Lea Salonga toasts to Miss Saigon's 29th anniversary

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga pays homage to the musical that catapulted her to global acclaim as a world-class Filipina stage performer: "To my comrades in arms, I celebrate you. To every company of Miss Saigon on tour or in preparation to be, I raise a glass."


Naging sentimental si Lea Salonga noong mag-post ito sa kanyang Facebook account tungkol sa 29th anniversary ng Miss Saigon.

Nagbukas sa Theatre Royal, Drury Lane in London's West End ang musical na Miss Saigon on September 20, 1989 at si Lea bilang Kim ang kauna-unahang Filipina na nagbida sa isang malaking international stage musical.

Bukod kay Lea, nakasama rin ang iba pang Pinoy sa original London cast ng Miss Saigon tulad nila Monique Wilson, Isay Alvarez, Junix Inocian, Pinky Amador, Jonjon Briones, Michael Williams, Jenine Desiderio at Victor Laurel.

Heto ang post ni Lea:

Si Lea ang first Asian actress na nanalo ng Laurence Olivier Award (1989) at ng Tony Award (1991) for Best Actress in a Musical para sa Miss Saigon.

Nagbukas ng malaking pintuan para sa mga talentadong Pinoy ang Miss Saigon.

Pagkatapos ni Lea, ang mga sumunod Pinay na gumanap bilang Kim sa Miss Saigon, mapa-London, Broadway at sa ibang bansa, ay sina Monique Wilson, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Joana Ampil, Ima Castro, Carla Guevara, Caselyn Francisco, Ma-Anne Dionisio, Riva Salazar, Renee Montemayor, Roanne Monte, Tanya Manalang, Miriam Marasigan, Leila Florentino, Maya Barredo, Joan Almedilla, Julia Abueva, Eva Noblezada, Emily Bautista and Joreen Bautista.

Hindi lang ang role na Kim ang nabibigay sa Filipino kundi pati na ang ibang roles tulad ng The Engineer na ginampanan na nila Junix Inocian, Victor Laurel, Leo Valdez, Jonjon Briones at Red Concepcion; ang bar girl na si Gigi Van Trahn na ginampanan nila Isay Alvarez, Rachelle Ann Go at Aicelle Santos; at ang role na Thuy na ginagampanan ngayon ni Gerald Santos.

Katatapos lang ni Lea sa paglabas niya sa musical na Once On This Island on Broadway at Annie sa Hollywood Bowl in Los Angeles.

Naghahanda ito ngayon para sa kanyang two-night 40th anniversary concert na magaganap this October sa PICC Plenary Hall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binalita na rin ni Lea ang gagawin niyang film musical entitled Yellow Rose kunsaan makakasama niya sina Liam Booth, Gustavo Gomez, Libby Villari, Princess Punzalan at ang gumanap na Kim sa Broadway revival ng Miss Saigon na si Eva Noblezada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN