PETA launches 42nd theater season


The hilarious musical BOTO... Another Musical (shown above) is one of the four productions that the Philippine Educational Theater Association will stage for its 42nd theater season.




Nagbukas na ang ika-42 Theater Season ng PETA (Philippine Educational Theater Association). Para sa taong ito, nagpapahayag sila ng panibagong hamon para muling subukan ang kapasidad ng sining para muling hikayatin ang mga manonood na gawin itong inspirasyon sa pagharap ng buhay. Sa launching presscon ng grupo, mga guro, estudyante at ilang taga-press ang naimbitahan para panoorin ng ilang eksena ng mga palabas na mapapanood ngayong pagbubukas ng isa pang theater season ng PETA.

Sa naging pahayag ng PETA artistic director na si Maribel Legarda, ipinagdiinan nito na ang teatro ay hindi nagbibigay ng aliw, dapat magbibigay din ito ng edukasyon sa mga manonood.

Aniya, "To realize that this 42nd season is really happening during the 2010 election and we thought maybe that is what the season could be dedicated to. Not just about the election but the whole idea, the next season would be a call for action to our audiences to be really get involved in what's happening.

"So, we hope that this theater season not only informs, educates, entertains but propels people to action to get involved, to really care to what's happening."

Unang ipinalabas ay ang Noli at Fili Dekada Dos Mil na ang may akda ay si Nicanor Tiongson. Isa itong adaptation sa dalawang nobelang ginawa ni Dr. Jose Rizal, ang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Ang nasabing dula na ginawang postmodern narrative ay ibinase sa totoong pangyayari noong gumuho ang lupa sa Quezon Province. Naganap ito sa isang maliit na bayan kung saan, lantaran ang pangangahoy, maruming pulitika at bulag na panampalataya.

Ipapalabas muli ito simula July 17, 2009.

Popular pa rin ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang na akda ni Christine Bellen kaya nasa ikatlong taon na itong ipinapalabas. Sa dulang ito na mula sa panulat ni Severino Reyes ay magtutunghayan natin ang tatlong kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pag-asa: "Ang Prinsipeng Mahaba Ang Ilong," "Ang Babaeng Tumalo sa Mahal na Hari" at "Prinsipeng Duwag."

Itu-tour ito sa Pilipinas simula July 2009.

In connection with PETA's celebration of the 20th anniversary of the Declaration of the Rights of the Child, muling mapapanood ang dulang Ismail at Isabel (Ang Paghahanap ng mga Bagong Kuwentong Bayan), isang kuwentong tumatalakay ng dalawang magkaibigan, isang Kristiyano at isang Muslim na masayang nanirahan sa isang maliit na pamayanan ng Dilangawen sa Mindanao. Bagama't magkaiba ang relihiyon at paniniwala ay nanatiling payapa at bulag sa pagkaiba ng kanilang pinagmulan.
Hanggang sa dumating ang giyera na babago na babago sa takbo ng kanilang buhay at wawasak sa kanilang kamusmusan.

Ito naman ay ipapalabas simula September 4, 2009.

Sobrang kinagiliwan naman ang panghuling kuwento na nagtatalakay ng botohan kaya umaangkop ito sa darating na halalan sa 2010. Ang Boto-boto-boboto-bonana-fanna-fo-foto-fee-fy-momoto-boto o mas kilala bilangBOTO... Another Musical ay ginawa sa vaudeville style musical. Tiyak na maraming makakakilala sa mga tauhan sa nasabing palabas dahil sa paggamit ng mga iconic characters sa ating pulitika ngayon. Tulad ng mga tauhang nagngangalang Lorrie Logarta, Chix Pedero at ang talamak na paggamit ng salitang 'trapo', 'ispits (speech) at marami pang iba.

Abangan ang BOTO...Another Musical simula February 5, 2009.

Ang apat na produksyon ay siyang panimula ng PETA ng isang pangako para makapagbigay ng makasining na kagalingan sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado na markadong Pinoy na Pinoy.

Para sa mga katanungan, tumawag sa PETA sa mga numerong 410-0821 at 725-6244 o di kaya, mag-email sa petampro@yahoo.com o bumisita sa kanilang website sa www.petaheater.com


Ang mga performances ay gaganapin sa PETA Theater Center located at No. 5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Click HERE to view photos of the PETA productions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN