Is Binondo: A Tsinoy Musical connected to Regal's Mano Po movies?

Binondo: A Tsinoy Musical will be staged at the Theatre at Solaire starting June 29, 2018. It stars (L-R) Noel Rayos as Carlos, Carla Guevara Laforteza as Lily, and Arman Ferrer as Ah Tiong.




Muling nagbabalik sa pagdirek ng isang musical theater ang veteran film director na si Joel Lamangan via Binondo: A Tsinoy Musical.

Noong nakaraang taon, una siyang sumubok magdirek ng isang musical via Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag na hango sa 1975 film of the same title na dinirek ni Lino Brocka.

Muling na-inspire si Direk Joel na magdirek ulit ng musical at nataon na dumating ang Binondo na hango naman sa buhay ng producer ng naturang musical na si Rebecca Chuaunsu.

Binondo is just my second musical so far. I’ve been in the business of filmmaking for such a long time, gusto ko naman ng iba. I want to explore yung pinanggalingan ko which is theater.

“Saka isang excuse itong musical theater para sa akin. Kunwari magaling akong kumanta. I’ve always loved to sing, pero iba ang tinahak ng career natin. Kaya doing this musical, somehow, maa-achieve ko ang matagal ko nang pinangarap na maging singer!” tawa pa ni Direk Joel sa press launch ng Binondo: A Tsinoy Musical sa Oriental Palace Restaurant along Tomas Morato, Quezon City.

Tulad ng mga pelikula ni Direk Joel, may political theme ang naturang musical na naka-set sa pre-Martial Law era sa Pilipinas.

“This is actually a romantic story about this Filipino girl named Lily na isang singer sa isang nightclub during the Martial Law sa Maynila; Ah Tiong, a Chinese scholar from Communist China and Carlos, a local Chinese childhood friend of Lily.

“By some twist of fate, magkakaroon ng love triangle amidst the chaos of that era,” kuwento pa ni Direk Joel.

Ipapakita ng musical na Binondo na hindi basta-basta nawawala ang pagmamahalan ng dalawang tao kahit na ang magiging problema nila ay ang kanilang lahi.

“This musical explores how love overcomes even in times of racial prejudice and political turmoil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sa tagal na nagkahiwalay kayo, nandoon pa rin ang pagmamahalan ninyo, hamakin niyo man ang lahat,” diin pa ni Direk Joel.

Ang sumulat ng Binondo: A Tsinoy Musical ay si Ricky Lee kasama sina Gershom Chua at Eljay Deldoc. Ang original music ay si Von de Guzman at choreography by Douglas Nierras.

Pinili rin mula sa mga nag-audition ang mga babagay sa roles ng musical.

Gaganap bilang Lily ay sina Sheila Valderrama-Martinez at Carla Guevara-Laforteza. Sa role na Ah Tiong ay sina Arman Ferrer at David Ezra. Sa papel na Carlos, nakuha sina Floyd Tena Noel Rayos.

Kasama rin sa cast Ima Castro, Mariella Laurel, Lorenz Martinez, Tuesday Vargas, Ana Feleo, James Pebangco, Khalil Kaimo, Ashlee Factor, Kaye Balajadia, Jennifer Villegas, Dondi Ong, Elizabeth Chua, Russell Magno, Elrica Laguardia, Rhapsody, Jonel Mojica, Philip Deles, at Ivana Villanueva.

Inintriga naman si Direk Joel na baka hango ang kuwento ng Binondo: A Tsinoy Musical sa mga Mano Po movies ng Regal Films.

Nataon pa kasi na Lily ang name ng lead character at baka ika-react ito ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

“Porke’t Lily ang name, si Mother Lily ba agad ang maiisip ninyo?

“Puwede naman siguro na gusto lang naming ipangalan ang lead character sa isang flower. So bagay ang name na Lily, di ba?

“No, this musical has nothing to do with the five Mano Po movies I did for Regal Films.

“Pinag-usapan naman namin ni Ricky itong musical na ang pagkakasulat ay malayo sa mga naging tema ng Mano Po movies,” diin ni Direk Joel.

Sa possibility na maging isang musical film ang Binondo tulad ng Ang Larawan, welcome idea para kay Direk Joel, basta may magsu-shoulder ng budget.

“Bakit naman kami tatanggi kung may willing gumastos para maging malaking musical film itong Binondo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang problema sa akin ‘yan, basta may budget at kayang matupad ang demands ng project.

“Kung gagawing movie ito, magkakaroon ito ng location shoots in China. Malaki-laking budget ‘yon. Now, kung may willing, we are more than welcome to talk with them para matuloy, di ba?” tawa pa ni Direk Joel.

Itatanghal ang Binondo: A Tsinoy Musical sa Theatre at Solaire on June 29, June 30, July 1, July 6, July 7 and July 8. For tickets, call TicketWorld (891-9999).



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN