Sigwa (Storm) will recall tumultuous Martial Law years


(From left) Zsa Zsa Padilla, Megan Young and Dawn Zulueta will be part of the Cinemalaya 2010 entry Sigwa, which will be directed by Joel Lamangan.


Kabilang si Joel Lamangan sa limang direktor na may entry sa Open Category ng 6th Cinemalaya Film Competition and Festival, na gaganapin sa Hulyo 9-18, 2010. Ang pelikulang Sigwa (Storm), na mula sa panulat ni Bonifacio Ilagan, ang napili niyang isali.


(CLICK HERE to read more about the other entries in the director’s showcase or open category of Cinemalaya)

Ang Sigwa ay isang period drama. Limang magkakaibigang may magkaka-ugnay na karanasan sa panahon ng ligalig, noong Martial Law years (noong 1970’s) ang muling nagkatagpo matapos ang apat na dekada, na mayroon na silang iba’t ibang buhay at paniniwala.

Sa araw na ito (Martes, Pebrero 2) ang simula ng humigit-kumulang sa sampung araw na shooting ng bagong indie film ni Direk Joel. Late last week (Huwebes, Enero 28) ginanap ang story conference ng pelikula, sa isang Spicy Fingers restaurant sa Makati City. Ito’y dinaluhan ng mga main at supporting cast members ng pelikula. Kabilang rito sina Zsa Zsa Padilla at Pauleen Luna (na siyang gaganap bilang the young version ng character ni Zsa Zsa character na namuhay during the ’70s); Tirso Cruz III at Marvin Agustin (the young Tirso of the ’70s); Jim Pebanco at Jay Aquitania (the young Jim of the ’70’s); at Dawn Zulueta at Megan Young (the young version of Dawn’s character of the ’70’s).

Bukod sa mga nabanggit na kasali sa cast, dumalo rin sina Rico Barrera, na gagampanan ang anak ni Jim Pebanco, at Racquel Villavicencio. Si Allen Dizon naman ay gaganap sa isang mahalagang papel bilang isang DPA, o Deep Penetration Agent, sa panahong kontemporaryo. Kasama rin sa malaking cast sina Gina Alajar at Jennylyn Mercado (na siyang gaganap na young version ng character ni Gina during the ’70s).

Ang kuwento o ang materyal ng Sigwa ay malapit sa puso ni direktor Joel Lamangan kaya ito ang napili niyang gawing pelikula. Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang premyadong direktor matapos ang story conference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The 1970’s, during the Martial Law era... that’s where I came from," sabi ni Direk Joel. "Bilang pelikulang tumatalakay sa panahong ’yon, kakaiba naman ito, dahil multi-character siya at may iba’t ibang nangyari sa kanila pagkatapos ng apatnapung (40) taon. Ang drama ay kung paano nila haharapin ang isa’t isa, na iba-ibang tao na sila."

FROM MAINSTREAM TO ’INDIE’ AND VICE-VERSA. This year marks Joel Lamangan’s 19th year in the movie industry, matapos siyang mailunsad noong 1991 bilang direktor ng Darna (pinagbidahan ni Nanette Medved at produced by Viva Films). Mula noon, mahigit na sa limampung feature films ang nagawa ng multi-awarded filmmaker.

Hindi conscious si Direk Joel sa kung ilang taon na siyang nagdidirek sa pelikula, o kung ilan ang eksaktong bilang ng mga pelikulang nagawa niya, na marami na rin siyang napagwagian ng parangal.

"Hindi ko alam," natawa nang bahagya si Direk Joel. "The only thing is... I’m still doing it, I am still into it and I still would like to do films, na magaganda at kakaiba. I enjoy doing films and television [dramas]. And I would like to go into theater again, where I also came from."

Direk Joel easily shifts now from doing mainstream movies and independently produced full-length features, o mas kilala ngayon sa taguring indie films. Magkakahalong pelikulang komersiyal at yaong masasabing seryosong pelikula (pang-mainstream man o pang-indie), na may iba’t ibang genre ang napagkilanlan sa kanya bilang isang direktor.

"Bilang direktor, hindi dapat na nasa iisa ka lamang butas. Dapat alam mo rin kung paano gagawin ang iba pa," katwiran niya. "Kaya ’yun din nga ang ikinagagalak ko, na puwede akong mag-shuffle, from one... I mean, from mainstream to indie, and in any genre."

As for doing independent movies, o indies, may satisfaction ang isang direktor na tulad ni Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, nagagawa ko ang gusto kong gawin...sa indie films," aniya pa. "Ipinaglalaban ko at pina-plano ko, na gano’n ang gagawin ko; na hindi lang ako pang-mainstream. Kailangan gumawa rin ako ng indie films na may istoryang hindi kailanman maipapalabas sa mainstream. With God’s help, naaayos naman."

Kabilang sa mga noteworthy mainstream films na dinirek ni Joel ay prinodyus ng Viva Films in the 1990’s, tulad ng Pangako Ng Kahapon, The Flor Contemplacion Story, Bakit May Kahapon Pa? Ang Regal Entertainment naman ang nagproduce ng Blue Moon (2005) at Mano Po 6 (2009) samantalang GMA Films ang nagproduce ng Death Row (2000). Lately, ang mga pelikulang Dukot at Sagrada Familia ay mga indie films na ginawa ni Direk Joel. Tulad ng Sigwa, ang Dukot ay tungkol rin sa buhay ng mga aktibista ngunit mas tinalakay nito ang kasalukuyang nangyayari sa mga tumutuligsa sa gobyerno.

BABALA NG SIGWA. Sa bagong indie project, napu-foresee ng direktor ang ilang minor problems, na hindi kasimbigat ng nararanasan ng mga filmmakers sa panahon ng Martial Law, na mayroong strict censorship sa ating industriya.

Ani Direk Joel, "With censorship, wala naman. Wala namang ka-censor-censor sa Sigwa. Wala namang controversy sa pelikulang ito, ’di tulad sa Sagrada Familia (which tackled the theme of incest), o sa Dukot (kuwentong tumatalakay sa sudden disappearances, o desaparecidos, mula sa panahon ng Martial Law hanggang sa kasalukuyan). Kung meron mang elementong pulitikal sa istorya, ibang approach naman ang paglalahad.

"At puro naman mga kaibigan ko ang mga artista dito sa Sigwa, so I don’t think there will be a major problem. O kung sakali man, dahil mga busy din sila, siguro magkakaroon ng very minimal problem sa scheduling. Mare-resolve naman ’yon..."

Kabilang sa mga nasa staff ni Direk Joel, para sa Sigwa, ang kanyang assistant director na si Jose Abdel Langit at production designer, Edgar Martin Littaua. Line producer is writer and talent manager, Dennis Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN