas comfortable ako na it’s musical. So, yung acting mahirap siya for me, so malaking preparation ang ginagawa ko for acting.

“And then mayroon pang dancing, na hindi ko forte. Kasi wala naman akong role before sa theater that require heavy dancing, so very basic movements lang. E si Sir Douglas, trademark niya yung i-push niya ang actor, ‘Hindi, kaya mo iyan. We’re not going to make it basic, so itutulak kita sa mas kaya mo.’ Thank God, na mayroon kaming conditioning and dance classes before siya pumasok. So, mayroon kaming three weeks of dance classes and conditioning and then nag-choreo kami. And then surprisingly, ‘Ay, nakakasabay ako!’ So, iyon pa lang ang laking tulong na sa akin yun. I was enjoying myself na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

POWERHOUSE CAST. Walang ka-alternate si Arman sa musical. Hindi ba mahirap ito para sa kanya?

“Iyon ang challenge pag walang alternate. As in I’m trying to condition my body and my voice para magawa ko lahat yung eight shows. Pero na-train na rin naman ako before sa mga ginawa kong stage plays.”

Makakapareha niya sina Shiela Valderrama-Martinez at Lara Maigue, na magka-alternate bilang si Ligaya Paraiso. Kailangan niya raw mag-adjust sa dalawang kapareha at makabuo ng chemistry sa mga ito.

“Vocally they’re different, but both are fantastic singers and actresses. So, I would base my reaction kung sino yung nagpe-play. Hindi pwede yung kung ano yung ginawa ko kay Lara, gagawin ko rin kay Shiela, no, it’s different. Kasi iba naman ang take ng isang actor sa ibang actor, di ba?”

Makakasama rin nila sa powerhouse cast para gumanap ng mga importanteng roles sina Dulce at Ima Castro (Mrs. Cruz), Aicelle Santos at Rita Daniela (Perla), Rafa Siguion-Reyna at Joseph Puducay (Imo), Jim Pebanco at Joseph Billezar (Mr. Balajadia), Khalil Kaimo (Gido), Floyd Tena (Pol), Noel Rayos (Atong), Jeffrey Camanag (Omeng), Romcel Binquis (Benny), at Randy Rey (Frank).

Handog ng Grand Leisure Corporation at line produced by Full House Asia Production Studios Inc., ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical ay mapapanood sa KIA Theater sa sumusunod na mga petsa: September 30 (3pm at 8pm); October 1 (3pm at 8pm); October 4 (8pm); October 5 (8pm); at October 6 (3pm at 8pm). For tickets, contact Bards Lapid at mobile number 0917-8466704; landlines 897-7142, 890-0853, 890-6067 or Ticketnet 911-5555.


.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN