Lea Salonga rejoins Broadway play Once On This Island

Lea Salonga (in photo) will once again play a goddess in the Broadway musical Once On This Island. Michelle Williams of Destiny's Child was asked to go on medical leave, which is why Lea will take over her role. 



Masayang ibinalita ng Tony Award-winning actress at Grammy Award nominee na si Lea Salonga ang muling pagbalik niya sa Broadway musical na Once On This Island.

Gagampanan uli ng Filipina thespian ang role na Erzulie, ang goddess of love.

Sa kanyang Facebook page, masayang binalita ni Lea sa kanyang followers ang muling paglabas niya as Erzulie sa Once On This Island sa New York on December 27, 2018.

Ani Lea: "Aaaaaaand back in the sand I go!!! I’m so happy that I get to close this beautiful Tony-winning and Grammy-nominated production!!! The show is the gift that keeps on giving, and I’m thrilled that I get the gift back this Christmas!!! Once On This Island Broadway.”

Noong nagpaalam si Lea sa Once On This Island noong June 25, ang pumalit sa kanya ay si Michelle Williams of Destiny's Child. Dalawang linggo lang ang nagawang performances ni Michelle dahil pinagsabihan ito ng kanyang doktor na magpahinga muna.

Bago ang Once On This Island, magkakasunod na musical ang pinagbidahan si Michelle tulad ng Aida, Chicago, Fela! at The Color Purple.

Habang hinihintay ang pagbalik ni Lea on the 27th, ang understudy na si Cassondra James ang gaganap bilang Erzulie from December 12 until December 26.

Si Lea ang magsasara ng naturang musical on Broadway. Ang final performance nito ay sa January 6, 2019.

Nominated sa category na Best Musical Theater Album ng Grammy Awards ang cast album ng Once On This Island.

Lea shares the nomination with other soloists ng musical na sina Phillip Boykin, Merle Dandridge, Quentin Earl Darrington, Hailey Kilgore, Kenita R. Miller, Alex Newell and Isaac Powell, and producers Lynn Ahrens, Hunter Arnold, Ken Davenport, Stephen Flaherty, at Elliot Scheiner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakuha naman ng 8 Tony Awards nominations ang Once On This Island at napanalunan nito ang Best Revival of a Musical.



Stories We Are Tracking

Lea Salonga leads cast of Sweeney Todd Manila run
Lea Salonga leads cast of Sweeney Todd Manila run
Lea Salonga proud of cast album's Grammy nomination
Lea Salonga proud of cast album's Grammy nomination


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN