Very emotional ang lead actor ng M. Butterfly na si Raymond "RS" Francisco nang matanong ng PEP.ph ( Philipine Entertainment Portal) kung sino ba ang gusto niyang unang makapanood ng kanyang play.
Kuwento ni Direk RS nang mag guest ito sa DZBB 594: "Siyempre mommy ko! Mommy and daddy ko.
"Kaso ang daddy ko, mahina na nasa bahay na lang, di na makatayo pero he's still normal. Walang sakit kaso his 94 years, so di siya makakanood.
"Kaya kung sino ang dalawang tao na gusto kong makapanood ng M. Butterfly ay ang mommy at daddy ko.
"Pag sinabi ng mommy ko na maganda, dun ako magiging confident na tama yung ginagawa ko.
"Kaya excited ako, kaya di ko pinapanood ng rehearsal yung mommy ko, kasi gusto ko siyang ma surprise ulit.
Gaano siya ka-excited habang papalapit ang opening night nila? Tatanghalin ang M. Butterfly mula September 13 hanggang September 30 sa Maybank Performing Arts Theater, Bonifacio Global City.
Ani RS, "As in sobra halos di na ako makatulog.
"Kasi bukod sa pagiging actor dito producer din ako, so kailangan kong isipin din lang ang role ko.
"Kailangan ko din isipin yung produksiyon, kailangan yung produksiyon namin matino.
"Unlike dati nung ginawa ko sa U.P. 28 years ago ang concern ko lang yung role ko, kung papano ako makakatulong sa dula yun lang ang concern ko, yung character ko at kung papano ko mapapaganda yung play.
"Pero ngayon bukod sa yun ang concern ko meron pang...yung tama ba yung ganito, tama ba yung promo, yung marketing, tama ba yung placement namin, ilan yung sponsors, yung playbill namin ayos na ba?
"Kung sino ba mag-iilaw, as in literal lahat talaga.
"Ako kasi sinabi ko, first venture ito ng Frontrow Entertainment na play, so sabi ko dapat maganda para walang masabi yung mga tao.
"So just imagine iniisip ko kung ano na talaga, pati presscon, pati press kit, pati behind-the-scenes, pati pakain sa mga cast iniisip ko na rin ngayon di tulad dati na yung role ko lang ang concern ko."
Sa M. Butterfly, si RS ang gumaganap bilang Song Liling, isang Chinese soap opera singer.
Di ba apektado yung acting side mo kasi lahat iniisip mo bilang producer at Frontrow owner?
"Time management lang siguro, kapag umaga tulog ako pag gising ko ng 1:30 pm nagpi-prepare na ako para sa play, from 3 to 9 pm habang nagri-rehearse actor ang nasa isip ko.
"Wala akong iniisip, hindi mo ako makakausap sa kahit na ano.
"Pagdating ng 9 pm, diyan na nag uumpisa ang mga meetings ko , meetings ko with SM Supermalls, kasi gusto ng SM na ipalabas yung teaser ng M. Butterfly sa kanila ex-deal.
"Tapos nung nalaman nila na for charity ito lalo silang ginanahan at sinabi nila na sige ipalabas natin 'yan.
"Tapos after that minimeet ko naman yung tao para sa costumes, imi-meet ko yung artistic team, imi meet ko yung marketing team, yung staff, yung director, si Jeff so matatapos na ako ng mga 12 or 1 am.
"After ng 1 am dun na yung Frontrow, so mga 1 to 2 am, tapos after ng 2 to 3 am dun na yung gimik.
Sa dami ng ginagawa mo for a day nakaka-gimik ka pa?
"Of course, kailangan namang mag-enjoy di lang puro trabaho! Meron ako 1 hour to 2 hours.
"Sa akin kasi it's not the length, it's the quality, I always tell people na kahit how busy you are, dapat you have time para sa sarili mo at mag-enjoy.
"Like me I always see to it na may time ako to enjoy, time to visit my mom and dad in awhile, so lahat yun.
"Ako kasi I'm very close with my parents. I really really love them."
Dahil ba sa sobrang dami ng ginagawa mo kaya ka mas pumapayat?
"Yes! And also I workout now which I didn't do before. Before hindi talaga ako nagwo-workout.
"Pero alam mo mas pumayat ako ngayon di na ako kumakain sa gabi masyado.
"Wala naman akong bisyo, wala akong ginagawa kung ano-ano.
"So ang bisyo ko lang talaga shopping, which is pinagtrabahuhan ko naman, pinaghirapan ko naman.
"And also yun yung magpapasaya sa akin, and yung Frontrow makita ko na makita yung mga members na nag-eenjoy okay na ako dun."
Para kay RS, ginagawa niya ang mga bagay na ito upang makatulong sa ibang tao dahil naranasan rin niya ang maghirap noon.
"Kasi alam ko yung feeling ng wala, alam ko yung feeling na nasa baba ka ng level ng social strata, alam ko yung feeling na nasa ilalim ka ng gulong, kasi lahat 'yan napagdaan ko yun.
"And as much as possible yung mga kaibigan ko hindi na dumaan dun gagawin ko."
May plano ba siyang pumasok sa pulitika?
"Wala akong balak pumasok sa pulitika, hindi ako nae-excite sa politics.
"I have politician friends and relatives, promise hindi talaga ako nae-excite.
"Kahit na may mag-push sa akin na tumakbo, I will modestly decline. Hindi talaga ako para sa politics.
"I'm built for theater, for acting, directing, for business, for Frontrow.
"Sabi ko nga if ako tumakbo sa politics mag-rant kayo sa Facebook, sabihin niyo bakit tumatakbo 'yan sabi niya ayaw niya.
"Pero wala talaga akong plano at all, mag-usap na tayo about education, charity, about helping people mas gusto ko yun, wag lang politics."
Ano pa ang gustong gawin ni RS?
"Naku marami pa, unang-una, alam na it will be sound na pang pulitiko pero hindi talaga, marami pa akong gustong tulungan, kaya naman we will be donating our first check sa isang organization yun yung kinita sa M. Butterfly.
"So there will be 27 more and marami pa talaga akong gustong tulungan.
"Yun yung lagi ko iniisip sa kung papano pa ako makakatulong, kaya padagdag pa ako ng padagdag ng charities.
"And thankful nga ako kasi from 15 shows ay na extend kami ng another 6 shows kasi soldout na yung 15 shows and marami pa yung gustong makapanood, so it means mas madadagdagan pa yung matutulungan ko through M. Buttefly.
"And after M. Butterfly, may mga gagawin pa kaming events para sa charity ulit.
"May gagawin kaming music festival sa November, ang projected naming impact ng tao mga 30,000 to 40,000 and yung proceeds for charity again.
"Pero regarding roles, marami pa akong gustong gampanan, andami pang role na puwede pang gampaman.
"Although M. Butterfly is most challenging for me and, of course, for many actors, pero marami pa akong gustong gawin," pagtatapos ni RS Francisco.