Week 2 na ng "Rock Da Vote!"

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 18, 2007
Patatawanin uli kayo nina (from left, clockwise) Jon Santos, John "Sweet" Lapus, Chokoleit, Poohquiao, Candy Pangilinan, at Ms. Tessie Tomas sa April 20 at April 21 shows ng Rock Da Vote.

Sa pagtatapos ng unang sold-out weekend ng Rock Da Vote: Night at the Museum, maraming sumakit ang tiyan sa katatawa. May kinabag. At siyempre may excited na nagkuwento sa mga kaibigan. Kaya talk of the town ang kakaibang show na ito.

Pero ang lagay ay kambyo pa lang iyan ng ASAP Live presentation na ito, dahil on the weekend of April 20 and 21, walang iba kung hindi ang stand-up comedy legend na si Ms. Tessie Tomas ang magiging guest stars sa ikalawang weekend ng Rock Da Vote: Night at the Museum.

Siyempre pa, hahataw si Ms. Teysi kasama ng mga nangungunang stand-up comedy stars ng Pilipinas: sina Jon Santos, Candy Pangilinan, Pooh, at John "Sweet" Lapus.

‘Wag rin madismaya kung hindi nakakuha ng ticket sa first two weekends ng Rock Da Vote, dahil naghanda na ang ASAP Live ng repeat for Rock da Vote, na scheduled for May 5, 11 and 12.

Continue reading below ↓

Sa unang weekend pa lang ay certified hit na ang Rock Da Vote: Night at the Museum. Kasi naman, andiyan ang Ate Vi, Kuringning Sanchez at Madam Melding ni Jon. Si Presidentita Gloring at Miriam Defensive-Santiagot naman ang pambato ni Candy Pangilinan. Mag-inang Tita Cory at Kris at si Madame Auring naman ang kinarir ni Sweet. Of course, si Pacman ang character ni Pooh, pero may Bro. Mike rin ang up-and-coming stand-up comedian na ito. At Bro. Mike din pang-laban ni Chokoleit, na pinatawa rin ang lahat bilang Sherap Espada.

Sa pagpasok naman ni Ms. Teysi sa mga shows ng April 20 at 21, bitbit niya ang kanyang walang-katulad na "Meldita" character at si Mel Sakit Tiyanko.

Ika-labinlimang taon na ng Rock da Vote, pero kahit kada election year lang staged ang naturang show ay matindi pa rin ang tatak nito sa mga fans ng komedya. Paano kasi, talaga namang pinakamalalaking pangalan sa stand-up comedy ang sumasali rito. At ngayong may dramahan sa mga political families, may bagong batas na pinatutupad ang Comelec, at may mga bagong saltang celebrity na sasabak na sa pulitika, siguradong wala na namang sasantuhin ang Rock da Votengayong taon.

Continue reading below ↓

Tickets for Rock Da Vote are available at all TicketWorld outlets, as well as through the TicketWorld hotline 891-9999.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patatawanin uli kayo nina (from left, clockwise) Jon Santos, John "Sweet" Lapus, Chokoleit, Poohquiao, Candy Pangilinan, at Ms. Tessie Tomas sa April 20 at April 21 shows ng Rock Da Vote.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results