Arnold Reyes portrays Manuel L. Quezon onstage


ArnoldReyes plays the title role in MLQ: Ang Buhay ni Manuel LuisQuezon, Isang Dula. Itwill have two performances today, August 20, at the PETA-Phinma Theater in New Manila, Quezon City.


Bilang bahagi ng pagdiriwang saika-70 taon ng pagkakatatag ng Quezon City kasabay ng selebrasyon ng ika-131kaarawan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, ipinalabas kagabi, August 19,ang dulang MLQ: Ang Buhay ni Manuel LuisQuezon, Isang Dula. Ang buhay ng yumaong bayani at unang Pangulo ngPhillippine Commonwealth ay itinanghal sa PETA-PHINMA Theater sa New Manila,Quezon City.

Kabilang ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa mga naimbitahan para saksihan ang pagtatanghal ngnaturang dula kung saan naging panauhing pandangal ang ilang kapamilya niManuel Quezon sa pangunguna ng kanyang anak na si Maria Zeneida Quezon at apongsi Manuel Quezon Avancena. Special guest din si Quezon City Mayor Feliciano"Sonny" Belmonte Jr. Marami sa mga nanood ng play ay mga estudyante mula saiba't ibang paaralan sa Quezon City.

ABOUT THE PLAY.Ang play na MLQ: Ang Buhay ni Manuel LuisQuezon, Isang Dula ay istorya ng buhay ng ating bayani at naka-base salibrong A Good Fight: An Autobiographyby Manuel Luis Quezon. Inilahad sa dula ang buhay ni Quezon mula pagkabatahanggang sa siya ay mag-aral at makatapos ng Law sa University of Santo Tomas kunsaanmaging fourth placer siya sa bar exam noong 1903. Ipinakita rin sa dulaang pagpasok sa pulitika ni Quezon mula sa pagiging councilor, governor, assemblyman,commissioner to the US House of Representatives, senador hanggang sa siya aymanalo sa unang presidential elections sa Pilipinas noong 1935, at maging unangPangulo ng Phillippine Commonwealth. Kasama rin sa dula ang makasaysayang pagpapasang Tydings-Mcduffie Law, na nagbigay daan sa kalayaan at pagiging independentng Pilipinas.

Ang dula ay isinasalaysay mula sapananaw ng tatlong college students na gumagawa ng research paper tungkol sabuhay ni Quezon. Nagsimula ang dula habang nakatingin ang talong estudyante saepitaph ni Quezon na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle - "Statesman andPatriot, Lover of Freedom, Advocate of Social Justice, Beloved of the People."Tumakbo ang istorya base sa mga naturang paglalarawan kay Quezon. At dito aymasasaksihan ang kabayanihan at paninindigan ni Quezon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahanga-hanga ang nagingpagtatanghal dahil ginawang moderno at napapanahon ang presentasyon upangmaka-relate ang mga estudyanteng nanood sa bulwagan. Hinaluan ito ng mgaelemento ng musika, komedya, pagbabalik-tanaw at talumpati. Sa bawat tanong ngtatlong estudyante sa dula ay buhay nilang nakakasama si Quezon upangipaliwanag sa kanila ang mga pangyayari.

Magaling ang pagkakaganap ngCinemalaya 2009 Best Supporting Actor na si Arnold Reyes sa role ni Manuel LuisQuezon. Mahusay din ang pag-arte nina Joel Molina, Joshua Deocareza at AnalinBantug bilang tatlong college students na gumagawa ng reserach paper tungkolkay Quezon. Kapuri-puri rin ang pagganap sa mahahalagang papel ng iba pang membersng cast na sina Ron Alfonso, Mayen Bustamante, Eric dela Cruz, Stella CaƱete,Richard Cunanan, Chinie Nepomuceno, Jun Ofrasio, Juliene Mendoza, Joel Sarachoat Melvin Sumalinog.

Kahanga-hanga rin ang naiibangpanulat at pagdidirek ni George de Jesus III.

ARNOLD REYES AS MLQ.Pagkatapos ng dula, nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP na ma-interview anggumanap bilang Manuel L. Quezon na si Arnold Reyes.

Ayon sa aktor, magandang paraan angpagtatanghal ng naturang dula para mas makilala si Manuel L. Quezon ng mgakabataan ngayon, higit pa sa nababasa nila sa mga history books.

"Maganda yung tinatalakay parama-educate yung mga kabataan, lalo na yung mga taga-Quezon City, kung sinotalaga si Manuel L. Quezon. Kung ano yung mga pinagdaanan niya, mula pagkabatahanggang sa maging pulitiko and eventually ay maging Pangulo ng Pilipinas,"sambit ni Arnold nang ma-interview siya ng PEP kagabi.

Sabi pa ni Arnold, sadya raw nilangginawang moderno at nilagyan ng komedya ang play para magkaroon ng appeal samga estudyanteng manonood. Ayaw raw kasi nilang maging boring ang palabas.

Ano ang feeling na mataposniyang gampanan sa documentary film na TheForgotten War si dating Pangulong Fidel V. Ramos, ngayon ay isa pang datingpangulo si Manuel L. Quezon naman ang ginagampanan niya?

"Oo nga, e. Actually, medyo mahirapitong ngayon kasi nine days lang kaming nag-rehearse. Nine days lang. Taposna-complete yung script, yung first half tapos yung kalahati naibigay lang saamin nung Saturday, so meron kaming three days lang to memorize. Awa ng Diyos,natapos naman natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginawa niyang paghahanda sapagganap bilang si Quezon?

"Yung preparasyon, after ngrehearsal amain, on my way home nagme-memorize na ako, pagtulog, paggising.Kumbaga naging kaibigan ko yung script ko for ilang days yun. Well, natutuwaako na nagkaroon ng Quezon, kasi naging instrumento siya para matamo ng atingbayan ang kasarinlan at kalayaan na hinahangad. Kahit na lahat hindisumang-ayon sa kanya, may mga sumalungat din, pero naipatupad pa rin niya yunggusto niyang mangyari sa bayan, na tinatamasa naman natin ngayon."

GREATEST DISCOVERY.Ano yung greatest discovery niya kay Quezon habang ginagawa nila itong play naito?

"Mas nagulat ako doon sa kabataanniya, e. Normal din pala siyang tao na nagsisinungaling, nanampal ng kalaro,sumusuway sa utos ng magulang. Pero lahat ng iyan naging learnings para sakanya. Sa tingin ko, yun ang dahilan kung bakit siya naging mapanindigan natao, kung bakit ganun ang pananaw niya.

"Sa mga nangyari sa buhay niya, samga magulang niya, sa naranasan niyang pang-aapi, yun ang naging dahilan kungbakit gusto niyang palayain ang ating bansa laban sa mga Kastila, sa Amerika.Yun ang dahilan kung bakit niya gustong maging independent nation tayo. Yun angmga pinagdaanan niya. Nagpapasalamat din ako na nangyari sa kanya yun para etotinatamaasa natin kugn anuman yung nai-contribute niiya sa bansa natin."

Na-pressure ba siya na may membersng family ni Quezon na nanood sa play, idagdag pa ang presence ni Mayor SonnyBelmonte?

"Actually, hindi ko nga tinignanyung audience kanina, e. Basta ang alam ko lang nandidiyan sila. Kung alam n'yolang yung nerbiyos na pinagdaanan namin. Unang-una kulang talaga kami sarehearsal. Kahapon lang kami nabuo talaga. Siguro yun na lang yung magic ngtheater na sinasabi natin. Talagang kinabahan ako talaga. Hanggang sa mataposna yung show. Tapos nung magliwanag nakita ko yung mga mukha nila, dun lang akonaniwala, nandito nga sila. At sana na-appreciate nila."

Sa tingin niya, ano ang relevance ngdulang ito sa nalalapit na eleksyon sa 2010?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kasi parang... hindi basinasabi, history repeats itself. Parang meron. Actually, nakakakilabot dahilmaraming sinasabi sa speeches ni Quezon na malaki ang relevance ngayon sanangyayari sa ating bansa. Siguro iyong pag-aano sa atin ng mga Amerikano, yunghanggang ngayon gusto nila tayong makontrol. Yung mga ganung aspeto ba, nahanggang ngayon masasabi nating may mga pulitiko pa ring bumibigay sa ganung sitwasyon."

MORE PROJECTS.Nanibago ba siya sa muling pagsabak sa teatro dahil mas madalas siya ngayonggumagawa ng indie films at projects sa TV at movies?

"Medyo nanibago ako kasi matagal naakong nag-theater. Puro indie na yung ginagawa ko. Tapos medyo nag-mainstreamako sa ABS-CBN. Tapos may tinapos akong pelikula, yung kay Ate Vi [Vilma Santos].Medyo nanibago ako kasi yung huling play na ginawa ko medyo contemporary. E,ngayon may pagka-period, historical. At saka kailangan maniwala ang mga tao naako si Quezon."

Bukod sa pag-arte sa teatro, busydin sa iba't ibang projects si Arnold . Malaking blessing daw sa kanya angpagkakapanalo niya ng Best Supporting Actor para sa pelikulang Astig sa nakaraang Cinemalaya. Dahil ngarito ay mas dumami ang projects niya.

"Katatapos ko lang ng Vilma Santosmovie with John Lloyd Cruz at Luis Manzano, yung In My Life ng Star Cinema. Sa September na ito ipapalabas. Asawaako rito ng anak ni Ate Vi, si Dimples Romana. Kami yung pamilya na naiwan niyaat nakasama sa Pilipinas. Kasi di ba, nag-migrate sa Amerika yung isang anakniyang si Luis at saka yung isa pang anak niya na si Paw Diaz.

"Sa TV, may mga soap ako naparating. After ng Only You, mayroongniluluto sina Boy [Abunda] for me. Tapos yung Astig, magko-compete kami sa Pusan."


Mapapanood pa rin si Arnold Reyes saMLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon,Isang Dula ngayong araw na ito, August20. May dalawang huling pagtatanghal pa sila sa ganap na 2 p.m. at 6p.m. sa PETA-PHINMA Theater sa New Manila, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN