Ang Laro ng Buhay ni Juan inspired by live sex performers


Ace Ricafort (in photo) is cast as a member of thelive sex performing group in the indie film Ang Laro ng Buhay ni Juan.


Aminado si Direk Jay Altarejos na malaking sugal ang ginawa niyang mag-produce ng bago niyang movie titled Ang Laro ng Buhay ni Juan.

It stars Ray An Dulay as Juan, Nico Antonio as Noel (Juan’s lover)and daring newcomer Ace Ricafort as Badong (one of the members of thelive sex performing group Tupada Boys). Kasama rin ang iba pang established actors tulad ng 2008 Cinemanila Best Actress Angeli Bayani, Perry Escaño andRichard Quan. Kasalukuyang itong pinapalabas sa Robinsons Movieworld.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sneak preview ng kanyang latest film na ginawa sa Mogwai Cinema, Cubao, sinabi ng indie filmmaker na okay na sa kanya na mabawi nila ang kanyang puhunan.


GOING OUT OF THE BOX. Dati ay kasosyo niya sa kanyang Beyond The Box productions ang Viva Digital sa mga early films niya tulad ng Ang Lalaki sa Parola at Ang Lihim ni Antonio. Maganda naman ang partnership nila ng Viva Digital pero naroon ang pagnanais ni Direk Jay na makapag-produce ng sarili niyang pelikula.

"Kahit sabihin na may gay character dito sa movie, puwedeng sabihin na hindi ito gay film," pahayag ni direk Jay sa PEP. "Last year ay ipinalabas sa isang TV show ang raid na ginawa sa isang bar dito sa Cubao. Doon nagsimula ang kuwento nitong Ang Laro sa Buhay ni Juan. May gay show na nagaganap sa isang bar tapos ni-raid ito at naipalabas sa TV. Kumuha lang kami ng isang character. Nag-interview lang ako ng isang performer doon.

"Noong ginagawa ko ang interview, gusto kong maging sympathetic ang dating ng character. Kawawa naman. Ang akala ko, kaya nila ginagawa, hirap na hirap sila sa buhay. Hindi pala. Gusto nila kasi mas madali, easy money. Not necessarily nage-enjoy sila pero kumpara mo kunwari doon sa nagtratrabaho ng walong oras. Di ba dati pag ang tema ng pelikula natin before ay prostitution, ang laging mensahe ay dala ng kahirapan," patuloy ni Direk Jay.

"Sabi nga ng partner ko, si Papa Mark, maraming mahirap pero hindi naman sila pumapasok sa prostitution although wala naman masama dahil katawan nila iyon. Gusto ko lang ipakita ang other side na hindi lang dahil sa kahirapan kung bakit siya naroon sa ganoon trabaho kundi dahil he chose to be in that kind of a job."

Sa pananaw ni Direk Jay, kung pasukin man ng isang lalaki ang trabahong maging live sex performer, decision niya ito at any time puwede rin siyang umalis. "Parang ang lungkot naman kung dahil sa kahirapan kaya siya papasok na sex worker. Bakit, yayaman ba siya bukas kung papasok sa ganoong uri ng trabaho?" patanong na pahayag ni Direk Jay.

SUBTLE MESSAGE. Itinatanong ng pelikula, ano nga ang prostitution? Iyon ba ang pagtratrabaho on a contractual basis sa isang kompanya, na after a certain period of time ay tanggal ka na at hahanap ka na naman uli ng malilipatan kasi hindi ka magiging regular na employee at hindi ka rin well-compensated?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Jay, hindi naman daw ito nagtatanong sa malakas na boses kundi pahapyaw na mensahe lang na hopefully ay makuha ng viewer.

"Base sa interview ko, sinabi nung subject na pag guwapo, sumasama siya. Inamin din niya na nakipag-live in siya sa kapwa niya lalaki. The character played by Ray An Dulay named Juan ay representation ng iba pang characters na nakausap ko rin when I did the interview, pati ’yung ibang situations na makikita ninyo sa movie," kuwento pa ni Direk Jay.

Anong mensahe ang gusto mong sabihin sa pelikula?

"Una, hindi mo hawak ang buhay mo. Kung minsan, kahit na magdesisyon ka, may mga bagay na makakahadlang dito. Pangalawa, ang mahirap na tao, nililibang niya ang sarili niya sa iba’t ibang paraan para lang maka-survive pero paulit-ulit lang yung nangyayari sa kanya, kasi lahat ng ibang issues ng buhay natin o mga problemang dinadaanan ng mahirap na Pinoy, paulit-ulit rin niyang nararanasan.

"Like yung maging biktima ka ng bagyo o kaya ng lumubog na barko pero di ka naman nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa kompanya ng barko. Hindi nagbabago ang kuwento sa paglipas ng panahon. Hindi mo lang masyadong nakikita na nagrereklamo ang ordinaryong tao. Inaaliw lang niya ang kanyang sarili in some other way. Pero paulit-ulit lang ang nangyayari," pahayag ni direk Jay.


NO BIG STARS. Maituturing na newbie actors ang mga tampok sa pelikula na sina Ray An Dulay, Nico Antonio at Ace Ricafort na nag-audition to get the choice parts in the film.

Sabi ni Direk Jay, lahat ng artista sa movie hindi mukhang artista. Gusto raw niya kasi na mukhang common Pinoy ang mga artista niya.

"Puwedeng plus factor na pag malaking celebrity ang artista mo, puwedeng maingay ang pelikula mo pero hindi naman ibig sabihin nito ay may manonood ng movie mo. Of course, iba pag Vilma Santos, John Lloyd Cruz ang bida mo, pero may ibang movies na di kumita kahit na malaking artista ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka, parang ang feeling ko, konti lang talaga ang stars na kayang magdala ng pelikula. So sa akin, okay lang na gumawa ng maliit na movie na may konting nanonood, babawi ka ng konti, wala kang arte sa katawan kasi lahat kami ay nagtratrabaho for our movie, gagawin lang namin kung ano ang dapat," sabi pa ng director.

Ayon pa sa kanya, masasabi niya na advantage ang pag-cast ng unnamed actors sa indie movies na ginagawa niya.

"Advantage kasi lumalabas kung ano lang ang gusto mong gawin. Naniniwala kasi ako na sa panahon ngayon, sa estado ng paggawa ng pelikulang Pilipino ngayon, walang mas malaki kaysa pelikula. Yung pelikula lang ang dapat na malaki. Lahat kayo magtratrabaho para sa ikagaganda ng pelikula.

"Pag may star system na, you have many things to consider, like bawal ang ganito o hindi puwede ang ganyan, so hindi rin nase-serve ang purpose na mayroon kang malaking artista although most of the time, sa panahong ito, minsan di assurance na pag big star ang bida mo ay sure ka na kikita. Gagastos ka pa rin sa promo nang sobra-sobra. Opinyon ko lang ito kasi nga indie film ang ginagawa ko. Baka naman ’yung ibang klase ng movie ang ginagawa, iba rin naman ang opinyon nila," wika pa niya.


Nagsimula ang exclusive run ng Ang Laro ng Buhay ni Juan sa Robinsons Movieworld noong October 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN