Boy Abunda will co-produce Mario O’Hara’s film, Ang Paglilitis ni Bonifacio


The Buzz host Boy Abunda (right) has agreed to co-produce Ang Paglilitis ni Bonifacio, the entry of director Mario O’Hara for Cinemalaya 2010.


May magandang kaganapan kaugnay ng indie project na Ang Pagliliis Ni Bonifacio, ang Cinemalaya 2010 entry (Open Category), sa direksiyon ni Mario O’Hara.


Matutuloy na ito at iba na ang magiging co-producers: sina Boy Abunda at ang isa niyang kaibigan. "[Kasama ko] ang friend kong si Mike Sicat, at baka tawagan ko si Boy So," pagbanggit ni Kuya Boy sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nang bisitahin siya kagabi, March 25, sa taping ng SNN (Showbiz News Ngayon) sa ABS-CBN. Noong 2009 edition ng Cinemalaya, si Boy Abunda at ang business partner niya na si Boy So ang nag-produce ng pelikulang Astig na siyang nanalo ng Best Director, Best Supporting Actor, Best Editing at Best Sound.


"We’ll be producing the Cinemalaya entry, Ang Paglilitis Ni Bonifacio, of Mario O’Hara," pag-kumpirma rin ni Abunda. "Nag-usap kami nina Laurice [Guillen, Cinemalaya director for competition], kanina lang at kami’y tutulong sa produksiyon."


"I don’t know if I’m supposed to say this, pero why not? Di ba?" saad pa ni Kuya Boy. "Walang problema ’yon, kasi nag-usap kami ni Laurice. Gusto kong suportahan si Mario O’Hara."


Kamakailan ay nabalitang may kalabuan ang posibilidad ng pagsasa-pelikula at pagsali pa nito sa gaganaping indie filmfest (sa Cultural Center of the Philippines). Ang mga kadahilanan, ayon sa direktor nito ay ang kaabalahan sa kampanya ng unang napiling gaganap na lead actor (Alfred Vargas, tumatakbong konsehal sa Quezon City) at ilang kuwestiyon hinggil sa mga nasasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Cinemalaya. Malapit na kaibigan diumano ni Alfred ang producer na kausap ni Direk Mario.


Sa nabanggit na panibagong kaganapan, wala pang tiniyak si Boy Abunda hinggil sa casting ng project. Ang binanggit niya ay ang "magandang premise ng pelikula."


"Di ba, tayo, parang may mga nagsasabi na, ’O, si Andres Bonifacio, di ba ipinapatay ’yon ni Aguinaldo? Bakit pareho silang bayani?" pagtukoy rin ni Kuya Boy. "Hindi ko alam ang sagot. At saka itong pelikulang ito, hopefully, magiging bahagi ito ng pag-aaral ng ating mga kabataan, sa history ng Pilipinas..."


CASTING NOT YET FINAL. Ang huling pakikipag-usap ng PEP kay direktor O’Hara, sa telepono, ay noong nakaraang Lunes (March 22), matapos ang final weekend run ng dulang Tatlong Maria ng Tanghalang Pilipino, kunsaan kabilang sa main cast si Direk Mario.


"Wala pa, baka after the elections na. Gusto ko munang magpahinga bago mag-Holy week (March 29-April 4, 2010)," masayang pagbanggit ng direktor, pero walang dinitalyeng anuman.


Nais ng PEP na mag-follow-up pa rin tungkol sa magiging kaganapan, kaugnay ng project, at base sa nabanggit ni Robbie Tan, na "we’re still trying to look for other possibilities..." at "we’re not keeping the doors closed yet.. we’ll wait up to the end of the month."


Naniniwala sina Direk Laurice at Robbie na magiging klasikong historical drama pagdating ng panahon ang pelikulang ito ni Direk Mario.


Ani Robbie Tan, "We don’t want to let it go, because we want director Mario O’Hara to be a part of this year’s Cinemalaya. Mario is very organized, wala talagang problema sa kanya.."


Ang mabubuting katangian ng direktor, bilang isang tunay na alagad ng sining, ang nagsilbing plus factor para hindi mauwi lang sa wala ang magandang konsepto ng Ang Paglilitis Ni Bonifacio.


Sa nakaraang interview kay Direk Mario, sabi niya ay napili niya sina Coco Martin, Kristoffer King, at Danielle Castano, 2008 Bb. Pilipinas-World para maging stars ng Cinemalaya entry niya. Subalit, sa pagpasok ng bagong producers, "on hold" muna ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN