Lea Salonga joins Annie cast for Hollywood Bowl special

IMAGE Noel Orsal

After thirty-eight years, acclaimed Pinay international stage actress Lea Salonga joins the cast of Annie for its 2018 production slated to run from July 27-29 at the Hollywood Bowl in California.


After thirty-eight years ay muling lalabas ang Pinay international theater actres na si Lea Salonga sa musical na Annie.

Ginampanan ni Lea ang title role sa Repertory Philippines' adapation ng naturang musical noong 1980.

Sa pagkakataong ito, gagampanan naman ni Lea ang role bilang Grace Farrell, ang loyal assistant ng billionaire na si Oliver Warbucks na magiging kaibigan at tagapagtanggol ng orphan na si Annie.

Sa July 27 hanggang July 29, 2018 ise-stage ang Annie sa Hollywood Bowl in California.

Ayon pa sa website na Broadway World, ang magdidirek ng Annie ay si Michael Arden na dinirek na si Lea sa currently-running Broadway revival ng Once On This Island, kunsaan ginagampanan nito ang role bilang Erzulie.

Ang bagong production ay nakatakdang mag-commemorate ng ika-90 kaarawan ni Charles Strouse, ang composer ng Annie, na siyang nag-debut ng musical noong 1977.

Na-revive na ng dalawang beses on Broadway ang Annie (1997 and 2014) at nagkaroon na ito ng tatlong pelikula (1982, 1999 and 2014).

Veteran performer na si Lea pagdating sa mga musicals tulad na lang sa paglabas niya sa Once On This Island, Flower Drum Song, Allegiance, Les Miserables, at Miss Saigon, kunsaan napanalunan niya ang Tony Award for Best Actress in a Musical noong 1991.

Nakilala rin si Lea sa pagbigay niya ng singing voice sa Disney princesses na si Jasmine in Aladdin at Fa Mulan in Mulan.

Isa rin si Lea sa mga pinarangalan bilang Disney Legends noong 2011.

Kapag nandito sa Pilipinas si Lea, isa siya sa mentors ng The Voice Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN