Nene Tamayo stars in the stage play A Streetcar Named Desire


Pinoy Big Brother Season 1 winner Nene Tamayo (seated) is cast as Stella Kowalski in the stage play A Streetcar Named Desire. Her husband in the play, Stanley Kowalski, is portrayed by Eric Tai (standing).


Tapos naang kontrata ng Pinoy Big Brother Season1 grand winner na si Nene Tamayo (na mas kilala bilang si Kumander Nene) sa ABS-CBNlast July 25, 2009.

Nangtanungin ng Philippine Entertainment Portal kung magre-renew siya or lilipat saibang istasyon, partikular na sa kalabang network ng Dos, ang GMA-7, ang sagotni Kumander Nene ay hindi niya alam kung magre-renew siya at kung kailan, ormaaari rin namang hindi na siya mag-renew.

Tungkolnaman sa paglipat sa Kapuso channel, hindi naman isinasara ni Kumander Nene angpintuan ng oportunidad.


Three years namalagi sa Kapamilya Network si Kumander Nene dahil pumirma siyang kontrata sa Dos noong January 15, 2006.


Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan niya ay ang pagganap sa isang stageplay sakauna-unahang pagkakataon. Ito ay ang A Streetcar Named Desire na nagkaroon ngfirst run noong Linggo, July 26.

Ito aytungkol sa isang aging high school English teacher nanakatira sa Laurel, Mississippi. Ang karakter na Blanche DuBois ay ginagampanannaman ng FHM cover girl for August, si Paw Diaz.

Gagampanannaman ni Nene ang papel bilang Stella Kowalski at ang modelo at ang baguhang aktornaman na si Eric Tai ay gaganap bilang si Stanley Kowalski na asawa ni Stella.

Marami ngcommercials na nagawa si Eric na isa ring ramp model, dancer, at hip hop instructor.Isang Australian national si Eric.

Angstageplay na ito (directed by Mel Magno at mula sa Seventh Stage ProductionHouse) ay ipapalabas sa Cinema 9 ng SM City Manila mula July 26 hanggang September 27, 2009.

Sa ngayonay tuwing araw lang ng Linggo muna mapapanood ang play (two shows a day,11:30am and 2 pm) pero kapag naayos na ang iba pang schedules ay mapapanood rinito tuwing Sabado at madadagdagan ng isang show bawat araw.

Ayon kayNene, nag-enjoy raw siya nang husto sa pinaka-una niyang pagsabak sa teatro.

"Nakakaaliwang reaction ng audience. Iyon ang maganda, nakikita at naririnig mo angreaksyon sa ‘yo ng mga nanonood," sabi ng PBB winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Firsttime rin ever na nakipag-kissing scene si Nene; dahil mag-asawa ang papel nilani Eric, may mga kissing scenes sila sa play.


Sa tanong kung ninerbiyos siya or naalangan, hindi naman raw, trabaho raw angginagawa nila kaya walang rason para mailang siya or nerbiyusin.

Ang A Streetcar Named Desire ay isangclassic movie noong 1951 na pinagbidahan nina Vivien Leigh (bilang BlancheDuBois), Kim Hunter bilang Stella Kowalski at Marlon Brando bilang StanleyKowalski. Ito ay base sa play na sinulat ni TennesseeWilliams noong 1947.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN