Joanna Ampil no bad blood with former manager

Award-winning theater actress Joanna Ampil on parting ways with her former manager Girlie Rodis: "You know, I can never say anything bad about her because we really had such a good relationship."


Nagsalita na rin si Joanna Ampil tungkol sa kanyang paghiwalay sa kanyang manager na si Girlie Rodis (GR) at sinabi niyang walang issue sa pagitan nilang dalawa.

“It was really good and I don’t know, I really hear a lot of weird things, but she messaged me saying, 'I released you with no bitterness.'

“Maayos na maayos ang usap namin,” depensa ni Joanna.

Dagdag niya, “We had a very good working relationship and now she’s gonna be a producer, and she’s very good at it, so I think she should carry out on producing.”

Dedma naman daw si Joanna sa mga paratang na wala raw siyang utang na loob, dahil hindi daw ito totoo.

“We parted ways on good terms so marami naman talagang magsasabi no'n, di mo naman maiiwasan 'yon.

“Okay lang if that’s how they perceive things, but as long as GR and I are friends, I will owe her forever sa gift ng Larawan.”

“You know, I can never say anything bad about her because we really had such a good relationship, so I owe a lot to her also,” pahabol niya.

2ND BEST ACTRESS AWARD. Masayang-masaya ang international theater actress na si Joanna Ampil nang makarating sa kanya ang balitang nanalo na naman siya bilang Best Actress sa kanyang pelikulang Ang Larawan sa 34th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.

Aniya, “It was such a nice surprise. Maraming salamat.

“I’d like to come back for those things of course and hopefully we could win it.”

Inamin ni Joanna na matagal na niyang gustong magkaroon ng local projects upang makapag-perform siya para sa kanyang mga kababayan.

Ito daw ang isang kahilingang tinupad ng kanyang debut film na Ang Larawan kung saan una na siyang nanalo bilang Best Actress noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Larawan gave me that opportunity—to perform in our county. So, it’s so nice.”

Ayon kay Joanna, kabilang pa rin sa kanyang bucket list ang wish niyang makagawa ng panibagong movie.

MUSICAL TOUR. Pero sa ngayon ay busy pa siya sa China tour ng kanyang musical na CATS ngayong taon na aabutin ng anim na buwan.

Kuwento niya, “I had an offer but I couldn’t do it because I’m still in CATS, so pagbalik ko in October, hopefully things will happen then.

“Pero that’s the goal talaga because I want to experience TV, I want to experience teleserye, I want to experience movies.

“I heard a lot of things about the movies here and how teleseryes are done here.

“I want to experience it myself and I want to learn from it. I want to enhance the craft, so sana. Sana.

“We’ll see.”

NOT CHOOSY WITH ROLES. Hindi raw siya magiging choosy at handa raw siyang tanggapin ang kahit anong projects na ibibigay sa kanya pagbalik niya ng Pilipinas pagkatapos ng kanilang tour.

Lahad niya, “I’ll just be happy if there will be offers so sana, you know. We’ll see.

“Marami akong gustong i-explore.

“Maraming genres, kasi really ang nagawa ko palang yung Larawan, so marami pa rin akong gustong gawin.”

Nang tanungin naman kung meron siyang mga local artists na gustong makatrabaho, nahirapang mamili ang aktres dahil sa dami raw ng magagaling na Filipino artists.

“Marami kasi ang dami kong mga nakikitang magagaling.

“Ang dami nating magagaling dito at saka ang daming magagaling na director, so I would like to work with so many of them.

“I mean, it would be such an honor kung ganun ang mangyari.”

RECORDING. Hindi naman daw dapat malungkot ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pansamantalang pagkawala ng anim na buwan dahil mayroon siyang iiwang kanta para sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve just recorded an OPM which is a revival and that will come out within the year, so sana suportahan.”

“Ilalabas yun sa radio so maririnig ng mga tao, so parang nandito pa rin ako,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN