Eugene Domingo hopes 'Night, Mother educates theater audiences about mental health issues

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo hopes her new stage play 'Night, Mother will enlighten theater audiences about the relevance of mental health issues, including depression and suicide: "Gagawin namin siyang totoo na nangyayari dahil nangyayari na siya ngayon, na hindi natin napag-uusapan dahil ito ay tungkol sa pagsuko... Tungkol sa kung gusto mo pa mabuhay, tungkol sa ibig sabihin ng pagpapatuloy na hindi natin napag-uusapan o hindi napag-uusapan sa pamilya."


Magbabalik-entablado ang award-winning comedienne at TV host na si Eugene Domingo via PETA’s Filipino adaptation ng 1983 Pulitzer Prize-winning drama by Marsha Norman na pinamagatang ‘Night, Mother.

Taong 2012 pa noong huling magbida si Eugene sa stage version ng pelikulang Bona na iprinodyus din ng PETA.

Naging busy si Uge sa kanyang mga TV shows ngayon na Dear Uge at Celebrity Bluff.

Kaya sa February ay muling babalik si Uge sa kanyang pinagmulan na teatro para sa 50th season ng PETA.

Heto ang post ng PETA sa kanilang Instagram account:

RELEVANT THEME. Timely ang tema ng ‘Night, Mother dahil tumatalakay ito sa mental health at suicide, dalawang bagay na nali-link sa sakit na depression.

“Masasabi ko na parang malungkot yung material pero hindi namin siyang gagawing malungkot.

“Gagawin namin siyang totoo na nangyayari dahil nangyayari na siya ngayon, na hindi natin napag-uusapan dahil ito ay tungkol sa pagsuko...

“Tungkol sa kung gusto mo pa mabuhay, tungkol sa ibig sabihin ng pagpapatuloy na hindi natin napag-uusapan o hindi napag-uusapan sa pamilya.

“Puwede tayong malungkot, puwede tayong sumaya, puwede tayong makatulong sa mga sarili natin, o sa kakilala natin, o sa mahal natin sa buhay dahil marami kaming sasabihin sa ’yo,” pahayag pa ni Uge sa Instagram video ng PETA.

Mapapanood ang ‘Night, Mother sa PETA Theater, Quezon City, mula February 2 hanggang March 18, 2018.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN