Character actor Ced Torrecarion recounts past suicide attempts; thankful for showbiz blessings

IMAGE Rommel Gonzales

Character actor Ced Torrecarion recounts his past suicide attempts, and how his blessings started pouring in after he made a vow to help his depressed friends by bringing them with him to church. Ced stars in the stage musical The Lost Sheep.



Taong 2012 nang tatlong beses sinubukan ni Ced Torrecarion na tapusin ang kanyang buhay.

“That time kasi, I had a daughter na kasama ko from time to time, na inilayo na sa akin.

“As a dad medyo mahirap yun, na parang challenge sa akin yun. Then things weren’t doing well.

“Things weren’t going along my way.

“I was working but I wasn’piiyg nagkaroon ako ng anxiety attacks,” pag-alala niya.

Paano niya yun na-overcome?

Kuwento niya, “Pamilya ko and the church. My brother, my dad, my sister, they were there.

“Well, buhay pa si Mama that time [2016 pumanaw ang kanyang ina] when I really attempted everything, hindi ko ikinakahiya ito.

“I attempted to end everything!

“Matatawa ka, ngayon pinagtatawanan ko na lang.

“There was time na nagtatrabaho ako, gusto kong tumalon ng overpass.

“E, medyo may pagka-vain ako.

“Sabi ko, pag tumalon ako sa overpass, basag ang bungo ko, 'tapos mado-double dead pa ako, masasagasaan ako, ang pangit ko sa ataul!

“'Tapos pangalawa, may baril ako dati, sabi ko, magbabaril ako, hawak ko na yung baril.

“Naisip ko, pangit din kasi lolobo kung saan lalabas ang bala, at basag din ang ungo ko.

“Sabi ko, ‘Hindi na, hindi na!’

“Pinakahuli, I was in the expressway, I was driving a hundred, 'tapos pumikit ako.

“Pagkapikit ko, ipi-floor ko na siya, tatanggalin ko na yung seatbelt, ibabangga ko na ang sasakyan ko.

“Pagkapikit na pagkapikit ko, hulaan mo nakita ko?

“Mukha ng anak ko tsaka cross, the cross, si Jesus Christ!

“Talagang ano ako, nag-preno ako, pumarada ako sa gilid, and you know what?

“I prayed, I was crying, siguro mga dalawang oras akong nandun sa gilid, umiiyak ako.

“'Tapos, parang eksena sa pelikula, biglang bumuhos ang ulan!

“Talagang iyak ako ng iyak, humihingi ako ng awa… alam naman natin na ang buhay natin ay hiram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala tayong karapatang tapusin.

“So iyak ako ng iyak, I said sorry and then from now on, sabi ko sa Kanya, kung sino ang kaibigan kong malalaman ko na depressed na wants to do this or that, dadalhin ko sa simbahan.

“And it happened—a lot of times.

“Hindi ko na sasabihin, yung iba taga-showbiz. I won’t mention their names.

“Gina-guide ko, I will bring them to Baclaran church.

“Instead of drinking, ‘Tara, punta tayo sa church, ibuhos mo diyan, magsumbong ka.’”

STAGE MUSICAL

Naging simula na iyon ng pagbabago ng takbo ng buhay ni Ced mula sa pagiging “the lost sheep.”

Sa musical play na The Lost Sheep ay gaganap si Ced bilang Jesus Christ.

Ipalalabas ito sa October 27 (4 and 7pm) @ the Star Theater, CCP Complex.

Tampok din dito sina Reuben Aslor (Atheist); Lovely Rivero (Mary) at Jeffrey Santos (Peter).

Ito ay sa panulat at direksyon ni Jon Achaval.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ced sa presscon ng The Lost Sheep noong September 8 sa Trellis Restaurant sa Quezon City.

THANKFUL FOR BLESSINGS

Patuloy na kuwento ni Ced, “Ang daming offer sa akin to do this and do that.

“Kung gusto ko lang magtagal sa showbiz na siguro ngayon kung hindi ako nag-quit for like seven eight years, mas maganda siguro…. pero ngayon I’m being blessed.”

Bukod sa pag-aartista, si Ced rin ang executive consultant at operations manager ng Rams Travel Agency na affiliate ng RDL Pharmaceuticals.

Producer din si Ced ng mga upcoming indie films at endorser siya ng Merce Jewelry at Birch Tree.

Volunteer rin si Ced sa Gawad Kalinga.

Aniya, “Mabait si Lord.”

Para raw siyang batang hinagisan ng maraming kendi, na ang mga kending iyon ay nais nyang i-share sa iba.

May mga local talents raw sa Baguio na mahuhusay kaya isasama niya sa The Lost Sheep.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos kumpleto ang buhay niya ngayon pero mas makukumpleto ito kapag nakapiling niya regularly ang anak niya.

Pag-amin niya, “Totoo yun! Iyon ang pinagpe-pray ko everyday!

“I always have my prayer time whenever I wake up, at least thirty minutes with Him, I pray.”

Maging ang ina ng anak niya ay ipinagdarasal raw ni Ced.

Tatlong taon tumagal ang relasyon nila ng ina ng anak niya, pero naghiwalay din sila noong 2011.

Lahad niya, “Matagal na, naka-recover na rin ako.”

Hindi raw niya hahangarin pang sa kanya mapunta ang custody ng anak niya, kundi makita at makasama lang niya on a regular basis.

May maipapayo si Ced sa mga sumasailalim sa depresyon at nagtatangkang magpakamatay…

Sabi niya, “Number one, pray.

“Coz the devil will attack you if you’re idle.

“Pag wala kang ginagawa, tulala ka, magdasal ka and keep yourself busy.”

Muntik na raw maging pari si Ced.

Marami na raw siyang napasukang seminaryo, pero napasok nga siya sa showbiz sa pamamagitan ni Boy Abunda.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN