Rafael Rosell topbills advocacy film Tulak


Direk Neal Tan (middle) gives instructions to Mara Isabella Lopez and Rafael Rosell, the lead stars of the advocacy film Tulak. This indie film about drug abuse is endorsed by the Department of Education.


Bidang-bida si Rafael Rosell sa bagong indie film na Tulak, produced by Exogain Productions in cooperation with PEDEA and DDB (Dangerous Drugs Board) headed by Chairman Tito Sotto.

Ayon sa wrtier-director ng pelikula na si Direk Neal Tan, ang Tulak ay isang advocacy movie tungkol sa ipinagbabawal na gamot, code-dependency, recovery at rehabilitation ng mga taong nalululong sa droga. Layunin ng pelikulang ito na ipamulat sa kabataan ang masamang epekto ng droga sa tao at sa lipunan.

Laking suwerte ni Rafael at napunta sa kanya ang lead role ng nasabing pelikula dahil dito matindi ang emotional requirments na hinihingi ng kanyang character--isang lalaking lulong sa bisyo.

Nasa cast sina Fanny Serrano, Maria Isabel Lopez, Julio Diaz, John Regala, Lyka Ugarte, Melissa Mendez, Ynez Veneracion, Ritchie d’ Horsie, Mon Confiado, Criselda Volks, Liz Alindogan, Rustica Carpio, Mara Isabella Lopez, Sheena Joy, at introducing si JP Mesde bilang batang Rafael.

Sabi ni Direk Neal sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "I conceptualized the script of Tulak during my early years in scriptwriting. Hindi pa man ako director noon, gusto kong gumawa ng pelikula tungkol sa droga.

"Hindi pa man uso noon ang tinatawag sa ’shabu tiangge’ ay naungkat na ito sa kuwento ko. Of course, marami na rin akong naisulat na script at ginawang pelikula na tumatalakay tungkol sa addiction sa droga, pero ang Tulak ay kakaiba dahil ito’y sumesentro lamang sa droga.

"Sa tulong ng aming executive producer na si Donna Sanches, ni re-construct namin ang script since isa siyang self-confessed addict. Naging authentic ang lahat ng hinihingi ng script."

Ipinagmamalaki rin ni Direk Neal na malaki ang suporta sa kanilang proyekto ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

"Bago namin binuo ang Tulak, we presented the final script to the PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency], DDB [Dangerous Drugs Board], maging sa Department of Education, at Department of Health, para ihingi ang kanilang suporta at pagkakaisa sa pagbuo ng pelikulang ito at ito’y aming napagtagumpayan," lahad ni Direk Neal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Direk Neal Tan as scriptwriter-director, ang iba pang bumubuo ng produksiyon ay sina Donna Sanches (Executive Producer), Maria Isabel Lopez (Line Producer), Renato de Vera (Director of Photography), Cyrus Khan (Production Designer), Teresa Barrozo (Musical Director), Raki Kho (Editor), Sher Castillo (Sound), at Danilo Nazareth (Assistant Director).

"This is a digital movie shot entirely in high-definition technology using Cine-Alta Sony F-900. Anim na araw natapos ang shooting at tumagal lang nang mahigit dalawang linggo sa post-production," pagbabalita ni Direk.

Idinagdag pa nito na marami silang ibang aktor na kinonsider sa papel na Tikboy, bago napunta finally sa mga palad ni Rafael.

"Kinunsider rin namin sina Jericho Rosales, Piolo Pascual, Jake Cuenca, at Coco Martin. Nang mabasa ni Mr. Johnny Manahan [Star Magic Head at manager ni Rafael] ang script, agad nitong sinabihan si Rafael na huwag palampasin ang pagkakataong ito.

"Hindi siya nagsisi na gawin ang Tulak kahit honorarium lang ang kanyang natanggap [as talent fee]. Since this is an advocacy movie, lahat ng nagsiganap dito ay walang natanggap na talent fees, kundi honorarium lang.

"Sabi sa akin ni Rafael, dream project niya ito at ito ang role na matagal na niyang inaasam."

SYNOPSIS. Tikboy (Rafael Rosell), is a young man living in a narrow alley called "Kalye walang buhay" (dead alley) where most of the residents are criminals, immoral people, and drug dependents. Orphaned at an early age, his aunt Lukray (Isabel Lopez), an aging prostitute took him under her wings with her live-in partner, Abdon (Julio Diaz), a low-ranking policeman, corrupt, fraudulent and a drug pusher. Tikboy served as his delivery boy in most of his drug deals and identified as "Batang Tulak."

At the young age of 9, Tikboy was maltreated and abused by Abdon. One day, Tikboy was badly hurt by Abdon while saving his aunt from being beaten. He is then forced to leave home and begin anew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ten years later, Tikboy, a grown-up man, is released from jail with the help of Betina (Fanny Serrano), an old faggot who owns a small shell craft factory. His trusted and thoughtful friend becomes his co-dependent. Tikboy joins the pickpockets around the city and he soon becomes a bandit and drug pusher. The ex-convict tries to find his Aunt Lukray and save her from Abdon, but the dead alley where they used to live was already demolished.

Tikboy learned about a certain shabu tiangge at the center of a crowded slum area. He is shocked and upset to see Lukray, glum, miserable and a full blown addict. The people call her Lukring for being eccentric, her face filled with scars.

The place is a known haven for drug pushers and users. Abdon, the owner and operator of the so-called shabu tiangge, was evicted from the police force for having several pending cases.

Tikboy wants to save his aunt from her insanity as well as save his old time friend Bernie, who is also hooked on drugs.

Men and women, young and old, most people in this area are lured into drugs. These include an 83-year-old widow Andeng (Rustica Carpio) and an eight-year-old boy named Bimbo.

During the finale, an intense action scene takes place wherein Tikboy tries to grab his aunt away from Abdon. During the chase, a heartrending moment between Lukray and Tikboy transpires when Lukring finally recognizes him.

In the end, Tikboy chooses recovery, and encourages his friends to enter drug rehabilitation as well. There is healing and hope for a better tomorrow.

Noong November 16, prinisinta nila for viewing ang Tulak sa PDEA, headed by Chairman Dionisio Santiago. Ang DDB headed by Chairman Tito Sotto, kasama ang ilang representatives ng DepEd at Dept. of Health ay bumilib at nagandahan sa makabuluhang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaisa silang matugunan ng pelikulang ito ang mithiing nais iparating sa madla.

Last November 21 naman, in celebration of Drug Prevention Week, nagkaroon ito ng premiere night showing sa SM Megamall Cinema 12.

Ayon sa line producer-actress na si Maria Isabel Lopez, ang upcoming screening schedules ng Tulak ay December 12 (4 PM) sa SM Megamall Cinema 10 at January 17, 2010 sa SM Megamall Cinema 10 (4:00 PM).

Magkakaroon rin ng celebrity gala screening sa March 12, 2010. Pero bago ’yun ay nakatakdang iikot ito mga schools and universities, since nakakuha sila ng endorsement mula sa Department of Education.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN