Ima Castro, Carla Guevara-Laforteza thankful that Pinoys still get plum roles in Ms. Saigon

IMAGE Ruel Mendoza

Veteran stage performers and Ms. Saigon alumna Ima Castro (left) and Carla Guevara-Laforteza (right) cite several reasons why Pinoy theater actors still manage to bag plum roles in foreign stage musicals, including Ms. Saigon: "Hard worker kasi tayo, e. Kahit na anong ipatrabaho sa atin, kaya nating gawin at mas magaling pa," Ima proudly asserts.


Very proud ang dalawang gumanap bilang Kim sa past productions ng Miss Saigon na sina Carla Guevara-Laforteza at Ima Castro dahil hanggang ngayon ay mga Pinoy actors pa rin ang kinukuha para sa ilang mahahalagang roles sa naturang musical production.

Kabilang na rito sa list ng world-class Pinoy stage performers sina Rachelle Anne Go, Aicelle Santos, Gerald Santos, Red Concepcion, Joaquin Valdez at iba pang mga Pinoys na kasama sa pagbalik ng Miss Saigon sa Broadway at West End.

Para kay Ima, na gumanap bilang Kim sa Manila run, Asian tour at London production ng Miss Saigon in 2001, malaki raw ang tiwala ng team ni Cameron Mackintosh sa mga Pinoy pagdating sa talent nito.

“I guess, sa simula pa lang, when Lea Salonga and the rest of the Filipino na nasa original cast ng Miss Saigon in 1989, bumilib na siya sa disiplina nating mga Pinoy when it comes to performing.

“Hard worker kasi tayo, e.

“Kahit na anong ipatrabaho sa atin, kaya nating gawin at mas magaling pa,” diin ni Ima.

Ayon naman kay Carla, na gumanap na Kim sa Miss Saigon in London in 1996 to 1997, bukod sa talent in singing, dancing and acting, ang communication skills nating mga Pinoy ang pinaka-the best para sa kanila.

“Wala kasi silang problema pagdating sa ating mga Pinoy, kasi we speak English very well.

“Nakakapag-communicate tayo with them na walang interpreter.

“'Tsaka mahusay tayo na makisama kahit na sa anong race.

“We get along with almost everybody sa buong mundo,” pagmamalaki niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Ima at Carla sa media launch ng bagong all-original musical na Binondo: A Tsinoy Musical sa Oriental Palace restaurant sa Quezon City noong nakaraang April 12.

BACK TO THEATER ROOTS. Sa naturang musical, gaganap si Carla sa lead role bilang si Lily, at si Ima naman ang gaganap na ina niyang si Mrs. Dela Rosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapwa nagbalik sa musical theater sina Ima at Carla pagkatapos ng maraming taon.

Para sa dalawang veteran performers, hindi nila maiwan ang naging buhay nila sa pag-awit at pag-arte sa entablado.

Kaya every time na may humiling na mag-audition sila for a musical, gina-grab nila ang opportunity na ito.

Tulad na lang ni Ima na unang nakilala bilang R&B singer noong 1993 pagkatapos nitong iuwi ang parangal as Best Singer sa 1991 Panasonic Karaoke Quest in Osaka, Japan. Nanalo rin as Best Interpreter at the first Asian Song Festival in Bali, Indonesia, in 1996 and second prize in both Musika Manila and MetroPop also in 1996.

LIFE AFTER MS. SAIGON. Nakapag-release ng dalawang albums si Ima at nagkaroon siya ng pagkakataong maka-duet ang mga international singers na sina Enrique Iglesias, David Pomeranz, at tenor Russell Watson.

Isa sa mga hit singles ni Ima ay ang duet niya with Lloyd Umali na “Nanliligaw, Naliligaw.”

Naging makulay naman ang buhay ni Ima noong ma-in love ito sa aktor na gumanap na Chris sa Miss Saigon na nagngangalang David Shannon.

“I was married to him for four years. But we got divorced in 2009.

“Noong una pa lang, marami na ang nagsasabi sa akin na huwag ako pakasal kay David kasi iba raw ang ugali ng mga British. Hindi raw kami magkakasundo.

“Ako naman, dahil in love, hindi ako nakinig.

“Later on ko na lang na-realize noong kasal na kami, bad boy pala. Doon na naiba ang lahat.

“Hindi kami na-bless with a child kasi I had a miscarriage during our marriage.

“Noong mag-separate kami, I worked in different theater productions in London.

“Nakasama pa ako sa movie ni Chito Roño na Caregiver in 2008 noong mag-shooting sila roon with Sharon Cuneta.

“Eventually, when the divorce was granted, umuwi na ako ng Pilipinas.

“But minsan nami-miss ko rin ang London, pero hindi ang weather.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paiba-iba ang weather doon kasi,” kuwento pa ni Ima who will stage a big concert in celebration of her 25th year in Philippine entertainment.

Naging aktibo ulit sa mga local musicals si Ima. Lumabas siya sa Atlantic Productions of Disney’s Tarzan, AIDA, In The Heights, Full Monty, Ghost, Priscilla: Queen of the Desert at Nine. Last year, nakasama si Ima sa musical version ng 1975 Lino Brocka film na Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag.

Hindi naman naging hadlang ang pagiging misis ngayon ni Carla Guevara kay Godfrey Laforteza (former dancer, theater actor and now executive chef) with whom she has three kids, dahil malaya siyang gawin ang kanyang hilig sa paglabas sa mga theater musicals.

“Performing is something na hindi mo maiaalis sa akin.

“Kaya every time I hear of an audition, I would go to it kasi mami-miss ko ang energy ng theater,” lahad ni Carla na lumabas na sa mga theater productions tulad ng Rak of Aegis, Matilda The Musical at Monty Phython’s SPAMalot, among others.

Aside sa theater, gumawa ng ilang movies at TV shows noon si Carla. Ang huling teleserye na ginawa niya was Be Careful With My Heart in 2014.

“Actually, gusto kong bumalik doing TV series and movies.

“I am still under Star Magic and they always have work for me.

“Ako lang ang hindi nakaka-oo sa kanila because natataon na may ginagawa akong musical.

“Like recently, ika-cast sana ako sa ganitong teleserye, pero biglang pumasok itong Binondo. So dito muna ako mag-concentrate.

“Hopefully, after Binondo’s run, makabalik ako sa TV and movies. Para maiba naman,” diin pa niya.

Ang Binondo: A Tsinoy Musical ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan, script ni Ricky Lee at musika ni Von de Guzman.

Itatanghal ito sa Theater @ Solaire on June 29 and 30; July 1 and 3; July 7 and 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN