Brillante Mendoza is gearing up for NETPAC Philippines


Brillante Mendoza has been receiving numerous accolades both here and abroad after winning the Best Director Award (inset, called the Prix de la mise en scène in French) at the 2009 Cannes Film Festival.


Magkasunod na tribute/retrospective screenings ng mga pelikula ni Brillante Mendoza ang naitakda ng mga asosasyong Pranses at organisasyong pinamamahalaan ng kapwa-Pilipino sa magkasunod na linggong ito, mula noong Lunes (Nobyembre 9) hanggang sa susunod na Martes (Nobyembre 17).

Kasalukuyang isinasagawa ang tribute, o retrospective screenings, ng mga pelikula ni Brillante Ma. Mendoza, sa Alliance Francaise de Manille Cine Club (sa BelAir, Makati City) this week (November 9-12), sa pakiki-ugnay ng The French Embassy to the Philippines.

Kasunod nito’y itinakda rin ang tribute ng 2009 Cinema One Originals Digital Movie Festival para sa unang Pilipinong director na nagwagi ng Best Director sa Cannes Film Fest (Main Competition) para sa pelikula niyang Kinatay.

Kabilang ang Kinatay sa dalawang retrospective series. Sa Alliance Francaise de Manille Cine Club ay palabas ang Tirador (Nobyembre 9), Foster Child (Nobyembre 10), Serbis (Nobyembre 11) at Kinatay (Nobyembre 12). Ito’y sa pamamahala ni Bb. Sabrina Durand, cultural officer for AFMCC.

Pagkatapos ng French embassy/cine club-sponsored retro screenings ay pararangalan naman si Direk Brillante ng Cinema One sa pamamagitan ng pagpapalabas muli ng kanyang mga pelikulang sa Gateway cinemas simula November 13-17, 2009. Kabilang dito ang: Masahista (Brillante Mendoza’s debut film, which won the best video film at the 2005 Locarno International Filmfest; the Filipino director’s first ever international triumph), Tirador (2007), Serbis (2008), Kinatay (2009) at Lola (2009).

Bahagi ng Cinema One ang special tribute kay Brillante, o Dante Mendoza, sa gaganaping awards night ng festival, sa Linggo (Nobyembre 15) sa Dolphy Theater (Studio 1) ng ABS-CBN ELJ Building. Ayon kay Ronald Arguelles, pangkalahatang taga-pamahala ng Cinema One, ang isa pang pararangalan ngayong taon na ito ay si Danny Zialcita na siyang nag-direhe ng mga pelikulang Langis at Tubig (1980) at Dear Heart (1981).

Ang mga tribute/retro screenings na ito ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Direk Brillante matapos ang magkasunod ding pagiging bahagi ng international jury, sa Cinemanila/CIFF noong Oktubre 2009 at Mumbai International Film Festival, sa India, mula huling linggo ng Oktubre hanggang unang linggo ng Nobyembre 2009.

* * * * *

NETPAC, PHILS. Masayang nagbalita si Direk Brillante sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga pinakahuling kaganapang ito.

"Starting next year, member na ako ng NETPAC, Philippines," pagbabalita pa ng premyadong direktor. Ang naturang organisasyong pam-pelikula, o Network for the Promotion of Asian Cinema, ang nagbibigay-parangal sa mga natatanging pelikulang Asyano, sa iba’t ibang international film festivals.

Malaki ang kontribusyon ng NETPAC sa pagsusulong ng mga pelikulang gawa sa iba’t ibang bansa sa Asya, tungo sa maipagmamalaking kalidad na tanggap sa buong mundo.

Dahilan ito kaya marami ring Pilipinong filmmakers ang nagkaroon ng mga pelikulang premyado sa iba’t ibang world film festivals. Kabilang nga dito ang isa sa pinakamalalaking panalong natamo ni Brillante Mendoza, bilang best director ng pelikulang Kinatay sa 2009 Cannes International Film Festival.

Tinanong din ng PEP si Direk Brillante kung ano ang kasunod na pelikulang ididirehe niya, matapos ang Lola na naging "surprise" entry sa 2009 Venice International Film fest at opening film ng Cinemanila International Film Fest noong Oktubre 2009.

"Sa ngayon, wala pa muna. Gusto ko munang mag-concentrate sa NETPAC, Philippines," lahad niya.

Mayroon umanong naka-plano, pero hindi pa muna tiniyak ng direktor. Ang binanggit niya’y ang ilang nakalinyang retrospective screenings ng mga pelikula niya, na ipinang-imbita ng iba’t ibang grupo o organisasyong namamahala ng mga filmfest sa ibang bansa.

Isa na rito ang gagawin sa Lisbon, Portugal bilang bahagi ng IndieLisboa, o International Independent Film Festival of Lisbon, sa pamamahala ni Caterina Cabral.

Ang organizer ng Indielisboa (ang ICAP o Independent Cinema Association of the Philippines), kung tawagi’y Zero em Comportamento, ay isang samahang pang-kultural na nag-oorganisa ng mga programang pagpapalabas ng mga makabuluhang pelikula sa buong taon, sa Lisbon at iba pang siyudad sa Portugal.

Katulad ito ng gawain ng ating UP Film Institute (Cine Adarna), na pinamumunuan ng indie writer-director, Ed Lejano, at ang kanyang staff members kunsaan kabilang si Nonoy Lauzon.

* * * * *

Sa January 2010 ay imbitado rin ang direktor na maipalabas ang mga pelikula niya sa Singapore International Film Festival (sa imbitasyon nina Francis Tanglao-Aguas, isang propesor sa kursong Film and Theater at Dr. Kirpal Singh ng SIFF ’10).

Gusto ng SIFF’10 na ipalabas ang pelikulang Lola na pinagbibidahan ng dalawang beteranang aktres na sina Anita Linda at Rustica Carpio.

May imbitasyon din si Direk Brillante sa gaganaping Cinema South International Film Festival sa Sderot, Israel. Ang imbitasyon ay mula kay Erez Pery, program director.

Na-contact umano ni Pery si Direk Brillante, sa pamamagitan ni Jerome Baron, chief programmer ng Le Festival des 3 Continents, sa Nantes, France.

"We are watching your cinematic career for quite a time, with great admiration. We would very much like to invite you to participate..." ani Pery, na hindi itinatago ang paghanga niya sa Pilipinong direktor maging sa ipinadalang e-mail message.

Ang 9th Cinema South International Film Festival and gaganapin sa mga petsang nasa pagitan ng May 30 at June 4, 2010. Dito’y nakatakdang ipalabas ang apat o limang pelikula ni Brillante Mendoza, na may diskusyon pagkatapos ng screenings, at special master-class na sasalihan ni Direk Brillante bilang guest of honor.

Sa Berlin, Germany, kung saan ginaganap ang prestihiyosong Berlin International Film Festival tuwing Pebrero, ay may imbitasyon din si Brillante Mendoza upang maging guest of honor, para sa German Film and Television Academy of Berlin.

Gusto ng mga taga-Akademya sa Berlin (sa pamumuno ni Axel Estein) na maging guest lecturer sina Brillante Mendoza at kapwa-premyadong indie filmmaker na si Lav Diaz (na siyang director ng Batang West Side, Death in the Land of Encantos at Melancholia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN