RS Francisco undergoes liposuction for frontal nudity in M. Butterfly

IMAGE Noel Orsal

RS Francisco says he still has jitters about frontal nudity scene in 2018 Manila production of M. Butterfly. The seasoned theater actor first portrayed the main character Song Liling in 1990, when the play was staged by Dulaang Unibersidad ng Pilipinas. 



Kinabahan pa rin si RS Francisco sa pagpo-frontal nudity sa M. Butterfly kahit nagawa na niya iyon nang paulit-ulit 28 years ago sa naunang Manila production ng dula.

“Alam mo, honestly, parati kaming nagre-rehearse, hindi ako nakahubad,” mabining pagngiti ni RS nang mainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang press preview ng play noong Setyembre 12, Miyerkules ng gabi sa Maybank Performing Arts Theater, Bonifacio Global City, Taguig City.

Patuloy niya, “'Tapos, kanina, noong nagme-make-up na ako, sabi ko, ‘Alam mo, ngayon ko lang na-realize, maghuhubad pala ako today. Kaya ko pa ba?’

“So, tomorrow, at sa isang bukas, maraming artistang manonood. Ewan ko kung paano ako maghuhubad.

“Syempre, may nginig pa rin! May takot!

“Tapos, sabi ni junior, tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut!” pagmuwestra ng aktor kung paano ‘nanliit’ ang kanyang private part.

“Siyempre, nakakatakot, e! Ikaw ba naman ang maghubad sa maraming tao!”

Ibig sabihin, mas kaya niyang magtanggal ng saplot noong bata-bata pa siya?

“Alam mo, even before noong ginawa ko, the first few days, kinakabahan ako,” matamang salaysay ni RS.

“After a week or two na paggagawa, and then we went on tour before, sanay na sanay na ako. Pag nagpo-frontal na ako, naglalakad na ako on stage and all.

"Ngayon lang, medyo kinabahan pa talaga ako! Siyempre, it’s not every day that you get to strip in front of four, five hundred people."

Manonood daw ang kanyang ina sa opening night ng M. Butterfly. 

“So, good luck! I’m gonna tell my mom to cover her eyes. Sasabihan ko yung katabi niya, 'Pag maghuhubad ako, takpan mo!’

“But then, my mom would say, ‘Parang hindi ko naman alam ang itsura niyan! Sa akin galing yan!’

“So, yun... Enjoy! I hope, you guys, enjoy! Nag-enjoy ka ba? Nag-enjoy ba kayo? Super?”

Nag-diet si RS bilang paghahanda sa pagpo-frontal.

Dagdag ng premyadong aktor, “In fact, not only diet. I had lipo. I had liposuction. So, para talagang maging slim and fit. Because maghuhubad ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, over the years, kain ako nang kain. Ang sarap kasing mag-buffet, di ba? Aminin niyo. Di ba, ang sarap mag-buffet?”

Palabas ang M. Butterfly mula Setyembre 13-30 sa Maybank Performing Arts Theater, 26th St. corner 9th Av., Bonifacio Global City, Taguig City.



Stories We Are Tracking

Exclusive behind-the-scenes photos of M. Butterfly rehearsal
Exclusive behind-the-scenes photos of M. Butterfly rehearsal
RS Francisco:
RS Francisco: "Ang bisyo ko lang talaga shopping..."






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN