Changes made in the comedy play "Rock Da Vote"

by Dinno Erece
Apr 22, 2007
"Actually, ang request ni James, tanggalin na lang ang buong portion niya. Ang ginawa, binago na lang ang lines ko, kumonti, pero hindi pa rin tinanggal," says Victor Basa (left) about James Yap's request to remove his character, which Victor portrays, in the comedy play Rock Da Vote.

Heavily revised and edited ang participation ni Victor Basa as James Yap sa Rock Da Vote comedy stage play.

Sa malapitan, may hawig ang Penshoppe model star of two ABS-CBN shows—Star Magic Presents: Abt Ur Luv and Walang Kapalit—at ang 2006 PBA MVP (Most Valuable Player) husband ni Kris Aquino. Sabi ni Victor, marami na rin daw ang nag-point out sa kaniya nito. When he did a guest stint noon sa Pilipinas Game KNB, even si Kris na asawa ni James, napansin din ito.

It's no wonder then kung bakit si Victor ang napili ng ASAP Live, ang producer ng Rock Da Vote, para gumanap na James Yap sa isa sa mga skits sa stage comedy. Kaso bago ito naipalabas, nag-request daw si James na tanggalin na lang ang buong part where his character appears.

Compromise na lang ang nangyari: hindi tinanggal ang participation ng James Yap character sa Rock Da Vote, ngunit pinaikli na lang ang mga lines niya at binago pa ang existing lines para maging safe.

Continue reading below ↓

"Actually, ang request ni James, tanggalin na lang ang buong portion niya. Ang ginawa, binago na lang ang lines ko, kumonti, pero hindi pa rin tinanggal," paliwanag ni Victor.

Hindi naman inisip ni Victor na baka magalit sa kaniya ang asawa ni Kris.

"Hindi naman ako ang sumulat ng script, I was just taken in as an actor and I am just playing my part. Besides, this is a comedy show and it's meant to be a joke," pagtatapos niya.

Walang confirmation kung nanood si James sa alin man sa dalawang gabing ipinalabas ang show that stars Tessie Tomas, Jon Santos, Candy Pangilinan, Chokolate, Pooh, and John "Sweet" Lapus—kinikilalang mga pinakamagaling sa comedy sketches at stand-up acts sa bansa ngayon.

Aside from this change, isa pang pagbabago ang naganap sa lineup ng performers sa Rock da Vote. Contrary to an announcement given by ASAP Live, the production company staging Rock da Vote, hindi na raw makakasama si Pokwang sa mga performers ng naturang comedy play.

Apparently, Pokwang was being considered as an alternate in case one of the original performers was unable to show up during the performances. However, since available naman ang lahat ng cast members hindi na siya makakasama sa mga repeat performances ng Rock da Vote. Ang additional performances ng comedy play based on the Philippine elections ay magaganap sa darating na May 5, 11, and 12.

For ticket inquiries, call TicketWorld hotline at 891-9999.
Read Next
Read More Stories About
James Yap, Victor Basa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, ang request ni James, tanggalin na lang ang buong portion niya. Ang ginawa, binago na lang ang lines ko, kumonti, pero hindi pa rin tinanggal," says Victor Basa (left) about James Yap's request to remove his character, which Victor portrays, in the comedy play Rock Da Vote.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results