KC Concepcion returns to the stage via multi-media musical "Katy"


"Sobrang mabait at saka, masarap katrabaho. Wala siyang ere. Hindi ko kasi siya kilala before, kaya hindi kami nag-uusap.But it's nice that now, we're getting to know each other," says KC Concepcion about working with Jericho Rosales.



Puspusan na ang pagre-rehearse ni KC Concepcion para saKaty: Musical, na mapapanood sa Sofitel Hotel sa December 27, pagkatapos napagkatapos ng 2008 Metro Manila Film Festival Awards Night.

Ipinaliwanag ni KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal)kung ano ang kaibahan ng gagawin nila kumpara sa mga naunang pagtatanghal ngKaty sa entablado.

"Actually, it's a new take, it's a modern take sa actual namusical na ginagawa nila before. Kasi, they already made a musical na lifestory talaga ni Katy. Ngayon, lahat ng kanta, sa original musical talagakukuhanin.

"Tapos, iba't ibang klaseng media ang gagamitin nila onstage. Partly movie, partly musical play, partly concert. Kasi yung mga pinilinila to be playing Katy are gonna be singing as themselves. So, parang nandoondin sina Kyla, she will sing as Kyla with one of Katy's songs. We're all gonnabe Katy and we'll all have the chance to be Katy for a moment," lahad ni KC.

Si Katy dela Cruz, para sa kaaalaman ng ilan, ay angitinuturing na "Queen of Bodabil" ng Pilipinas. Sumakabilang buhay siya noongNovember 10, 2004 sa edad na 97.

Ayon kay KC, may duet sila ng aktor na si JerichoRosales, who will play Peping, "Awit Ko Para Sa ‘Yo." She will also do adance number with Gabriel Valenciano. Unlike Echo, KC naman ayvery aware who Katy dela Cruz is.

"Okey siya, e. Binalahura kasi niya yung mga kundiman, yungmga ganoon, kaya ko siya gusto. Parang sinira niya yung mga tradisyon at thattime, which I admire. Kaya gustung-gusto ko yung part na iniba niya yungsinging form, iniba niya‘yung mga performances, ginawa niyang jazz. Tapos, patiyung boses niya, hindi masyadong pigil, hindi masyadong pa-sweet," paglalarawanni KC tungkol sa ginagampanan niyang role.

How is it working with Jericho Rosales for the first time?

"Sobrang mabait at saka, masarap katrabaho," papuri ni KC."Wala siyang ere. Hindi ko kasi siya kilala before, kaya hindi kami nag-uusap.But it's nice that now, we're getting to know each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Given na sa mga actors na they're excited to work with KC. Excited din ba siya that she will be working withdifferent actors?

"Of course!" sagot niya. "I see myself as baguhan. To workwith someone like Echo is also... It's like I admire people that are older thanme, more experienced. At the same time, at my age also, I feel like angdami-rami na nilang nagawa. So, I'm always excited to work with differentpeople."

Sobrang nami-miss din daw ni KC ang theater.

"Sobra!" bulalas niya. "Doon ako nag-start, e. I startedwith musical theater [she played Ariel in The Little Mermaid], I miss it a lot.Iba, iba ang kultura ng theater. Ipagpapatuloy ko ‘yan. Siyempre, it's my rootat palagi ko siyang babalikan."

Aside from Katy: Musical, pinaghahandaan na rin ni KC ngayonang pagsisimula ng shooting nila ni Richard Gutierrez for their second movietogether, tentatively titled Save The Best For Last. Pati na angmagiging kauna-unahan niyang soap opera sa ABS-CBN, ang remake ng Korean seriesna Lovers in Paris.


Click here to buy tickets


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN