Aicelle Santos on taking on Nora Aunor role in Himala musical: "Sana po I do justice to the role."

IMAGE Noel Orsal

Himala: Isang Musikal, top-billed by Aicelle Santos, will be staged from February 10 - March 4, 2018, at Circuit Makati.


Hindi pa rin nakapaniwala ang GMA-7 singer-actress na si Aicelle Santos na siya ang napili para gumanap bilang Elsa sa Himala: Isang Musikal.

Hindi raw niya akalain na darating ang araw na gaganap siya sa isang iconic role na unang ginampanan ng Superstar na si Nora Aunor noong 1982.

“Itong role na ito ay napakalaki. When I got the news, sa totoo lang, sobrang saya, sobrang excited,” pahayag ni Aicelle sa media launch ng Himala: Isang Musikal sa Privato Hotel noong nakaraang January 16.

“Pero I gave it only three minutes, kasi after nun natakot na ako.

“It’s like, ‘Tama ba yung narinig ko?’ But I'm ready for it, and with the help ng buong Cupang, magagawa po natin ito.

“Siguro sa bawat rehearsal, nabi-build ko kung sino si Elsa.

“Ang ganda rin na nagwo-work together ang buong grupo dahil kapag nakita mo kung papaano umarte yung buong Cupang, doon mo mararamdaman na 'Uy, nakikita ko na si Elsa sa moment na 'to.' It's a process pa rin."

Ilang beses na ring lumabas sa musical si Aicelle tulad ng Katy!, Maynila Sa Kuko Ng Liwanag at sa MMFF 2017 official entry na Ang Larawan.

Sana raw ay nabigyan ni Aicelle ng hustisya ang pagganap niya as Elsa.

“Dito po kasi ipinakita ni Ms. Nora ang kagalingan niya sa pag-arte. Siyempre hindi mo maaalis sa tao na isipin na 'Kaya ba niyang gawin ang ginagawa ni Ms. Nora?'

“Sana po I do justice to the role,” paniguro ni Aicelle.

Tungkol naman sa wedding plans nila ng fiance niyang si Mark Zambrano, pinaplano na raw nila ang lahat, pero di naman sila nagmamadali.

“We’re both very busy kasi. Tulad ko, I have this musical at si Mark naman, kunsaan saan siya napupunta dahil sa nature ng trabaho niya.

“In God’s perfect time, maaayos din namin ang lahat. We just pray for time at kapag nandiyan na at naupuan na namin ang lahat, doon lang kami makakagawa ng official announcement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon kasi, we’re lifting it all up to God,” ngiti pa ni Aicelle.

Mapapanood ang Himala: Isang Musikal simula February 10 hanggang March 4, 2018 sa Power MAC Center Spotlight, Circuit Makati.

Ang ECP or Experimental Cinema of the Philippines ang nag-produce ng Himala noong 1982 at naging official entry ito sa 1982 Metro Manila Film Festival.

Nahakot niyo ang mga major awards kasama na ang Best Picture, Best Director (Ishmael Bernal), Best Screenplay (Ricky Lee), Best Supporting Actress (Gigi Duenas), Best Supporting Actor (Spanky Manikan), and Best Actress (Nora Aunor).

Ang libretto ng Himala: Isang Musikal ay mula sa libro ni Ricky Lee at music ni Vince de Jesus. Mula ito sa stage direction ni Ed Lacson, Jr.

Kasama rin sa cast sina Kakki Teodoro as Nimia, Neomi Gonzales as Chayong, Sandino Martin as Pilo, David Ezra as Orly, and Bituin Escalante as Nanay Saling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN