Lea Salonga leads cast of Sweeney Todd Manila run in October 2019

by Ruel J. Mendoza
Dec 9, 2018
<p>Lea Salonga took to Facebook last December 8 to share the good news about her new stage musical: "I cannot tell you how excited I am to be cast in one of my favorite Sondheim musicals. It pleases and tickles me to no end that I'm finally old enough to play Mrs. Lovett!"</p>
PHOTO/S: Arniel Serato

Magkasunod ang good news na pinost ng Tony Award-winning actress na si Lea Salonga sa kanyang social media.

Pagkatapos niyang ibalita ang nakuha niyang very first Grammy nomination (for Best Musical Theater Album) kasama ang buong cast ng Broadway musical na Once On This Island, sunod na nai-share na good news ni Lea ay ang pagganap niya bilang Mrs. Lovett sa isa sa paborito niyang musical na Sweeney Todd.

Ise-stage ng Atlantis Productions ang local production ng Broadway musical na Sweeney Todd sa October 2019.

Makakasama ni Lea sa naturang musical ay ang Pinoy rock star na si Jett Pangam na gaganap sa title role as Sweeney Todd.

Heto ang pinost ni Lea sa kanyang Facebook account noong nakaraang December 8:

Continue reading below ↓

Si Bobby Garcia ang magdidirek ng Sweeney Todd na ise-stage sa The Theatre at Solaire ng Solaire Resort & Casino, Parañaque City.

Nabanggit pa ni Lea na hindi siya makapaniwala na lalabas na siya sa isa sa paborito niyang musical ni Stephen Sondheim.

Aniya, “I cannot tell you how excited I am to be cast in one of my favorite Sondheim musicals. It pleases and tickles me to no end that I'm finally old enough to play Mrs. Lovett! She is such a well-written, thoroughly fleshed-out character that’s equal parts drama, comedy, music and crazy. And I am all about the crazy.”

Pinost din ni Lea ang kanyang pasasalamat sa Panginoon para sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya para sa taong ito.

Continue reading below ↓

Last November ay nakatanggap din ng nomination si Lea mula sa BroadwayWorld Los Angeles Awards as Best Featured Actress in a Musical para sa musical na Annie kunsaan ginampanan niya ang role na Grace Farrell.

Nai-stage ang musical na Annie sa Hollywood Bowl in Los Angeles, California noong nakaraang July 2018.

Nagpasalamat si Lea sa natanggap niyang nomination via Facebook.

Continue reading below ↓

Ang Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street ay isang 1979 musical thriller ni Stephen Sondheim and book by Hugh Wheeler.

The musical is based on the 1973 play Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street by Christopher Bond.

Nagbukas ito on Broadway in 1979 at sa London’s West End in 1980. Nanalo ito ng 8 Tony Awards and 2 Laurence Olivier Awards.

Ang character ni Sweeney Todd ay nagsimula sa serialized Victorian popular fiction, known as "penny dreadfuls" sa weekly magazine na The String of Pearls during the winter of 1846-47.

Sa original Broadway cast, ang gumanap na Sweeney Todd ay si Len Cariou. Si Angela Lansbury naman ang gumanap na Nellie Lovett.

Ang iba pang actresses na gumanap sa role ni Mrs. Lovett ay sina Beth Fowler, Sheila Hancock, Patti LuPone, Christine Baranski, Judy Kaye, Imelda Staunton at Emma Thompson.

Sa film version ng Sweeney Todd noong 2007, si Johnny Depp ang gumanap sa title role at si Helena Bonham Carter ang gumanap bilang si Nellie Lovett.

Continue reading below ↓

Pinasikat ng musical na Sweeney Todd ang song na “Not While I’m Around.”

Read Next
Read More Stories About
Lea Salonga, Sweeney Todd
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Lea Salonga took to Facebook last December 8 to share the good news about her new stage musical: "I cannot tell you how excited I am to be cast in one of my favorite Sondheim musicals. It pleases and tickles me to no end that I'm finally old enough to play Mrs. Lovett!"</p>
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results