GB Sampedro may cast Candy Pangilinan in his upcoming film Separado


Astig director GB Sampedro is thinking about making a film about separated men titled Separado. He is open to the possibility of casting Candy Pangilinan in this upcoming project.


Happy si Direk GB Sampedro sa Special Mention citation na nakamit ng debut film niyang Astig sa 14th Pusan International Film Festival sa South Korea. First time na may pelikula mula sa Pilipinas na nagkamit ng ganoong parangal sa nasabing festival.

"Actually, ang binibilang lang nilang award sa festival na iyon ay dalawa lang. Pero according doon sa head ng jury, naging tight ang labanan ng tatlong pelikula, including Astig, kaya they decided na bigyan din ng special award ang Astig," pahayag ni Direk GB sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Western Union’s Galing ng Pinoy launch noong Lunes ng tanghali.

Ayon daw sa mga nakausap ni Direk GB sa Korea, yun daw ang highest award na nakuha ng isang Pinoy film sa nasabing festival. (CLICK HERE to learn more about the Special Mention citation of Astig)

Pupunta rin sila sa Asiatica Filmmediale sa Rome, Italy, this November pero for exhibition lang at hindi in competition ang Cinemalaya entry na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Sid Lucero, Paolo Paraiso at Edgar Allan Guzman.

Pinaplano na ni Direk GB ang susunod na indie film na kanyang gagawin pero kung magkakaroon daw ng offer to do a mainstream movie, he would surely welcome the opportunity.

"May mga projects din ako na gustong gawin na puwedeng pang-indie at puwede rin na pang-commercial," sambit niya.

Kinausap na ba siya ng Star Cinema to do a project with them? "Hindi pa naman. Sana kausapin nila ako," natatawang pahayag ni Direk GB.

May istorya na si Direk GB for his next film at tinatalakay nito ang mga sitwasyon ng mga lalaking hiwalay na sa asawa.

"In a way, parang istorya ko rin ito, kasi tungkol ito sa buhay ng mga separated na lalaki. Dito kasi sa atin, ang nabibigyan lang ng attention sa mga pelikula natin ay kung ano ’yung pinagdadaanan ng mga babae. So gusto ko rin naman ipakita kung ano ang pinagdadaan ng mga lalaki," sabi pa ng award-winning director ng Astig.

"Gusto ko rin naman ipakita ’yong other side ng istorya, kung ano ang pinagdadaanan ng mga lalaki. Ano rin ’yung mga pain at heartaches namin. True to life ito in a way kasi siguro dahil na-experience ko iyon," sabi pa niya.

Nakaranas ka na rin pala ang pain pagdating sa relationship? "Oo pero wala na ngayon. Naka-move on na ako. Lahat naman tayo dumadaan sa pain. Ang working title ko sa film ay Separado. Actually, matagal ko nang nabuo ang istorya niyan, siguro as early as three or four years ago.

"Nagkataon lang na separated ako. Ibang material ito kaya nagko-concentrate muna ako rito kasi gusto ko na magpabuti muna ang material before I go into actual filming," wika pa niya.

Kasama ba si Candy Pangilinan sa cast ng Separado?

"Why not? Marami naman roles na puwedeng maibigay sa kanya," sagot niya.

Kumusta na kayo ni Candy? "Okay naman," sagot niyang muli.

Nawala ba ang pain niya sa buhay dahil kay Candy?

"Ah, hindi, kailangan mawala muna ang pains mo on its own kasi pag dinipende mo sa ibang tao yung pag-alis mo ng pain mo, pag nawala ang taong iyon, babalik ang pain, e. I must say nawala lahat ng pain at mga problema nang mag-isa ako saka lang siya dumating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN