Dukot graded A by the Cinema Evaluation Board


The characters of Allen Dizon and Iza Calzado endure much at the hands of their abductors in Dukot (Desaparecidos). This indie film will have an advanced screening at UP Diliman on November 17, 2009. It will be screened in select theaters starting December 2.


Masaya ang mga taong nasa likod ng political film na Dukot (Desaparecidos) dahil ito’y binigyan ng Grade "A" ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ibig sabihin nito, magkakaroon ang producers ng 100% tax rebate. Pinuri ng CEB ang mapangahas na pagtatalakay nito sa mga aktibistang dinudukot at pinapaslang. Buong husay na nagampanan ng mga artista ang kanilang papel sa pelikula lalo na ang bidang sina Iza Calzado at Allen Dizon (2009 Famas Best Actor for Paupahan).

Angat rin ang suportang ibinigay nina Snooky Serna, Emilio Garcia, Robert Arevalo at Gina Alajar. Malinis ang teknikal na aspeto ng pelikula at mapuwersa ang direksyon ni Direk Joel Lamangan.


Ang Dukot ay tungkol kay Junix, isang lalaking aktibo sa pag-oorganisa ng mga Aeta sa Zambales, at si Maricel, isang babae na nais magkaroon ng hustisya ang pagkakapatay sa kanyang ama. Nagkakilala sila nang aktibista sila pareho sa isang state university pero di nagtagal, si Maricel ay piniling itigil ang kanyang pagiging aktibista upang magtrabaho. Dinukot si Iza at si Junix ng mga military intelligence agents upang makakuha ng impormasyon mula sa kanila. Sumailalim ng torture si Junix at na-rape naman si Maricel ngunit naging matatag sila sa kabila ng lahat ng ito.

Si Gina Alajar ay gumanap ng nanay ni Maricel at bagamat mahiyain ang karakter niya, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magsalita sa publiko tungkol sa pagkawala ng kanyang anak.

Pinakita rin sa pelikula ang mga larawan ng mga taong naging human rights victims na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.

(CLICK HERE to read PEP’s review of Dukot)


Inaanyayahan ang lahat na panoorin ang advance screening ng Dukot sa UP Diliman Cine Adarna Theater sa November 17 mula ika-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Magkakaroon ito ng gala premiere kasama ang mga artista sa ganap na 7:30 ng gabi. Merong ticket na ibinibenta na ang kikitain mula rito ay ipagkakaloob sa grupong Anakbayan para itustos sa kanilang iba’t-ibang proyekto sa iba’t-ibang komunidad ng maralitang tagalungsod. Para karagdagang impormasyon tungkol sa ticket ay tawagan o i-text ang numerong 0922-4617176.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Dukot (Desaparecidos) ay mula sa panulat ng Palanca awardee Bonifacio Ilagan at ito’y tinatampukan rin nina Snooky Serna (2009 Star Awards at Famas Best Supporting Actress), Emilio Garcia (2009 Star Awards Best Supporting Actor), Gina Alajar, Robert Arevalo, Felix Roco ng UPCAT at Engkwentro, Jim Pebangco, Raquel Villavicencio, Mon Confiado, Rico Barrera, John Apacible, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Richard Arellano, Benjie Felipe at ang baguhang si Armaine Pagcu.


Ang producer ng pelikula ay CDP Events Entertainment Production at ATD Entertainment Productions.


Ang Dukot (Desaparecidos) ay isa sa napabilang sa 2009 Montreal World Film Festival at naka-line up ipalabas sa iba’t-ibang Human Rights Film Festivals abroad.


Ito’y mapapanood sa piling sinehan sa December 2 bilang commemoration ng Human Rights Month. Sa December 4-5 naman ang pagtatanghal sa Davao. Sa December 10 naman ay may screening ito sa Baguio. At magkakaroon ito ng espesyal na pagtatanghal sa Hongkong sa December 6. Inaayos na rin ang pagpapalabas sa susunod na taon sa Japan, Australia, Europa, United States at Canada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN