Aicelle Santos bags lead role in Himala musical

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Aicelle Santos has been chosen to play Elsa in Himala: Isang Musikal, the stage musical adaptation of the award-winning movie with starred Nora Aunor. The play is scheduled to have its initial run starting February 2018.


Nagpapasalamat si Aicelle Santos sa tiwala na ibinigay sa kanya para magbida sa Himala: Isang Musikal na magsisimula na sa February 2018.

Produced ito ng The Sandbox Collectives.

Sa dalawang posts niya sa kanyang Instagram account, abot-langit ang pasasalamat ng Kapuso singer-actress at Traffic Diva dahil sa pagkakataong gumanap siya bilang si Elsa sa Himala: Isang Musikal.

Dito rin niya ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa stage adaptation ng premyadong pelikula.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawari ang pakiramdam... Salamat po sa biyaya ng HIMALA. Yayakapin na kita. Panginoon, Ikaw na po ang bahala.???????????? #SandboxHimala #Feb2018 #amazinggrace ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• When faith comes at a price, is it still worth fighting for? Thirty five years after the film and fifteen years after the original musical, The Sandbox Collective (@thesandboxco) proudly brings you Himala: Isang Musikal. Based on the cinematic masterpiece by Ricky Lee and Ishmael Bernal, Himala or “miracle” follows the story of a young woman named Elsa (played in the film by Ms. Nora Aunor) who becomes a savior in the eyes of this bucolic town longing to put an end to its suffering. With music by Vincent De Jesus, orchestration by Jed Balsamo, and book by Ricky Lee, “Himala” broke barriers as one of the most celebrated film to stage adaptations in local theater history. Coming in February 2018. #SandboxHimala

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

Ang Superstar na si Nora Aunor ang nagbida sa pelikulang Himala noong 1982. Ito ay idinirihe ni Ishmael Bernal.

Humakot ito ng maraming major awards sa 1982 Metro Manila Film Festival including Best Picture, Best Director, Best Supporting Actor (Spanky Manikan), Best Supporting Actress (Gigi Dueñas) and Best Actress (Nora Aunor).

Pinuri ang 2005 Pinoy Pop Superstar runner-up na si Aicelle sa paglabas niya sa mga musicals na Katy!, Rak of Aegis at Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag.

Napapanood si Aicelle sa top-rating afternoon teleserye ng GMA-7 na Impostora.

Kasama rin si Aicelle sa cast ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Larawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN