Christian Bautista puts Broadway dream on hold for now

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista on the possibility of pursuing a career in Broadway: "I have to look for a project na not only will help my career, but will provide for… sa pamilya ko."


Hindi na muna pinu-pursue ni Christian Bautista ang kanyang Broadway dream.

“Sa ngayon… wala ngayon, e, kasi hindi ko alam kung anong role ang bagay sa akin, and tumatanda na rin ako,” at tumawa ang 36-year-old singer.

“Pakonti na ng pakonti yung…”

Ang ibang Filipino artists, tulad ni Gerald Santos ay umaalagwa bilang Engineer sa Miss Saigon sa United Kingdom.

Ani Christian, “Gerald really is a talented guy.”

Hindi pa naman raw siya hihinto nang lubusan na subukan ang Broadway.

“Pero who knows right? Kasi biro mo Aicelle is…”

Tulad ni Gerald, nasa Miss Saigon rin si Aicelle Santos bilang bar girl na si Gigi.

Kaya sa tamang panahon, muling susubok si Christian sa larangan ng international musical theater.

“Pero kung mangyari yun I’ll have to move there for a few months or year, and isasama ko si Kat, if ever.”

Ikakasal ngayong December 2018 sina Christian at ang fiancée niyang si Kat Ramnani.

Ang Filipino theater actor na si Joaquin Valdes na nasa Miss Saigon rin ay isinama sa U.K. ang misis niyang lawyer na si Atty. Agee Romero-Valdes.

“Ganun ang mangyayari, isasama ko si Kat.”

Nasa isip pa rin ni Christian na maging bahagi ng isang Broadway production sa ibang bansa.

“Kung talagang monumental yung show, yung role, kung malaki, makakatulong, kasi at the end of the day may asawa na ako by then siguro, I have to provide, I have to provide, and hahanapin ko siyempre kung…”

Mas mahirap kapag may asawa na siya.

“Yeah, so I have to look for a project na not only will help my career, but will provide for… sa pamilya ko. So, of course, mag-a-accept pa rin ako ng mga shows na for the benefit of, or honorarium from time to time, of course, gagawin natin ‘yan, pero at the end of the day I need to provide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kailangan kalkulahin ko din yun,” pagpapakatotoo pang sinabi ni Christian.

Naniniwala ba siya sa sinasabi ng iba, na ang isang tulad niyang performer kapag nag-asawa ay medyo bumababa ang career?

“Siguro dati ganun, pero ngayon hindi na ganun. Isipin mo yung mga Kramers [Doug Kramer], isipin mo si Ian Veneracion, isipin mo si Sir Chief [Richard Yap], isipin mo si Dingdong Dantes.

“Merong new life na nangyayari, hindi na talaga magiging katulad before, isipin mo si Ogie Alcasid, for the longest time parang…pero pag nagpatawa na siya mai-in love ka pa rin sa kanya.”

Aminado si Christian na may pagbabago kapag hindi na binata ang isang artistang tulad niya.

“Meron talagang magbabago, kasi hindi ka na single, totoo talaga yun.”

Nakausap namin si Christian sa presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan Sa Anaheim sa The Grove Of Anaheim sa United States.

Bukod kay Christian ay kasama sa October 7 show sa Los Angeles, California sina Marian Rivera, Julie Anne San Jose, Super Tekla, Donita Nose, at Ai-Ai delas Alas.

Sa mga kasama niya dito, sino ang first time niya makakatrabaho abroad?

“DonEkla.”

At first time pala nina Donita Nose at Super Tekla sa Amerika.

“Yeah, I think they will have fun.”

Para sa mga tickets sa U.S. show nila ay maaaring pumunta sa www.AXS.com at i-search ang "Kapusong Pinoy."

Malapit na ring magbalik-teleserye si Christian sa papamagitan ng Pamilya Roces ng GMA.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN