Brillante Mendoza will serve as jury member of the 11th Mumbai Film Festival


After his film Kinatay won the Best Director trophies in Cannes Film Fest ’09 (France) and Sitges InternationalFantastic Film Festival (Spain), Brillante Mendoza was asked to serve as jury chairperson in Cinemanila International Film Festival2009, which was held from October 15 to 25, 2009.


Sa ibang bansa man o dito sa Pilipinas ay ini-enjoy ni Brillante Mendoza angpagiging hurado ng international film competition. Tulad sa 11th Cinemanila International Film Festival2009, na naganap noong Oktubre 15-25, 2009, kung saan naging jury chairperson siyafor International Competition kasama—bilang miyembro—ang filmmaker mula saIndonesia na si Eric Sasono.

May iba’t ibang set of jurors naman para sa iba pang categoriesng festival tulad ng Digital Lokal, SEA (Southeast Asian) Film Competition atYoung Cinema. Si direktor Tikoy Aguiluz ang nagsilbing festivaldirector, sa pakikipagtulungan ni Hon. Mayor Freddie Tinga ng Taguig City.

Noong Biyernes ng gabi, Oktubre 23, 2009, ay ginanapang awarding ceremonies ng 11th CIFF ’09 sa NBC Tent, The Fort, TaguigCity.

Ayon kay Mendoza,hindi naging mahirap ang pagpili ng winners sa Main Competition man o saiba pang categories ng naturang festival.

"Hindi mahirap kasi unanimous ang choice. Angchallenging, kailangan mong panoorin lahat [ng competing entries] in threedays," ani Mendozang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

On its 11th year, nanalo ng Grand Prize o Lino Brocka Award for best picture angpelikulang Hunger ng first-time English director na si Steve McQueen. Isaitong pelikula tungkol sa mga preso na inilabas sa U.K.at Ireland.

Ang iba pang winners ng 11th CinemanilaInternational Filmfest 2009 ay matutunghayan sa artikulong inilathaladito sa PEP (CLICK HERE to read related article).

Bilang hurado sa main competition, ano ang pinakanagustuhangfilm entry ni direk Brillante?

Nangiti si direk, hindi makapagbanggit ng title.

Aniya, "Ang gaganda kasi, lahat naman ng pelikulangipinalabas dito, mga winner na lahat ’yan, nanggaling sa ibang mga festivals. Yunang kagandahan ng [Cinemanila] festival, kasi ipinapalabas dito, mga winners ngBerlin, Cannes,Venice. So,napaka-rare ng chance na mapanood..."

Ang kaibahan pa, mas maraming Filipino indie filmsna nanalo sa iba’t ibang festivals abroad na kasali sa iba’t ibang section ngCinemanila Filmfest ’09, tulad ng Pepe Diokno film na Engkuwentro (SpecialMention awardee ng Cinemalaya ’09) at Lav Diaz film Melancholia,na parehong nanalo sa Venice International Filmfest Orizzonti section, noong2008 and 2009, respectively; ang Independencia ni Raya Martin nananalo this year sa Bangkok Filmfest; ang Bakal Boys ni RalstonJover at co-writer Henry Burgos na may special mention din sa VancouverFilmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasali rin bilang non-competing entries o Critics’ Pick angdalawang pelikulang naging main competition entries ng Cannes Filmfest 2008 (Serbis)at 2009 (Kinatay) na dinirek ni Brillante Mendoza, mula sa screenplayni Armando "Bing" Lao. Si Bing Lao ay writer-director ng BiyahengLupa (Soliloquy) which won the Lino Grand Jury Prize sa CIFF ’09Digital Lokal section. It’s Lao’s debut feature film.

SITGES INTERNATIONAL FANTASTIC FILMFEST IN SPAIN. Matapos manalong Best Directorthis year sa Cannes Filmfest ’09 para sa Kinatay,nabalita ang muling pagkapanalo ni Brillante Mendoza sa annual Sitges InternationalFantastic Film Festival sa Spain.Mendoza won the same award for the same film na nanalosa Cannes.

Nanalo rin si Theresa Barrozo, isangmusic composer, para sa Best Original Score.

Natawa si direk Dante nang banggitin ito sa kanya ng PEP. Angsinabi niya kasi noon, matapos ang Cannes Filmfest ’09 ay hindi na niya isasalifor competition ang Kinatay sa ibangfilmfests abroad.

Nagpaliwanang nang bahagya ang premyadong direktor.

"Kasi hindi ko naman alam kung saan nila ipinapasok [na festival]. Angmay alam diyan, yung distributor namin. Maganda rin naman pala ’yon, malakingfestival sa Spain.Kumbaga, importanteng festival ’yon [na] pinapupunta nila ako dun, hindi langtalaga ako puwede," ang kuwento ni Dante, palayaw ni Mendoza.

This week, nakatakdang umalis ng bansa si BrillanteMendoza upang magsilbing jury member sa 11th Mumbai Film Festival. Ang naturangfilm fest ay magsisimula sa Indiangayong Huwebes, Oktubre 29. Kasama ni direk Brillante na magiging jurymember ang Hollywood scriptwriter-director na si Paul Schrader, ang recipient ng Lifetime Achievement Awardng Cinemanila 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN